Chapter 5

110 40 3
                                    

Chy's POV

"Mahal..", bungad nito sa akin nang makapasok sa loob ng bahay galing sa kung saan.

Hindi ko siya pinansin at bumalik ako sa pagwawattpad ko. Lumapit ito sa akin tyaka ako hinalikan sa noo.

Ano ako matanda?!

"Ano na naman niyang binabasa mo, may yugyugan na naman yan", kompronta niya sa akin.

Fvcky mo ba, tsk!

"Hoy mahal", tawag niya ulit sa akin.

Hinawi niya ang dalawang kamay ko at muntik ko ng mabitawan yung cellphone ko.

Wandat sasampalin ko toh!

Humiga siya paharap sa tabi ko habang naka- unan sa braso. Nagulat ako ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

"Tapos apply mo sakin lahat ng natutunan mo dyan ah", pang aakit nito.

Napa- irap nalang ako sa hangin kahit sa totoo ay bahagya akong kinilig.

"Pagawa mo sa kabet mo", tanging nasabi ko nalang.

Hinawakan niya ang pisngi ko tyaka pinaharap sa kaniya.

"Ano na naman bang problema ng misis ko?", tanong nito pero inirapan ko lang siya.

"Mas gumaganda ka kapag nagtataray ka, mahal. Sa sobrang ganda mo baka hindi na ako makapag pigil at anakan kita ng kambal", saad nito tyaka tumawa ng mahina.

Powta!

Gusto kong tumawa at hampasin siya pero dapat stay in one character lang, dapat seryoso at inis...

"Pakasalan mo muna ako bago mo ako anakan", may diin kong tugon.

Bigla siyang natahimik. Ganyan siya every time na usapang kasal ang pag ita- topic ko.

Nakakainis!

"Kung wala ka namang plano, edi anakan mo yung iba na kahit walang kasal ay okay lang sa kanila", ani ko.

For me, wedding is the most precious thing that a girl dream. Ang maglakad sa altar habang tanaw ang maraming tao at nasa dulo noon ang taong pinakamamahal mo na naghihintay sa iyo. Giving vows and promises with each other, exchanging rings that symbolize how love works with the both of you and lastly how your man kiss you infront of many people. It was a magical dream for every girls.

"Chy dadating naman tayo jan", malumanay nitong sagot kasabay ng paglihis niya ng tingin sa akin.

"Renz we have enough money na nama eh para sa kasal natin"

Gusto ko maiyak sa mga sinasabi ko.

"Chy let me handle this, okay?! I have plans", explain nito.

Dapat pala nirecord ko nalang lahat ng sinabi niya noon pa para hindi na siya mahirapang ulit- ulitin mga iyon..

Bago pa tuluyang bumigay ang mga luha ko, marupok sila mga piste hindi nagmana sa akin. Bumalik ako sa pagbabasa ng wattpad kasabay naman noon ang pagtunog ng cellphone ni Renz, kinuha niya iyon at nakita kong nakaflash sa screen niya ang tumatawag na si...

Baby!

Agad itong tumayo mula sa pagkakahiga tyaka naglakad palayo sa akin.

Shutangina niya, sinasabi ko na nga ba may kabet ang gagung iyon!

Tumayo din ako at maingat na sinundan siya. Nasa labas siya sa may tapat nang pinto habang ako ay naka upo sa tapat ng pinto sa loob at nakikinig sa usapan nila.

"Sige baby.. oum kakauwi ko lang din... nga pala salamat kanina ah sobranh ganda nung mga pinakita mo sa akin hanggang ngayon hindi parin ako makapag move on sa ganda ng mga perlas mo"

Tanginamo talaga Renz nakuha mo pang tumingin ng ibang perlas porket hindi mo pa nakikita ang perlas ko, walanghiya ka!

And my tears started to flow to my face. Napatakip nalang ako ng bibig ko dahil alam kung maririnig niya ang mga paghikbi ko.

"Kaya nga eh, anyways ingat ka sa pag uwi mo ah.. bye baby... hahaha sira ka talaga... baka marinig ako ni Chy eh... sige sige byee"

Lalong lumakas ang hagulgol ko kaya napatakbo ako papuntang kwarto.

For how many years ngayon ka pa talaga magloloko. Kaya ba ayaw mo akong pakasalan kasi may iba ka pala, hayuf ka!

Pinagbabato ko lahat ng mahawak ko sa sobrang inis at iyak.

"Mahal may bibilhin lang ako saglit, may gusto kabang ipabili o ipasabay?", saad nito sa mula sa labas ng kwarto pero nanatili akong tahimik at umiiyak.

Sa ating dalawa, ako lang pala yung may plan para sa atin. Ako lang pala yung naghahangad na makasama ka habang buhay, ako lang pala yung may gusto na bumuo ng pamilya kasama ka. Pero ako, wala pala ako sa mga plano mo. Hindi pala ako yung babaeng gugustuhin mong makasama habang buhay.

"Wala ba? Sige ibibili nalang kita ng paborito mo ha. Bye Iloveyou mahal", paalam nito sabay narinig ko ang pagbukas ng pinto senyales na naka alis na ito.

"Sorry ha, akala ko kasi ako na yung gusto mong maging ina ng magiging anak mo. Sorry kasi akala ko ako na yung gusto mong mapangasawa", saad ko habang patuloy sa pag iyak.

"Pero sana ako nalang, ako nalang yung babaeng iyon"

Tangina kaibigan ko nga si Mika! Ganito pala kasakit yung nangyari sa kaniya noon, pero alam kong mas masakit parin yung sa kaniya kasi may anak sila. May laban siya kay Renrem pero mas ginusto nalang niyang umiwas. Takte hindi ako si Mika kaya ilalaban ko si Renz, oo wala kaming anak pero ako yung nauna eh, ako yung legal, sakin siya umuuwi, sa akin siya tumatabi sa pagtulog...

***

"Mahal.."

Nagising ako dahil may humaplos sa pisngi ko at nang unti- unti akong tumingin sa kaniya. Nakita ko si Renz na nakaupo sa baba ng kama habang nakatitig sa mukha ko.

Shit! Nakatulog pala ako kakaiyak...

"What's wrong? Namumugto ang mata mo tyaka pagdating ko basa ang pisngi at ang mga unan ay nasa sahig", pag- aalala nito.

Naiiyak na naman ako pero kailangan kong pigilan, hindi ko dapat ipakita sa kaniya na nasasaktan ako at affected ako.

Pakatatag ka Chy!

Bumangon ako at inalok niya akong alalayan pero tinapik ko ang kamay niya ng di masyadong halata.

"Ae ano kasi, may ano, may daga na tumakbo kanina kala ko papalapit sa akin kaya binato ko ng mga unan", palusot ko.

Tinaasan niya ako ng kilay kasabay ng pagkunot ng noo nito.

"Umiyak ka?", aniya.

"Takot ako sa daga, ang laki kaya", sarcastiko kong tugon.

Nabigla ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. Hindi ko alam pero may kakaiba sa yakap na iyon, yakap na alam kong mag tinatago siya sa akin at nasasaktan ako. Kinagat ko ang lowerlips ko para pigilan ang muling pag agos ng mga luha ko.

"Mahal na mahal kita, Chy", saad nito sabay halik sa mga labi ko.

Ang mga luha na pinipigilan kong lumabas ay kumawala na sa aking kaliwang mata ko.

"I said I love you for two times but you haven't response", nagtatampo nitong saad habang nakayakap parin sa akin at nakadukdok sa leeg ko.

"I-i love you more, Renz", medyo utal kong saad.

I love you even it hurts...

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now