Chapter 58

56 2 0
                                    

Heaven's POV

"Ryo saan ba mo ba ako dadalhin?", curious kong tanong habang dinadama ang aking mga tatapakan.

"Basta, trust me Heaven. Walk slowly okay? Walang humahabol sa atin", biro pa nito.

Ngayong araw kasi nakaplano ang pagbawi daw sa akin ni Ryo kaya pagkatapos na pagkatapos naming magklase at umuwi ay agad akong hinatid ni Ryo sa bahay kasabay rin noon ay pagpapaalam niya kina mommy. Tinawagan naman ni mommy si pap to let him know kung ano ang plano ni Ryo at luckily ay pumayag naman si papa. Matapos akong ipagpaalam ni Ryo ay wala itong oras na inaksaya, umalis agad kami at tinungo ang aing distinasyon. Tinanong ko siya kung saan kami pupunta dahil buong byahe ay nakapiring ng mga mata ko kaya halos hindi ko makitao matanaw ang lugar kung saan niya ako dadalhin. Biniro ko pa nga siya na baka kikidnapin niya ako at natawa naman ito. Naramdaman ko pa noon na huminto ang sasakyan namin at ang pagbaba ni Ryo, bumukas ang pintuan sa tabi ko at inalalayan ako ni Ryo palabas at sa paglalakad.

"Bakit tayo huminto?", taka kong tanong

"Nandito na tayo". Ramdam ko ang kagalakan sa tono ng boses nito.

Naglakad ito palayo sa akin na agad ko namang naramdaman kaya bahagya akong nakaramdam ng kaba at excitement at the same time.

"Maaari mo nang tanggalin ang iyong piring aking mahal na prinsesa", may kalakasan ang boses nitong utos dahil nga may kalayuan ito sa akin.

Agad ko namang sinunod ang utos nito at unti- unting tinatanggal ang panyo na nakatali sa ulo na siyang nakatakip sa mga mata ko. Matagumpay ko iyong nagawa, malabo pa ang aking nakikita pero nasisilayan ko na ang mga mumunting ilaw sa lugar na iyon. Kinusot ko ang mga mata ko para luminaw ang aking paningin kasabay noon ay may naramdaman akong lumapit sa akin at humawak sa kamay ko. Ilang saglit pa ay palinaw na nang palinaw ang aking nakikita.

"Para sa iyo ang lahat na ito, mahal kong prinsesa", tila nag iba ang boses ni Ryo at naging matigas na may kalaliman.

Natanaw ko ang maliwanag na imahe ni Ryo sa harapan ko at ang paglahad nito sa akin ng isang maliit na korona

"Ha? Para saan ito?", taka kong tanong.

Pinatong niya sa ulo ko ang korona habang nakangiting pinagmamasdan ako. Hinalikan niya ako sa noo kasabay ng paghawak nito sa kamay ko.

"Sa gabing ito at sa mga susunod pang mga araw ay mananatiling ikaw lamang ang aking pinakamamahal na prinsesa at ako naman iyong prinsipe", sambit nito sabay halik sa ibabaw ng isa kong kamay.

Cringe kung iisipin pero hindi ko alam kung bakit tila nag aapoy sa init ang pisngi ko at buong mukha, daig ko pa ang nilalagnat.

"I like it, kapag nakikita kong namumula ka dahil sa mga korny kong banat. I am not good at that banat things, but for you I will do it", saad nito gamit ang natural niyang boses.

"Korny mo", natatawa kong tugon sa kaniya.

"I know", sabay tawa din niya.

"So?! Do you like it?", dagdag na tanong nito.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, may tent sa gitna kung saan napapaligiran iyon ng mga maliliit na ilaw, halaman na gumagapang at ilang mga bulaklak na gawa sa mga plastic. May malaking picnic blanket sa gitna kung saan nakalapag ang mga pagkain, may tatlong mini candle na nakasindi, may mga petals rin ng roses na naka- kalat sa sahig kung saan nababalutan ng magandang klaseng damo. Napansin ko rin na tanaw mula roon ang ilaw mula sa mga buildings at doon ko lang narealize na nasa rooftop pala.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now