Chapter 70

20 1 0
                                    

Renrem's POV

"Ohh saan ka pupunta?", bungad sa akin ni papa nang makalabas ako ng kwarto habang inaayos ang damit ko.

"May lalakarin lang po ako papa", maikling sagot ko dito.

Hindi manlang ba nila ako babatiin gayong kaarawan ko ngayon? Baka naman nakalimutan nila, sabagay hindi naman ako ganoong kaimportante. Sadboy era na naman ako nito!

"Andyan nga pala ang anak", nasa sala siya hinihintay ka, muling sambit ni papa tyaka tuluyang umalis sa harapan ko.

Dali-dali kong inayos ang suot ko sa harapan ng salamin at agad na tinungo ang kinalalagyan ni Heaven.

"Woah! Sino ka po? Bakit kahawig mo ang papa ko pero gwapo kalang ng kaunti sa kaniya", mahinhing tawa ni Heaven ng makita ako kasabay ng pagtayo nito.

Agad naman akong lumapit sa kaniya para yakapin siya.

"Ang gwapo at bango mo po, pa. May date ka po ba?", natatawang tanong nito sa akin habang magkayakap kami.

"Hindi ka pa ba nasanay sa gwapong pagmumukha ng papa mo, anak?!", mayabang na tugon ko dito. Narinig ko naman ang pag ubo at kunwaring nasusukang reaksyon ng kapatid at mga pinsan ko.

Nagtawanan naman silang lahat matapos ko silang tignan ng masama.

"Bakit ka nga pala nandito anak? May kailangan kaba?", tanong ko kay Heaven.

"Wala naman, pa. Gusto lang po kitang bisitahin at kamustahin, pati na rin ang makabonding ka sana", malambing na tugon nito.

Manang-mana siya sa mommy niya pagdating sa pagiging malambing. Nakalimutan rin niya na ngayon ang kaarawan ko, haist!

"Mukhang may lakad ka papa", aniya.

"Gusto mo ba sumama? May bibilhin lang akong ibang materyales na kailangan sa shop tapos after nun pwede nating puntahan ang gusto mo", nakangiti kong sagot ditp.

"Sige po papa", masayang sabi naman nito.

Nagpaalam na kami sa kanila at kaagad na sumakay sa sasakyan, habang nagdadrive ay nagkukwentuhan kami ng aking anak.

"Alam ba ng mommy mo na pupuntahan mo ako?", tanong ko.

"Yes papa, nagpaalam ako sa kanila ni daddy", masiglang sagot nito.

Hindi ko alam kung bakit may kaunting selos pa rin akong nararamdaman kahit sobrang tagal na naming wala ni Mika. Miss ko na siya at alam kong hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kaniya.

"Buti naman. Eh kayo ni Ryo kamusta naman?", pagbabago ko sa topic namin.

Kita ko sa peripheral vision ko ang bahagyang pagyuko ni Heaven. Kinikilig ba siya?

"Ayos naman po kami, pa. May time na nagkakatampuhan pero naaayos din naman po namin agad", sagot nito.

Ganun kami ni Mika dati, matampuhan kasi si Mika at may pagka sensitive buti nalang talaga at hindi naman siya ganun kahirap suyuin.

"Mali ako ng akala sa batang iyan, mabait at maaasahan 'yang sj Ryo. ng tao ang napili ng mommy mo at ni Shawn na mapapangasawa mo", ngiti ko sa kaniya.

"Papa, tamang tao ka rin naman po", makahulugan nitong tugon.

"Kay mommy pero maling panahon. Nakita ko kung paano mo mahalin si mommy tyaka base rin sa mga kwento niya dati sa'kin. Sadyang hindj pa po talaga yun ang panahon para sa inyo, sana papa sa susunod na buhay kayo na ni mommy magkatuluyan...", bahagya itong napahinto sa pagsasalita kaya hinintay ko ito bago ako tuluyang sumagot.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora