Chapter 12

84 24 1
                                    

Heaven's POV

"Yes daddy, dyan po ako magdi- dinner don't worry", saad ko kay daddy sa phone.

"Go home bago magdilim at delikado sa better. Call me or your mom kapag need mo ng sundo, okay?", paalala ni daddy.

"Noted dad", sagot.

"Okay take care, I love you sweetie"

"Bye dad, I love you too", tugon ko bago tuluyang pinatay ang tawag.

Saktong paghinto naman ng tricycle sa bahay nina papa. Inabot ko ang bayad kay manong driver tyaka bumaba at naglakad papasok sa bahay. Kumatok ako at pinagbuksan naman ako ni tito Jay.

"Oh Heaven pasok", aya nito sa akin papasok.

Bumati naman ako sa kaniya tyaka pumasok sa loob.

"Heaven..", bati nila sa akin.

"Magandang umaga po", bati ko sa kanila.

"Upo ka, asan ang mommy mo? Hindi mo ba kasama? Upo ka muna", tanong ni lola Tina sa akin.

"Hindi po eh, busy po sila ni daddy kaya ako nalang ang nagpunta dito", sagot ko tyaka naupo.

"Ay nagkasalungat kayo ng papa mo", sabat naman ni Tita Ice.

"Umalis po si papa?", tanong ko.

"Oo eh, may lalakarin daw. Gusto mo tawagan namin", ani tito Paolo.

"Nako wag na po baka makaabala pa ako kay papa", sagot ko kahit na sa totoo ay si papa talaga ang pinunta ko dito para sana kahit papano ay makabonding ko siya.

"Oh apo magmeryenda ka muna", bungad ni lolo na galing mula sa kusina at may dalang mga pagkain.

"Salamat po lo", nakangiti kong sambit.

Habang kumakain ay naka- kuwentuhan ko sila tungkol sa naging buhay namin sa America at kung paano sina mommy at daddy doon.

"Bakit hindi ka parin nagkakaron ng kapatid kina mommy at daddy mo?", pabirong tanong ni Tito Paolo.

"Busy sina mommy at daddy but still they have time for each other naman po. And I know na they want din po na magka- baby", alinlangan kong sagot.

"Gusto mo ba magka- baby sister o brother?", tanong ni Lola Tina.

"Syempre po, gusto ko na magkaroon ng kapatid", masaya kong tugon.

"Eto Heaven, what if magkabalikan sina mommy at papa mo? Papayag kaba?", biglang tanong ni tita Ice na kinatahimik namin.

Gusto ko nang buong pamilya and actually I have even na hindi ko totoong ama si daddy but still he treated me as his real daughter. And si papa naman, gusto ko siyang makasama palagi kasi gusto ko siyang maka- bonding at makasama pero hindi ko alam if magde- demand ba ako ng oras at panahon sa kaniya.

"Silent means yes?", takang saad ni ate Ice.

Ako nga ngayon nasasaktan kasi wala si papa ngayon kung kailan gusto ko siya makasama, what if pa kaya kapag nagkabalikan sila ni mommy baka maulit lang yung noon.

"Ayoko po", diretso kong saad na kinabigla nilang lahat.

"Ayaw mo na?", ulit ni lolo sa tanong sinabi ko.

"Sorry po.. Pero ayoko pong magkabalikan sina mommy at papa", lakas loob kong sambit.

Nakita ko ang pagbabago sa reaksyon nila dahil sa sinabi ko.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant