Chapter 46

26 4 2
                                    

Mika's POV

"Bes okay ka lang ba?", takang tanong ni Levi pagkalabas ko ng banyo.

"Oo nga bes napapansin ko na ilang araw kana din na nagsusuka at madalas na maputla. Ayos kalang ba?", sambit naman ni Chy.

Ilang linggo na din ako na nagdudu- duwal at feeling na pagod. Waka naman akong oras para magpacheck up dahil busy ako sa pag aayos para sa kasal nina Heaven.

"Baka pagod lang ito, pahinga lang katapat nito", sagot ko habang nanlalatang umupo sa sofa.

"Huwag paka- stress Mika at malayo- layo pa naman ang kasal ng inyong unica ija", pag- comfort ni Chy.

Ngumiti nalang ako bilang sagot dahil sobrang nanlalata talaga ako.

"Baka naman buntis ka, hindi kaya?", nakakabiglang sabi ni Levi.

Nagkatinginan silang dalawa dahil sa biglang naisip. Tyaka tumingin din sa akin na puno nang pagtatanong. Hindi pa rin ako nagkakaroon ngayong buwan, pero baka delayed lang ako. Irregular kasi ang means ko so baka delayed nga.

"Irregular ako", saad ko sa kanila.

"Nag-take kana ba ng Pregnancy Test?", makahulugang suhestyon ni Chy.

"Kailan ba kayo huling beses na gumawa ng milagro ni Shawn ha?", sambit ni Levi na natatawa pa.

Kakatapos lang namin kaninang madaling araw ni Shawn bago siya umalis.

"Nagko- control kaba o si Shawn?", tanong ni Levi.

"Wala kahit ano, simula nung mag-10 years old si Heaven", sambit ko.

"Sa loob o sa labas?", nakangising tanong ni Chy.

"Anong posisyon?", sunod na tanong ni Levi.

"Mga sira!", sita ko sa kanila dahil iba na ang nasa isip ko.

Dumudumi utak ko sa mga kaibigan ko ito!

Biglang kinuha ni Chy ang cellphone niya at mukhang may tinatawagan.

"Hello Aira! Papunta kana dito?", sambit niya sa kausap niya sa cellphone.

"Pwede kabang dumaan sa convenient store?", dagdag pa nito.

"Hoy! Gaga ang bata pa niyan para utusan mo sa ganyan", suway ni Levi.

Hindi ko naiintindihan ang pinag uusapan nilang dalawa. Minsan talaga ang weird ng dalawang ito.

"Pabili namang PT, salamat!", saad nito na kinagulat ko.

"Chy!", suway ko dito.

"Oo Aira, thank you talaga. Ingat sa byahe, love you!", aniya sabay call ended sa tawag.

"Sira ka Chy!", muli kong saway.

"Sus! Natuturo naman ang sex education sa school kahit papaano tyaka isa pa common na ang pregnancy test ano!?", palusot nito.

"Bruha ka talaga!", sambit ni Levi kasabay nang paghampas sa sarili niyang noo.

"Malay mo naman kasi masundan si Heaven hindi ba? Tyaka duhh mag- lelegal age na si Heaven tama na ang masundan ng little Heaven o little Shawn, malay mo maka- lalaki na this time hindi ba", nakangising tugon ni Chy.

Sign kaya ito na buntis nga ako? Kinakabahan ako na excited. Pero what if mag- fail na naman katulad dati.



Flashback:

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now