Chapter 16

61 20 0
                                    

Heaven's POV

Maaga akong nagising dahil mag aayos pa ako ng sarili ko. Bibisita daw ngayon si papa ngayon dahil ipapakita niya raw sa akin ang mga schools at universities na pwede kong pasukan dito sa Pilipinas.

"Goodmorning sweetie", bungad ni daddy nang makababa ako ng hagdanan.

"Goodmorning daddy", sabay lapit ko dito at halik sa pisngi nito.

"Mag- breakfast kana", alok nito.

Umupo ako sa harapan ni daddy at inayos ang mga plato na nandoon.

"Where's mommy?", tanong ko nang mapansin wala si mommy doon.

"Nag- grocery lang sweetie together with your lola and auntie Fria, don't worry I think pabalik na sila", paliwanag ni daddy.

"Goodmorning apo", sambit naman ni lolo nang makapasok ng kusina kasama si Uncle Ranz.

"Goodmorning din po lolo, uncle", nakangiti kong saad.

"Mukhang masaya ang gising ng Heaven namin ah", pabirong tugon ni Uncle Ranz.

"Opo Uncle", natatawa kong saad.

"Mukhang masarap na naman ang luto ng daddy mo ah, Heaven", puna ni lolo nang makita ang nakalagay sa hapagkainan na adobong manok.

"Nako papa hahaha, kain na po kayo. Sabayan niyo na si Heaven", alok ni daddy.

"Ikaw daddy? Hindi ka sasabay?", tanong ko.

"Sabayan ko na sina mommy mo pagdating", nakangiti nitong sagot sa akin.

"Ako din, apo", sabat naman ni lolo.

"So tayo pala Heaven ang magsasabay kumain", aya ni Uncle at pinagsandok ko ng kanin at ulam.

"Uncle, kasama po ba nina papa si tita Aira?", tanong ko.

"I think oo, as if naman papayag si Aira na magpa iwan", sabay tawa nito.

"Ready kana ba pumasok dito apo? Mag- aadjust ka nga lang dahil iba ang way ng pagtuturo dito at sa America", ani lolo.

"Heaven can do it naman po papa, and one more thing, basic nalang kay Heaven iyon dahil advance ang turo sa America", proud na sabi ni daddy kay lolo.

"Well, kanino pa ba magmamana si Heaven kundi sa kaniyang mommy", pagyayabang ni lolo.

Bigla naman akong nacurious, how's mommy as a student before?

"Lolo, paano or ano ba si mommy when she is a student before?", taka kong tanong kay lolo.

"Iyang mommy mo, masyado siyng curious about things. Yung tipo na kapag naguluhan or hindi niya naintindihan ang isang bagay, like sa math subject kasi hate niya talaga yun hahaha but still ginagawa niya parin lahat para pag aralan yun", sagot naman ni lolo.

"Isa pa, si ate kasi yung tipo na half- half, yung hindi siya masyadong sunog kilay o tutok sa pag aaral pero hindi niya hinahayaang bumaba yung grado niya. May sine- set kasi siyang goal pagdating sa grades niya, bawal siyang bumabasa 88 kahit isang subject manlang", paliwanag ni uncle.

What? Seriously?! Mas matalino pa si mommy sa akin, aminado ako na may mga grades ako na 88 pababa pero hindi naman bumababa sa 82 ganun.

"'yan ding mommy ay politician sa school, akala nga namin na sa government siya papasok at hindi nursing eh. Paano ba naman ay suki siya ng mga campaigns at lahat ng iyon ay nananalo siya sa posisyon na tinatakbuhan niya"

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now