Chapter 35

45 8 0
                                    

Heaven's POV

"Hey Heaven!", tawag ni Dwight na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Ha? Ae bakit?", naguguluhan kong tanong.

"Are you alright? Mukhang malalim ang iniisip mo eh", nag aalala nitong tugon.

"Ah, oum ayos lang ako. May iniisip lang", sagot ko.

"Sa sobrang pag iisip mo nga matutunaw na 'yang ice cream mo eh", natatawa nitong sambit tyaka kinuha ang panyo niya at pinunas sa kamay ko na natuluan ng ice cream.

Nabigla ako sa ginawa niya at tila may kung anong dumaloy sa kamay ko nang dumampi ang kamay niya sa doon.

"Mind to share your thoughts?", ani nito nang matapos punasan ang kamay ko at bahagyang lumapit sa akin.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, parang may nagkarera sa loob ng katawan ko. Muling dumampi ang kamay niya sa braso ko at ramdam ko ang init na nagmumula doon.

"Its okay if you're not sharing it with me, I respect your privacy", nakangiti nitong tugon.

Dapat ko bang sabihin sa kaniya na ikakasal na ako? Eh ano naman ang pakialam niya dun? As if he cares about it, we are just friends, nothing more and nothing less.

After naming kumain ay hinatid na ako ni Dwight sa classroom ko. Hindi ko alam, pero sa tuwing nakapaligid sa akin si Dwight para akong kinakapos ng hininga, nauutal bigla, kinakabahan. Hindi naman ganito dati, I mean, hindi ako nag assume or nagde- demand sa mga maliit na bagay na ginagawa niya sa akin katulad ngayon na pagkatapos niya akong ihatid ay hinalikan niya ako sa noo ko.

Para saan ang halik na iyon?

"Oyy mukhang may something sa inyo ng president ah", panunukso sa akin ni Yve.

"Are you guys dating?", mala- detective na tanong ni Rhyz.

"Kayo talaga ano! Magkaibigan lang kami", pamimilit ko sa kanila.

"Kaibigan lang ba talaga? Pero kung paano mag- care sa'yo si Dwight even si Ryo. Its looks like more than friends", kinikilig na sabi ni Yve.

"Friends with taguan feelings", biro ni Rhyz at sabay silang natawa ni Yve.

Dumating na ang teacher namin kaya umayos na kaming lahat. Biglang nagba- vibrate ang phone ko kaya palihim ko itong binuksan sa ilalim ng desk ko. It was a text message from Ryo.

"Can we have lunch together?"

Kabaliktaran naman ang nararamdaman ko kay Dwight ang sa kung ano ang nararamdaman ko kay Ryo. Sobrang komportable ako kay Ryo sa totoo lang, walang kaba, walang pag- uutal, at walang pagkakapos ng hininga.

Agad akong nag- type para sagutin ang reply niya.

"Sure, pero hindi ko alam ang oras ng tapos ng klase namin"

Ilang minuto pa ang lumipas ay agad itong nagreply.

"Don't worry, I'll wait for you". Napangiti naman ako bigla sa reply nito at agad na sumagot sa text niya.

"Okay, thank you. Seeyah later"

Mabilis naman itong naka- reply ng "As always. See you!". Binalik ko na ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko at nakinig sa sinasabi ng teacher.

"Kasama niyo ang dalawang section as a team", tuloy na sabi ng teacher namin.

"After lunch, magpupunta kayo sa gym kasama ang dalawang section para sa pagbubuo ng mga plano. Ang magsisilbi niyong coach ay si sir Albez. Siya rin ang magsasabi ng magiging posisyon niyo sa cheerdance", pagpapatuloy nito.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now