Chapter 21

57 15 5
                                    

Ryo's POV

"Apo hinay- hinay sa pagkain masyado pang maaga para malate ka", saway ni lola sa akin nang mapansin na nagmamadali ako sa pagkain.

Ewan ko ba masyado akong excited mag aral kahit na tamad naman ako

Napahampas ako sa noo ko dahil sa sinabi ng utak ko.

"Ryo, okay ka lang ba?", biglang tanong ni Lea.

"Ha?", taka kong tanong.

"Kulang ka pa yata sa tulog Ryo. Natulog kaba?", tanong ni Luiz.

Hindi na rin pala ako nakatulog sa sobrang excited ko haist...


***

6:30 am nang makaalis kami sa bahay, dahil 7:40 ang start daw ng flag ceremony doon. At exact 7:00 ng makarating kami sa school, may 40 mins pa bago magsimula.

"Hatid ka pa ba namin sa room mo?", alok ni Lea.

"Nahh hindi na kaya ko na toh, tyaka para makapaglibot na din", nakangiti kong tugon.

"Okay, basta huwag ka lang magpapahuli sa School President kapag wala ka pa sa classroom niyo at late ka..", babala ni Luiz.

"Hm sige", alinlangan kong sagot.

"Nakakatakot kasi yun", bulong pa nito sa akin.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at nagsabi na sa uwian ay maghintayan nalang kami dito gate. Nagsimula na akong maglakad sa corridor at ilibot ang paningin ko sa kabuuan ng school. Maraming mga estudyante ang nakatingin sa akin at tila nababaguhan.

"Who's him?"

"Saang section siya?"

"He's so fvcking sexy"

"Look his muscle, arghh!"

Bahagya naman akong napatingin sa polo na suot ko, at ngayon ko lang narealize na sobrang hapit na hapit pala noon sa akin kaya bakat bawat detalye ng pang itaas ko.

Luckily naka tshirt ako sa panloob..

Nang makita ko ang hagdanan paakyat sa ika- dalawang palapag ay agad ko iyon tinungo. May nakasalubong akong babae na nakatingin sa akin ng masama hanggang sa magka tapat kaming dalawa.

"Tsk newbie!", mahina nitong sambit, sapat para marinig ko.

She looks a little bit scary and creepy!

Pagka akyat ko ay tyaka ko muling tinignan ang papel kung saan nakasulat ang classroom ko. Sa pagtingin ko doon ay hindi ko sinasadyang may mabunggo ako.

"Sorry, hindi ko sinasadya. Sorry talaga", paumanhin.

"Bro kalma, ayos lang", natatawa nitong sambit.

Tumingin ako sa kaniya at nakangiti ito sa akin.

"Salamat ha, sorry ulit", muli kong paumanhin.

Bigla itong napatingin sa papel na hawak ko.

"Class 103, ikaw pala yung new classmate namin", sambit nito.

"Papunta na ako dun ngayon, wanna come with me", nakangiti sabay kamot batok nito na tila nahihiya pa.

"Sure sige", nakangiti kong sambit.

Nagsimula na kaming maglakad patungo doon.

"Ako nga pala si Ethan Niccolai Lopez, and you are?", pakilala niyo sa akin.

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now