Chapter 39

30 8 0
                                    

Ryo's POV

"Oh apo, anong nangyari sa meeting niyo kagabi kasama ang magiging future apo ko? Anong itsura niya? Mabait ba siya?", halos sunod- sunod na tanong ni lola habang nasa hapag kainan kami.

"Oo nga dre, maganda ba? Anong pangalan?", dagdag pa ni Luiz.

"She's Shawnecca Heaven Reyes. Yes, sobrang ganda niya at bait", pagmamalaki ko.

"Wait! Heaven? You mean yung bago din sa school na nali- link kay Dwight?", biglang tanong ni Lea.

"Yung nasa Class 102?", dagdag na tanong ni Luiz.

"Yeah, siya nga", tugon ko.

"Grabe pinsan, sobrang swerte mo!", ani Lea.

"Bakit? Sino ba ang Shawnecca Heaven na iyan?", pagtataray na tanong ni tita.

"Well mama, nagtatrabaho kalang naman sa papa niya", sarkastikong sambit ni Lea.

"Papa niya si sir Renrem?", gulat na tanong ni tita.

"Biological father, pero lumaki siya kasama ang step dad niya since baby palang ito. And ang kaniyang dad ang dahilan kung bakit kami ikakasal, business partners nina mom at dad ang daddy ni Heaven", paliwanag ko.

"Eh 'di pareho sila ng ugali ng papa niya?! Nako, Ryo mag iingat ka dyan. Sobrang daming naging babae ni sir Renrem at hindi makuntento, baka namana niya", sambit ni tita na kinataas ng kilay ko.

"Iba si Heaven sa papa niya, sobrang laki ng pinagka iba nila", pagtatanggol ko.

"Big time pala ang mapapangasawa mo, Ryo", proud na banggit ni tito.

"Owner na ng isang car company ang tatay tapos owner pa ng malaki at sikat na business brand slash doctor pa ang step dad", natatawang saad ni Lea sabay nag apir sila ni Luiz.

"Balita ko din ay, nurse dati ang mommy niya pero ngayon ay doctor na which is nangangasiwa ng ospital ng step dad niya", dagdag na impormasyon ni Luiz.

"Pero maiba ako apo, gusto mo ba talagang magpakasal sa kaniya?", tanong ni lola.

Kinuwento ko sa kanila kung paano kami unang nagtagpo ni Heaven sa Montreal at kung paano ulit kami pinagtagpo dito sa Pinas. Kinikilig naman sina Lea at Tita habang napapangisi naman si Tito at Luiz sa kwento ko.

"Honestly po, eversince na magtama yung mga mata namin that time sobrang bilis ng takbo ng puso ko sa kaniya. I mean maybe love at first sight, then until now I'm loving her secretly", paliwanag ko.

"Ang sa akin lang apo ay maganda pa rin ang paraan na yung natural na pagliligawan, pagpapakilala yung ganun ba!?", suhestyon ni lola.

"Oo naman po lola, magsasabi ako sa kaniya nang nararandaman ko", masaya kong tugon.

Habang nagkukwentuhan kami ay biglang tumunog ang cellphone ko.

"Sagutin ko lang po", paalam ko sabay tumayo at dumiretso sa labas para sagutin ang tawag.

"Hello, Joy--"

"Ryo! Totoo ba na ikakasal kana?", umiiyak at malakas nitong saad kaya nailayo ko ng bahagya ang cellphone sa tenga ko.

"Teka, Joyce pakinggan mo ako", awat ko dito.

"Sagutin mo ako, Ryo! Ikakasal ka na ba?", hagulgol nito.

"Pina- arrange marriage ako nina mom at dad. Wala akong magagawa", sambit ko.

"Uuwi ako ngayon dyan para kausapin sina tita at tito na huwag ituloy ang kasal. Please, Ryo huwag kang pumayag", patuloy pa rin siya sa pag iyak.

"Joyce, kailangan mong unahin ang pag aaral mo dyan", suway ko sa kaniya.

"Na-transfer na ako ni dad sa school mo", biglang sambit nito na kinagulat ko.

"Kailan pa?", agad kong tanong.

"Ryo 'di ba dapat maging masaya ka kasi magkakasama na tayo pero bakit parang ayaw mo pa yata", sigaw nito.

"Tumahan kana, sabihin mo sa akin kung kailan ang flight mo para masundo kita sa airport", saad ko para kumalma siya kahit papaano.

"M-mahal kita, Ryo. Alam mong mahal na mahal kita", sambit niya kasabay ng paghikbi.

"Mahal din kita Joyce". Pero bilang pinsan lang talaga.

"Magpahinga kana!", utos ko sa kaniya.

Nag usap pa kami ng tungkol sa kahit saan bago niya tuluyang patayin ang tawag.

Anong gagawin ko? Alam ko ang ugali niya kapag may mga babaeng umaaligid sa akin. At hindi maganda ang nagiging ugali niya, mabait si Joyce pero sadyang may ugali lang siya na sobra. Pero sana hindi iyon katulad ng iniisip lalo pa at papasok kami sa iisang eskwelahan.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now