Chapter 36

47 9 0
                                    

Someone's POV

Weeks past simula nung mag umpisa ang pagpa- practice nina Heaven ng cheer dance. It was successful and everyone is very cooperative with her.

"Ryo, are you ready?", tanong ng mommy ni Ryo sa kaniya.

He was still in silent habang iritadong inaayos ang suit niya. Yes, his mom and dad are with him right now together with the bad news. Sinabi ng dad niya na kailangan niyang ipa- arrange married para lang maging isa ang kompanya nila sa business partner nito. He was mad at his parents because after all, uuwi lang sila ng Pinas at pupuntahan siya para lang maitali siya sa taong hindi niya mahal.

"Anak, we know na sobrang tagal naming wala sa tabi mo. But we do it for your own sake", malambing na sambit ng kaniyang ina habang tinutulungan siya nito na ayusin ang suit niya.

"Do you think, ang magpakasal ako sa babaeng hindi ko naman mahal ay ikakasaya ko?", hindi maiwasan ni Ryo na magtaas ng boses.

"You will gonna like her, I swear. Mabait ang anak nina Shawn at maganda", singit ng daddy niya.

"Mas mabuti pang hindi nalang kayo nagpunta dito", pagdadabog ni Ryo.

"I'm loving someone else", mahina nitong sambit.

"What? Anong sabi mo?", tanong ng mommy niya.

"May mahal na ako", pasigaw nitong tugon.

"Then stop loving her, and love that daughter of Shawn", irita na sambit ng kaniyang daddy.

"Tsk! Sana madaling utusan ang puso", sarkastiko nitong sagot.

Samantala, sa bahay nina Heaven, ay tahimik na nag aayos ang pamilya nila.

"Sweetie if you don't want this set up, you can back out", malambing na sabi ni Mika sa anak niya kasabay ng paghaplos nito sa buhok ni Heaven.

"Its fine mommy", pilit na ngiti ni Heaven.

"Don't worry, kikilatisin namin ng daddy mo ang lalaking iyon at sisiguraduhin namin hindi ka mapapasama sa kaniya", nag aalalang tugon ni Mika.

"And if you feel that something is wrong with that guy, hindi ko na itutuloy ang arrangement na iyon", biglang singit ni Shawn dahilan para maagaw niya ang atensyon ng dalawa.

Hindi alam ni Heaven ang mararamdaman niya, may parte sa puso niya na natatakot, kinakabahan at gustong ituloy ang kasal. Pero hindi niya alam kung bakit, dapat ay nagwawala na siya o nakikiusap sa mommy at daddy niya na huwag ituloy ang kontrata, pero bakit tila sa loob niya ay gusto niya ito.

Tumunog ang cellphone ni Shawn at agad niya itong chineck tyaka binasa.

"On the way na sila sa restaurant", kalmadong sabi ni Shawn.

"Sweetie, what do you want to do?", nag aalalang tanong ni Mika.

"Nothing mommy, lets go na po at baka mahuli tayo", ngiti ni Heaven at inaya sila.

Kahit medyo alinlangan ay sumang ayon nalang din si Mika sa anak. Habang papunta sa restaurant ay halo- halong emosyon ang nararamdaman nila.

"Should I force Heaven to do this?", tanong ni Shawn sa sarili niya.

"I didn't force her, malaya siyang piliin ang gusto niya at hindi sumang- ayon dito."

Tahimik ang naging byahe nila hanggang sa makarating sa restaurant. Unang bumaba si Shawn tyaka pumunta sa kabilang side ng kotse para pagbuksan ng pinto sina Mika at Heaven.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now