Chapter 33

51 11 0
                                    

Mika's POV

Nandito na agad kami sa bahay namin kahit na gusto pa naman na mag- stay muna sa hotel, pero wala kaming choice dahil kailangan iyong malaman ni Heaven agad.

"Are we ready for this?", alinlangan kong tanong kay Shawn.

"I'll respect what Heaven's decision, also your decision baby", sabay lapit nito sa akin at haplos sa buhok ko.

Wala namang pilitan na mangyayari..

"Paano natin ito sasabihin kay Renrem? For sure hindi siya papayag", sambit ko na puno ng pangamba.

"He will, I assure that", confident na tugon ni Shawn.

May plano na agad siya?

May narinig kaming tugon ng sasakyan na pumarada sa harap ng bahay namin.

"Let's go", aya nito sa akin kaya tumango ako bilang tugon sa kaniya at saka kami lumabas ng kwarto habang nakayakap ang isa niyang kamay sa bewang ko.

"Daddy, mommy?", tila gulat na saad ni Heaven nang makita kami ni Shawn na pababa ng kwarto.

"You look shocked sweetie, ayaw mo ba kami makita?", may pagtatampo sa tonong tanong ni Shawn.

Agad namang naglakad papalapit sa amin si Heaven tyaka yumakap ng mahigpit.

"Syempre po gusto, but I expect na next week pa ang uwi niyo", sambit nito habang hinihimas ko ang buhok niya.

"And I also expect na bibigyan niyo na ako ng kapatid na made in hotel", natatawang bulong ni Heaven, sapat na para kami lang ang makarinig.

Naramdaman ko ang paglawak ng ngisi ni Shawn kaya siniko ko ito ng mahina kahit na natatawa rin ako.

"Hm ehem", aktong nauubo ni Renrem kaya napatingin kami sa kaniya.

"I'll go na", saad nito at akmang aalis na.

"No Renrem, just stay may gusto pa kaming sabihin", seryosong sambit ni Shawn kaya nagkibit balikat si Renrem.

Nagpaalam ako sa kanila na sasamahan ko muna si Heaven na mag ayos habang silang dalawa ay napagplanuhan na magluto ng hapunan.

'Wag sana maging war zone ang kusina ko..

"Mommy bakit naman po ang bilis ng pag uwi niyo ni daddy?", tanong nito habang sinusuklay ko ang buhok niya.

"For some reasons sweetie. Anyways may tanong ako anak?", pagbabago ko sa topic namin.

"Ano yun mommy?"

"Hm ikaw ba anak ay may boyfriend na?", diretso kong tanong kaya nasamid bigla siya.

"Mommy naman", sagot nito kaya natawa ako.

"I'm just asking Heaven, tyaka it is not a big deal anyway. Mag- eeighteen kana you can decide on your own", tugon ko.

"No mommy, wala pa po akong boyfriend", seryoso nitong saad.

"Ha? Bakit? Wala bang nagtangkang manligaw sayo? Ang alam ko ay maraming nagkakagusto sayo ah", sunod sunod kong tanong.

"Ayoko lang po mommy", tila walang gana nitong sagot.

"Dahil ba sa amin ng papa mo?", alangan kong tanong ko.

"Ayoko pong masaktan and mag- suffer like what you've experience mom. Ayoko na mabaliw, mawalan ng pag asa and at the same time ay madurog because of one guy", paliwanag nito.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now