Chapter 23

74 12 0
                                    

Heaven's POV

Kanina pa kami naglalakad ni Dwight sa buong school, medyo masakit na din yung paa ko at nagpapaltos na yata.

"Are you okay?", takang tanong nito sa akin kasabay ng paghawak sa kamay ko para mapahinto ako.

"Can we sit for a while?", alinlangan kong tanong.

Tumingin ito sa kabuuan ko pati sa paa ko, mukhang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin.

"May bench dun sa kabila, can you walk pa?", sambit nito.

Lalakad na naman aghhhh!

"Y-yeah I can pa naman", palusot ko kahit na masakit na talaga ang paa ko.

Nabigla ako ng lumuhod ito sa harapan ko, bigla akong napatingin sa paligid at saktong may mga taong dumadaan roon na tika nakiki usyuso sa nangyayari sa amin.

"Si Mr. President yun di'ba?"

"Anong ginagawa niya dun sa babae?"

"Girlfriend ba niya yun?"

Wtf! Girlfriend agad eh kakakilala palang namin. Ang o-oa naman ng mga ito...

"Don't mind them, if hindi mo na kaya maglakad I can carry you to the bench", ani nito.

Bipolar nga talaga! Kanina ang sunget- sunget tapos ngayon nagiging gentleman..

"H-hindi na salamat kaya ko pa maglakad promise", ngiti ko dito.

Tumango ito at nagpagpag ng suot niya. Napatitig ako sa ginagawa niya.

Dark black straight hair, dark eyes, malalim na dimple na kahit konting ngiti lang niya ay lumalabas, tama at pinkish na lips, makapal na kilay... Mukha siyang bata para sa edad niya pero so-sobrang gwa--

"Day dreaming huh!?", sambit nito.

Shockss bakit nagiging lutang ako..

Inirapan ko ito tyaka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa bench na sinasabi ni Dwight. Tahimik lang siyang nakasunod sa akin habang nakakarinig ako ng mga bulungan sa paligid.

May chismis na agad sa akin kahit hindi pa ako pumapasok dito haist!

Nang makarating sa kinaroon ng bench ay agad akong naupo dahil masakit na talaga ako ang paa ko. Tinanggal ko ng bahagya ang sapatos ko tyaka tinignan ang sakong ko na namumula na.

"Ouch!", mahina kong daing ng mahawakan ko ito.

"Wait me here, kukuha lang kita ng band aid at treatment for that", paalam ni Dwight tyaka naglakad paalis.

Aangal pa sana ako kaso di bale nalang pala..



***

Ryo's POV

"Okay, class dismissed", ani ng aming prof.

Nag ayos kaming lahat ng gamit tyaka isa- isang nagsi alisan sa klase.

"Yo! Ano tara arcade?", aya ni Ethan.

"Sure, Friday naman ngayon at pwede malate ng uwi", natatawa kong saad.

"Nice, sasama ko na sina Aliah para mas madami tayo", singit ni Joseph.

"Good idea may mga chixx tayong kasama", halakhak ni Ethan.

Not that Aliah, patay na patay sa akin yun..

"What's wrong Ryo? Kasama natin si Aliah at alam naman natin kung gaano kapatay na patay sa'yo yun", tawang tugon ni Ethan.

"Hi boys!", saad ng kung sino na papalapit sa amin.

Speaking of patay na patay, nandito na sila.

"Hello my baby Ryo", sambit ni Aliah sabay yakap sa braso ko.

Gusto ko mag enjoy kaso paano?!

"Okay nandito na pala lahat, so tara na", ani ni Joseph.

Sumang ayon ang lahat kaya umalis na kami ng classroom habang itong si Aliah ay nakayapos pa rin sa braso ko na animo'y anumang oras ay mawawala sa akin.

"Hey girls nabalitaan niyo yung magiging newbie sa school natin na babae?", tanong nung isang kaibigan ni Aliah.

"May newbie ulit?", takang tanong ni Joseph.

"Yeah, nakita ko siya kanina and I thought close sila ni Mr. President", sabat nung isang babae.

"For real? Di'ba mailap si Mr. President sa mga estudyante dito sa school tyaka isa pa sobrang cold nun at masungit", ani Aliah.

"Well mukhang may nagpapa- amo na sa ating Presidente", saad ni Ethan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa bench malapit sa cafeteria.

"Si President...", mahinang sabi nung kaibigan ni Aliah.

Marahan kaming naglakad sa hindi malamang dahilan kaya't sinabayan ko sila. Naglakad sa gilid ko ang President, may dala itong first aid kit. Hindi ko alam pero may kung ano sa sarili ko at sinundan ng tingin ko ang pupuntahan niya. Pumunta siya sa isang babae na nakatalikod at nakayuko, mukhang abala sa paa niya.

"Lets go na nga, hindi naman kagandahan yung babae para tignan niyo pa", irita na tugon ni Aliah.

Ngunit wala ako sa sarili ko para sundin siya, mas tinignan ko pa lalo ang President na iyon pati na rin yung babae na kasama niya.

May kakaiba dun sa babae, sobra. Pero hindi ko alam kung bakit?!

"Hoy Ryo wag mo ng pagdiskitahan yung babae, mukhang taken na kay President eh", biro ni Ethan.

"Mga siraulo", peke kong tawa.

Umalis na kami roon at nagtungo sa dapat naming puntahan.





***

Heaven's POV

"Ayan okay na", saad ni Dwight pagkatapos gamutin ang paltos ng paa ko.

"S-salamat", nahihiya kong tugon.

Tumayo ito at wala pa ring expression ang mukha niya. Bigla akong napatingin sa gawing likuran ko sa hindi malamang dahilan. Nakakita ako ng mga estudyanteng sabay umuuwi, mga couples arghhh. Napadako ang tingin ko sa isang babae na nakayakap sa braso ng kasintahan niya. Yung lalaki, parang familiar siya sa akin.

Whaaaa Heaven tama na kakaimagine!

Ilang minuto pa ang lumipas ay tumawag sa akin si daddy at hinahanap ako. Napagdesisyunan kong umuwi dahil hapon na din. Sinamahan ako ni Dwight sa labas ng school at maghintay ng masasakyan.

"See you on monday", paalam nito.

"Oum, seeyah. Salamat ulit sa tour", nakangiti kong tugon sa kaniya.

"No worries. If kailangan mo ng makakasama sa monday nasa paligid lang ako", seryoso nitong saad.

"I will. Babyeee ingat ka", paalam ko.

"Paalam Shawnecca"

Ngumiti ako sabay tungo tyaka sinara ang pinto.

Kailangan ko na paghandaan ang first day of class ko sa monday...

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now