Chapter 61

21 4 0
                                    

Heaven's POV

Pababa na ako ng sasakyan at natatanaw ko na mula roon ang gate kung na saan si Dwight at nakatayo. Binilisan ko ang aking paglalakad dahil sa nakakahiyang paghintayin siya roon.

"Aga yata natin Dwight ah?!", dinig kong sabi sa kaniya ni manong guard.

Hindi ko na hinintay na sumagot si Dwight at agad na akong nagpakita sa kaniya.

"Dwight", nakangiti kong pagtawag sa kaniya.

Agad naman itong lumingon sa gawi ko kasabay nang pagsilay ng mga ngiti sa labi niya. Ibang- ibang sa Dwight na una kong nakita noong unang pasok ko pa lamang dito.. Yung Dwight na unang kita mo palang sa kaniya ay parang gusto mo lamunin ng lupa dahil sa kakaibang mga mata nito at awra, pero ngayon ay isang nakangiti at maaliwalas na Dwight ang nasa harapan ko.

"Goodmorning Shawnecca! How's traveling?", malumanay ngunit nakaniti nitong sambit sa akin nang makalapit ako sa kaniya.

"Goodmorning din, ayos lang naman at hindi gaano ka- traffic sa dinaanan namin", ngiti ko pabalik sa kaniya.

"Nag- breakfast kana?", tanong pa nito.

"Yeah! Bago ako umalis ay pinilit pa ako ni dad na kumain kasi masyado pa raw maaga at baka magutom agad ako", paliwanag ko sa kaniya.

"Good to know!"

Ilang segundo rin kaming natahimik dalawa at doon ko lang din napansin na nasa kabilang side na pala ng gate si manong guard at kausap na ang isang estudyante kasama ang nanay yata nito na tila may tinatanong sa kaniya.

"Hm ikaw ba? Kumain kaba bago ka nagpunta rito?", basag na tanong ko sa katahimikan naming dalawa.

"Honestly, I forgot. Nagmamadali kasi akong nagpunta rito at tanging pagkakape lang ang nagawa ko, nakakahiya naman kung paghihintayin kita", bahagyang natatawa nitong sambit.

Napahampas nalang ako ng noo sa sinagot niya sa akin.

"Why?", pagtataka niyang tanong.

Walang sabi- sabi ay hinila ko ito sa kamay papasok sa loob ng campus dahil may cafeteria naman doon na pwedeng kainan.

"Shawnecca!", pagtawag sa akin ni Dwight pero hindi ko ito pinansin bagkus ay pinagpatuloy ko lang ang paghila sa kaniya.

"Saan mo ako dadalhin?", may tila pagmamaktol sa boses nito ngunit may pang aasar.

"Sa cafeteria, saan pa ba?! Kailangan mong kumain, pinaka sa lahat ang agahan kaya kakain ka muna", maotoridad kong sabi sa kaniya.

Wala naman akong narinig na pagtutol o pag angal sa kaniya habang hila- hila ko siya papuntang cafeteria. Ramdam ko ang ilang mga mata na nakatingin sa akin pati na rin ang ilang bulungan ng mga estudyante.

Mali ba itong ginawa ko na halos kaladkarin ko na si Dwight? Pero bakit hindi naman tumututol si Dwight sa ginagawa ko sa kaniya?

Sa paglalakad ay napadaan kami sa building na salamin ang bintan kung saan kita ang repleksyon. Tinignan ko ang reflection namin ni Dwight habang dumadaan roon, nakahawak ako sa pulsuhan niya habang nagpapatianod lamang siya sa paghila ko sa kaniya na tila nakangiti pa at gusto ang ginagawa ko.

"We are here na!", sambit ni Dwight na agd kong pinagtaka

Nilibot ko ang paningin ko at nandun na nga kami sa loob ng cafeteria nang hindi ko manlang namamalayan.. Nagtungo kami sa pilahan ng para umorder ng magiging pagkain ni Dwight, pambawj dahil nalipasan siya ng agahan. Umorder ako fried egg with bacon, fried rice and ano ba drinks nito.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now