Chapter 1

177 43 0
                                    

Mika's POV

Its been 12 years past, simula ng mangyari ang lahat. From that accident na muntik na naming ikamatay ni Shawn, but luckily hindi kami pinabayaan ni God. Ella was in jail now at yung anak niya ay nasa pangangalaga ng tunay nitong ama, pero ang alam ko ay nagbibigay parin si Renrem sa kaniya dahil kahit papaano ay napamahal ito sa bata. And speaking of Renrem, isa na siyang successful business man but still single parin. Mas gusto raw niyang magfocus sa trabaho niya and ofcourse ay kay Heaven. Habang ako naman ay isa ng doctor dito sa America together with Shawn at si Heaven naman ay lumaking maganda, mabait at masunuring bata.

May communication parin sila ng papa niya through social media at walang palya si Renrem sa pagtawag sa kaniyang anak. Naging mabuti at mapagmahal naman siyang ama kay Heaven.

"Mika are you okay? Kanina pa mukhang may malalim na iniisip", sita sa akin ni Shawn.

"Kaya nga mommy, are you sick?", tanong naman ni Heaven.

"May naalala lang ako bigla", tugon ko.

"Mommy when daw po tatawag si papa?", ani Heaven.

"Baka later anak, busy pa siguro ang papa mo sa shop", sagot ko.

"Or he forgot that today is Heaven's graduation", sarcasm na sambit ni Shawn.

Hindi naman sana maulit yung nangyari noon, nahuli lang si Renrem sa araw ng graduation ko pero masakit parin yun.

Renrem humanda ka sakin kapag nakalimutan mo toh!

Biglang tumunog ang cellphone ni Heaven.

"Si papa!", masaya nitong sambit sabay sagot sa videocall.

"Congratulations Heaven!", bungad na sigawan ng mga kamag anak ni Renrem at may tunog pa ng confetti.

"Thank you po", masaya na saad ni Heaven.

Masaya ako na nakikitang nakangiti si Heaven ng sobra. Ang sarap sa pakiramdam sa totoo lang.

"I thought papa you forgot about my graduation", nagtatampong sabi ni Heaven.

"Sus, ikaw pa ba anak. Kailan ba nakalimutan ni papa ang mga bagay tungkol sayo", saad ni Renrem.

Habang nag uusap silang mag ama ay kinausap ko naman si Shawn.

"Sina mom at dad ba sasama sa atin mamaya?", tanong ko rito habang nagdadrive.

"Yeah! susunod daw sila kapag nandoon na tayo", saad nito.

Huminto ang sasakyan namin dahil sa pagpula ng ilaw sa traffic lights. Nagulat ako ng hawakan ni Shawn ang kamay ko tyaka ito hinalikan. Ngumiti naman ako bilang tugon sa kaniya.

"I love you, Mika", sincere nitong sabi.

Ganito siya everytime na nagseselos siya kay Renrem.

Bakit naman siya magseselos? Hindi ko naman kausap si Renrem...

Lumapit ako sa kaniya tyaka siya hinalikan sa labi tyaka niyakap.

"I love you too, Shawn", ani ko.

Ramdam ko ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit.

"Mommy, daddy green light", singit sa amin ni Heaven kaya naman napalayo kami sa isa't isa ni Shawn at pinaandar ang sasakyan.

"Anong nangyayari dyan, Heaven?", rinig kong tanong ni mama.

"Kasi lola si mommy and daddy are too sweet with each other that's why they didn't notice the traffic light", natatawang sagot ni Heaven.

Nakita ko ang pag- ngiti ni Shawn dahil sa kalokohan ni Heaven.

"Nako ha, iharap mo nga kami sa mommy at daddy mo", natatawang wika ni mama.

Sinunod naman ni Heaven ang sinabi ni mama at hinarap sa amin ang cellphone, kinuha ko naman kay Heaven ang cellphone.

"Ano iyang sinasabi ng apo namin na sobrang sweet niyo at hindi na napansin ang traffic lights", bungad ni papa.

Natawa naman kami.

"Pa, ito kasing si Mika nagpapalambing ho", tumatawang saad ni Shawn.

Aba't ako pa ang dinahilan ng mga ito...

Nagtawanan kami habang nag uusap sa call at naging masaya naman kami hanggang sa makauwi kami ng bahay.

"Anak, kailan niyo ba balak umuwi dito miss na miss na namin kayo", tanong ni mama.

"Bakit hindi nalang muna dito mag aral si Heaven next school year", suhestyon ni Renrem.

"Oo nga", tugon nila.

"Mama kas--", hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumingit si Renrem.

"Heaven, pwede ka naman dito nalang mag aral. May mga universities naman dito na mga magaganda at maayos ang pagtuturo. Para naman makasama ka din namin, anak", muling saad ni Renrem.

"I like it, pa", pag- sang ayon ni Heaven.

Shems! Si Shawn kaya sang ayon...

"Mommy, daddy can we go to the Philippines? Dun nalang ako magstudy", pagmamaka awa nito.

Tumingin ako kay Shawn na seryoso sa pag aayos at tila walang naririnig.

"Baby, we think about it okay?!", tanging nasabi ko nalang.

"Yeheyyy thank you mommy", masayang saad ni Heaven.

"Baby you need to rest may lakad pa tayo mamaya together with your lola and lolo too", sambit ko.

"Oh sige na anak, magpahinga kana muna ah. Proud na proud si papa sayo, sobrang galing ng anak ko", nakangiting tugon ni Renrem.

"Kami din, Heaven", saad nila.

"Thank you so much po, I love you po. See you soon, papa, lola, lolo, tito, tita and mga pinsan", nakangiting saad ni Heaven with flying kiss sabay patay nung tawag.

Nagpaalam na sa amin si Heaven tyaka dumiretso sa kwarto nito upang makapag- pahinga na. Naiwan kaming dalawa ni Shawn sa kwarto at abala ito sa pagbibihis.

"Shawn..", tawag ko dito dahilan para mapatingin siya sa akin.

Alam kong alam niya ang sasabihin ko.

"You are the mother and Renrem is her fvcking father", saad niya ngunit mababang tono ang pagkakasabi ng fvcking.

Alam kong hindi niya gusto...

"I can't do anything about that especially when it comes to the decisions of Heaven", saad nito tyaka ngumiti sa akin.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

Ayoko na maramdaman niyang maiiwan siya kapag umalis kami dito sa America...

"Shawn I don't leave you alone, okay? Kasama mo ako at hindi kita iiwan", pagpapaliwanag ko sa kaniya.

Niyakap naman niya ako mahigpit tyaka sumubsob sa leeg ko.

"Kung saan masaya si Heaven susuportahan ko siya, gustong ibigay sa kaniya lahat kahit na hindi ako ang totoo niyang ama", saad nito.

Hinalikan ko ito sa ulo tyaka hinimas ang buhok niya.

"Totoong ama na ang turing sayo ni Heaven, ikaw ang namulatan niyang ama at ikaw ang kasama niya. Mahal ka ni Heaven", tugon ko.

Hindi na siya umimik pa at nanatiling naka subsob sa akin.

Alam kong hindi ko mapipigilan na mag isip ka ng ganyan but gagawin ko lahat just to lessen your over think..

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now