Chapter 14

83 23 4
                                    

Mika's POV

"So whats the tea, Mika?", tanong sa akin ni Chy habang naka- kalumbaba sa lamesa.

"Nagpunta dito si Renrem kahapon", buntong hininga ko.

"And then? For sure naman that he came just for Heaven, as if na gusto mong ikaw ang dalawin", pang- aasar nito.

"I know. Hindi ko naman sinabing about sa akin", sabay irap ko at lapag ng isang pitchel ng juice sa harap niya.

"So what happened?", pang- chichismis nito.

"He rejected our daughter last time, what should you expect me to do? Maging masaya na makita siya?", sarkastiko kong tono.

"He did it again?", gulat na tanong ni Chy and I just nod at her.

"Ang kapal din talaga nang mukha niyang ex mo noh! Pagkatapos kayong papuntahin dito at yung anak niya, siya pa itong mangrereject. Baka naman may iba na naman o kaya may nilalandi", gigil na sambit ni Chy tyaka nagsalin ng juice sa baso sabay lagok agad dito.

"Dahan- dahan naman baka malunod ka niyan eh", pigil ko sa kaniya dahil dire- diretso ang naging pag inom niya.

"Buti nalang talaga may isa pa siyang daddy na handang damayan si Heaven, nako! Kamusta naman ang inaanak ko?", aniya.

"Well, Heaven can adjust a lot", maikli kong sagot.

"Malamang mana sayo eh", tugon nito.

"Luckily nagmana sayo si Heaven at hindi sa Renrem na iyon, kundi haist!", dagdag pa nito.

"Tama na ang samin, ikaw kamusta ka? Kayo ni Renz?", pagpapalit ko ng topic.

Kanina ko pa napapansin na medyo mugto ang mga mata niya. Chy was a very strong women, hindi yan mag oopen up ng problema hanggat kaya niya. Pero once na nagsabi na siya, it means she can't handle it anymore.

"Don't worry I'm fine", pilit nitong ngiti.

Hinawakan ko ang kamay niya just to comfort her.

"I'm here and I'm willing to listen, okay?", pamimilit ko.

"Nahh ayos lang talaga ako gaga", pilit na tawa niya.

"Chyiara Aislinn Sanchez", pagbubuo ko sa pangalan niya kaya napatitig siya sa akin.

Pronunciation: Shey- ara Ays-lin San-ches

Ayaw niya kasi na binubuo ko ang pangalan niya, eh ang ganda- ganda nga eh.

"Ano?", pagmamaktol niya sabay pout.

Ang matured na pero isip bata pa din HAHAHA!

"May problema ba kayo ni Kaiser Renz Anwyll Garcia?", pagbubuo ko din sa pangalan ng boyfriend niya.

Pronunciation: Kay-zer Renz An-wel Gar-ci-ya

Bakit ba ang hahaba at komplikado ng mga pangalan nila jusmee...

"Mika tigilan mo ako sa pagbuo ng pangalan namin", saad nito sabay bato sa akin ng tuyong dahon na napitas niya mula sa vase.

"Eh ano nga kasi?", pangungulit ko.

"Makikipag hiwalay na ako kay Renz", diretso nitong tanong sabay yumuko at pinaglalaruan ang juice gamit ang kutsara.

"What?!", gulantang kong tanong.

"Gaga kaba?! Mag isip isip ka nga Chyiara", sigaw ko sa kaniya pero hindi ito umiimik.

"Ang tagal niyo na ni Renz tapos tatapusin mo lang! Sa anong dahilan?", irita kong tanong.

"He had no plan for the both us, he haven't see me as his wife and the mother of his future child...", naiiyak na niyang saad.

"Ikaw lang nag iisip niyan Chy, alam kong may plano si Renz para sa inyong dalawa", sambit ko sabay naupo sa harapan niya.

"Naalala mo noon, ikakasal na dapat siya, at nandun tayo sa mismong kasal niya", pagbabalik tanaw niya.

Nung kinasal si Renz ay magkakaibigan palang kami nun. College kami that time.

"Kita ko at alam ko kung gaano siya kasaya that time and ang naiisip ko nun, sana ako nalang yung babaeng iyon", tuluyan na nga siyang umiyak.

Gusto n ni Chy si Renz noong first year college palang kami, kaya isa siya sa pinaka naapektuhan nung nalaman niyang nagka- girlfriend ito lalo pa nung kinasal si Renz.

"Pero nung hindi dumating ang bride niya, dapat maging masaya ako pero hindi. Nasasaktan ako para kay Renz kasi yung taong pinakamamahal niya at taong nakikita niyang makakasama niya sa future ay hindi siya sinipot sa mismong araw ng kasal nila", basag na ang boses niya habang nagsasalita.

At nung mga panahong nauubusan na ng pag asa si Renz ay si Chy ang nasa tabi niya. Kaya siguro di nagtagal ay nahulog ang loob ni Renz sa kaniya at naging silan

"Pinapangarap mo si Renz diba?! Tapos ano toh? Bakit ka makikipaghiwalay sa kaniya?", naiiyak na din ako.

"Mahal na mahal ko si Renz, at kung pwede lang na habang buhay maging akin siya ay gagawin ko. Pero Mika, hindi ko kaya na magstay siya sa akin na alam kung hindi ako ang gusto niyang makasama. Papalayain ko siya kung kinakailan para mahanap niya ulit ang taong gugustuhin niyang iharap sa altar at makasama buong buhay niya", nakangiti niyang saad sabay punas ng mga luha niya.

Sana nagpalit tayo ng mindset noon, sana sa akin yan napunta para hindi ako nagpaka tanga nang mahabang panahon noon...

"Chy alam kong mahal na mahal ka din ni Renz at alam ko din na may plano siya dahil nararamdaman ko iyon. Ikaw ang nagsave sa kaniya from sadness and pain, ikaw ang kadamay niya noong lubog na lubog siya. Trust him", pagpapalakas ko sa loob niya.

"Kung nandito lang si Levi ay baka nabugbog na niya si Renz", pabiro kong saad na kina- ngiti pa niya.

"Ang lakas kaya sumuntok nung babaeng iyon", tawa nito.

"Buti pa yun walang pino- problema sa buhay. Kasal na sa taong una niyang minahal, may dalawang anak na, isa nang lawyer at ang asawa naman ay judge tapos sa London pa nakatira. Mapapa sana all talaga kay Levi eh", aniya.

"Well that's life, atleast hindi niya tayo nakakalimutan, diba?", tugon ko at nag- nod naman siya.

Sabi nga ng iba that Life is unfair, but for me lahat nang tao may problema kaniya- kaniya lang tayo ng way kung paano iyon iso- solve para mapunta tayo sa sitwasyon na kina- iinggitan ng iba...

"Punasan mo nga yang luha mo, ang panget mong umiyak yuck ka", sabay bato ko ng panyo sa kaniya at halaklak.

"Duhh kyut parin kaya ako kahit umiiyak", sabay kuha niya sa cellphone niya at binuksan ang camera para tignan ang itsura.

"Iww ang hangin naman HAHAHA", pang aasar ko.

"Sipain kita jan Mikaela Fuentes tamo", pang aasar niya sa akin.

"Ang ikli ng pangalan mo pahabain mo kaya like, Reine Mikaela Fuentes", sambit nito.

Pronunciation: Rain Mi-kay-la Fu-wen-tes

"Alam mo ng arte mo, ang ganda na nung name ko tyaka ang haba ah"

"Wow ha, nahiya naman ako sa pangalan ni Heaven na, Heavenly Shawnecca Fuentes", sarkastiko niyang tono.

Pronunciation: He-ben-ly Shu-ne-ka Fu-wen-tes

"Sina mama at papa nagpangalan sakin duhh kaya bawal palitan HAHAHHA", halakhak ko at natawa na din siya.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan na animoy walang mga pinoproblema sa mundo.

Sana ganito nalang palagi...

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now