Chapter 30

52 13 5
                                    

Renrem's POV

I'm in rush now, may hinahabol akong importanteng kliyente and I don't want to lose this one. Nagmamadali na ako sa pagmamaneho ng sasakyan ko dahil maluwag din naman ang kalsada at kakaunti ang mga sasakyan na kasabayan ko. Ilang over takes na din ang nagawa ko dahil ayoko ma- late sa meeting ko.

Kailangan kong makuha ito, malaki ang magiging papel nito sa paglago ng business ko...

Makalipas ang ilang minuto ay narating ko na din ang pagkikitaan namin ng kliyente ko. Maayos kong pinarada ang sasakyan ko sa parking lot ng resto. Pagkalabas ko ay sandali kong tinanaw ang kabuuan ng resto. Mukha itong simpleng resto kung tutuusin dahil gawa sa varnish na mga kahoy ang kabuuan nito sa labas na pinaganda. Inayos ko muna ang sarili ko, ang kasuotan ko at ang lahat sa akin. Kilalang konserbatibo ang taong ka- meeting ko ngayon, he wants everything to be perfect and to be on time as much as possible.

"Kaya mo yan Renrem", ani ko sabay buga ng hangin at tinuwid ang suot ko tyaka naglakad papasok.

Pagbukas ko ng entrance ay biglang may dumampi sa katawan ko na malamig at malagkit. Agad akong napa- atras kasabay ng pagtingin ko sa suot kong polo.

"Sir sorry po hindi sinasadya", saad ng kung sino at akmang hahawakan ako.

Tinignan ko siya matalim tyaka hinampas ang kamay nito.

"Look what you did!? Napaka tanga mo naman para hindi makita ang pagdating ko", bulahaw ko sa lalaking estudyanteng nasa harapan ko.

Natapunan niya ng inumin ang suot kong damit kaya nagmantsa iyon sa suot ko. Hindi na akong presintable sa kliyente ko.

"Sir pasensya na po talaga, hindi po sinasadya ng kasama namin", paumanhin naman nung isa pang lalaki na kaklase nung bumunggo sa akin.

"I don't care, napaka tanga niya. Hindi niyo ba alam na may importante akong ka- meeting ngayon. How I can face him with a look like this!", sabay pakita ko ng mantsa na nasa damit.

"Nag aaral pa man din kayo pero hindi kayo marunong tumingin sa dinadaan niyo. Sayang ang pera ng mga magulang niyo sa inyo", inis kong tugon.

"Mister, alam namin na may mali yung kaibigan namin pero sobra naman yata tama na pagsalitaan niyo kami ng ganyan", angil nung isang lalaki na may panali ng buhok na kulay dilaw sa braso nito.

"Ang edukadong tao hindi ganiyan magsalita at hindi nanghihila ng kapwa pababa", dagdag pa nito na lalong kina init ng ulo ko.

"Kapag hindi ko nakuha ang pakay ko sa meeting ko ngayon mananagot ka sa'kin", panlalaki ko ng mata sa kanilang lahat sabay binunggo sila at naglakad papasok habang pinapagpag ang suot ko.

Agad akong nagtungo sa restroom ng resto para linisin ang suot ko. Binuksan ko ang gripo at kumuha ng tissue para punasan ang mantsa. Nang matapos ako ay napatitig ako sa nabasang kasuotan ko, tinignan ko ang oras sa relo ko.

"Shit! I'm 10 minutes late", bulalas ko tyaka lumabas ng restroom habang tinutuyo ang damit ko.

Bahala na!

Tinungo ko ang area na sinabi sakin ng kliyente ko at nakita ko siya na patayo na.

"Mr. Roque", tawag ko dito.

"I-I'm sorry I'm late, nagkaron lang konting problema", paliwanag ko dito.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at napa iling- iling.

"You are 10 minutes late and your shirt are wet. Saang lupalop kaba nagpunta bago ka magtungo dito". Bakas ang pagka- irita sa boses nito.

"May minor accident lang na nangyari, may mga bata kasing bumunggo sa akin at natapunan ako ng iniinom nila", paliwanag ko.

"Tsk! Lame excuses, I heard that before, Mr. Reyes", sarkastiko nitong tawa.

"Hindi ako mag aaksaya ng oras at panahon sa taong unang meeting palang ay late na at hindi kaaya aya ang itsura", sabay tingin nito sa basa kong suot.

The hell!

"Its a minor accident, it won't happen again", pakiusap ko.

I badly need the contract.

"Sorry Mr. Reyes but I don't give you the contract", saad nito sabay lakad paalis.

Naiwan akong nakabagsak ang balikat dahil sa narinig ko. Dahil lang sa minor accident hindi na niya ibibigay sa akin ang kontrata, ang babaw masyado ng dahilan niya. Kasalanan ito nung mga batang iyon, sinayang nila ang oras at dinumihan pa ang suot ko.

Fvck it! T*ngina.

Naglakad ako palabas ng resto na nagdidilim ang paningin sa inis at galit dahil sa mga nangyari.

"G*gu pre kung hindi mo ko pinigilan nako baka napilayan na yun"

"Tigilan mo nga ya pre, mukhang may importanteng meeting talaga yung tao tapos ginanun mo pa"

"Bro hindi naman yun sadya eh". Rinig kong usapan nila sa gilid ng kotse nila.

"Eto sinasadya ko", saad ko sabay suntok sa mukha nung lalaking nakabunggo sa' kin kanina.

Bumalagta iyon sa sahig ng parking lot.

"Aba, p*tangina pala nito!" Sabay sugod sa akin at sinuntok ako sa panga.

Inawat siya ng mga kasamahan niya habang napahawak naman ako sa panga ko. Umayos ako ng tayo tyaka muling sumugod ng suntok sa kanila pero biglang humarang yung may panali ng buhok sa braso at pinigilan ako.

"Sir hindi kami naghahanap ng gulo dito", awat nito sa akin.

Imbes na sumagot ay nasuntok ko ito sa sikmura ngunit nakaiwas ito ng mabilis tyaka ako sinapak sa mukha kaya natumba ako sa sahig ng park. Tumayo ako sabay punas sa dugo sa labi ko at akmang gaganti ng suntok nang biglang may marinig kaming pito mula sa guard ng parking lot.

Kinumpronta nila kami at tinanong kung anong nangyari, sinabi nila ang totoo kaya dinala ako sa guard office para pagsabihan at balaan na din. Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos kami sa pag uusap at nagpasundo na ako kay Paolo dahil diko na kaya magmaneho sa sakit ng katawan ko.

"Ano ba 'yan Ren pati mga bata pinapatulan mo pa, ayan tuloy napala mo", sermon ni Paolo habang nagmamaneho.

"Hindi ko nakuha ang kontrata", nanlulumo kong tugon sabay yukom ng kamao ko.

"Marami pang pwedeng kontrata Renrem hindi ka mauubusan ng opportunity, hintay lang", ani nito.

Kailan pa yun? Pag puti ng uwak?!

Hindi na ako nagsalita pa dahil galit pa rin ako at sobrang naiinis kapag naiisip ko ang mga nangyari kanina. Oras na magkita ulit kami, hindi ko na alam, baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya.

That guy with the familiar sunflower hair tie. Tsk! May araw ka rin sa'kin.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now