Chapter 13

75 22 1
                                    

Renrem's POV

Papunta ako ngayon kina Mika para sunduin si Heaven. Hindi alam ni Heaven na susunduin ko siya ngayon kaya surprisa ito. Kailangan kong bumawi sa anak ko lalo na dun sa nangyari nung nakaraang araw. Lumalabas na napaka sama kong ama kay Heaven.

Flashback:

"Saan kaba galing ha, hindi mo alam kanina pang umaga dito si Heaven at hinihintay ka", galit na sigaw sa akin ni papa.

"Wag mong sabihin na sa trabaho dahil tumawag ako dun at sabi nila ay hindi ka raw pumasok", gigil na sabat ni Jay.

Hindi ako pumasok sa trabaho dahil ang totoo ay si Rain ang pinuntahan ko. Bigla kasi itong sinugod sa ospital sa hindi malamang dahilan. At pagpunta ko sa ospital ay saktong papalabas ito.

"May importanteng meeting lang ako na pinuntahan", palusot ko.

"Meeting o nambabae na ka na naman, huh?", galit na galit na tugon ni papa.

"Nasa trabaho ako, okay?!", pabalang kong sagot tyaka naglakad bigla papasok sa kwarto kk

End of Flashback:

Hininto ko ang sasakyan ko sa harap ng bahay nina Mika at kumatok sa gate nila. Lumabas si Mika ng gate nila at naglakad papunta sa gate kung nasaan ako, binuksan niya ito.

"Anong ginagawa mo dito?", seryosong tanong ni Mika sa akin.

"Ipagpapaalam ko sana si Heaven kung pwede kami mamasyal", saad ko.

Sumeryoso at kumunot ang noo nito bilang reaksyon kasabay nang paglapat sa pisngi ko nang kaniyang palad.

"M-Mika...", saad ko habang nakahawak sa pisngi ko.

"Makaka alis kana", sarakstikong ngiti niya sa akin.

"Mika sandali", pigil ko sa kaniya nang pagsaraduhan niya ako ng pinto.

Alam na ba niya ang nangyari? Malamang, alam niya kasi nanay siya ni Heaven..

"Hayaan mo akong magpaliwanag, please", pakiusap ko.

"Diba't si Heaven ang pinunta mo dito? Wala siya dito ngayon, kasama niya ni Shawn at nililibang siya nito para mawala sa isipan ng anak MO yung pangrereject na ginawa MO sa kaniya", pagdidiin niya.

"Alam ko, kaya gusto kong bumawi. Pakiusap"

"Wala nga dito si Heaven, kasama siya ni Shawn. Alam mo Renrem, okay lang naman sa akin kung ako yung ginanun mo eh pero jusko naman Renrem sarili mo nang anak yun. Ikaw ang nagpapunta sa kaniya dito dahil sabi mo ay gusto mo siyang makasama tapos ano toh? Pinaasa mo sarili mong anak", gigil niyang tugon sa akin.

Gusto ko naman talagang bumawi, gustong- gusto ko

Magsasalita pa sana ako nang biglang may busina sa likuran ko. Sasakyan iyon ni Shawn. Bumaba si Heaven sa kotse tyaka gulat na humarap sa akin.

"Pa..", bungad nito sa akin.

Agad ko itong niyakap ng mahigpit.

"Anak pagpasensyahan mo na si papa ah kung hindi manlang ako nagsabi sayo", saad ko dito sabay halik sa noo niya.

"Its okay pa, I know that you are busy too", walang reaksyong tugon nito.

"Nga pala nandito ako para sana yayain ka pumasyal, ano game kaba?", excited kong sambit.

"Next time nalang po siguro pa. Mas gusto ko pong sa bahay lang eh tyaka kakaalis lang din po namin ni daddy", sagot nito sabay litaw ni Shawn mula sa gilid at umakbay pa sa anak ko.

Shit gusto ko siyang suntukin sa mukha dahil nakangisi siya...

"Please anak, gusto ka makasama ni papa at makabawi na din sayo", pamimilit ko.

"Pagod si Heaven dahil masyado siyang nag enjoy kanina, she needs to rest at sana alam m yun dahil tatay ka niya", singit ni Shawn.

"Ano bang pakialam mo, ako ang totoong ama ni Heaven at hindi ikaw", sigaw ko sa mukha ni Shawn.

"Tama na po", awat ni Heaven.

"Atleast ako I can give Heaven what she wants and needs. Ikaw nga oras at panahon lang ang hinihingi niya sayo hindi mo pa maibigay, anong klaseng ama ka?!", sumbat nito sa mismong harapan ko.

Akmang susuntukin ko na sana siya kaya lang ay humarang si Mika sa gitna.

"Pwede pa naman po kayong bumawi next time pa and sana yung totoong bawi na po ang gawin niyo", walang ganang saad ni Heaven.

Naglakad si Heaven patalikod at sinundan naman ito ni Mika. Ako at si Shawn nalang ang natira dito sa labas.

"Ikaw dapat ang nakakaintindi sa anak mo dahil dugo't laman mo siya. Wag mong kay Heaven ang ginawa mo kay Mika noon. Ikaw ang nagpumilit na pumunta dito si Heaven para makasama mo siya, tapos basta basta mo nalang siyang iiwan", seryoso nitong saad.

Aminado akong may kasalanan ako at babawi naman ako...

"Kung magiging makasarili ako, hindi ko hahayaang pumunta kami dito at hindi ko hahayaang lumapit sayo si Heaven dahil nasa puder ko siya. Pero gusto ko siyang maging masaya at makilala ka niya ng lubos bilang ama niya".

Tila naging pipi ako sa mga binitawang salita ni Shawn. Tama siya pero hindi ko pwedeng aminin na tama siya. Ayokong matapakan niyang pagkatao ko, pero anak ko na ang usapan dito.

"Ayoko kong nasasaktan si Heaven dahil alam kong mas nasasaktan si Mika para sa kaniya. Mahal ko silang dalawa at ayokong nakikita sila na nagkaka- ganun dahil lang sa isang katulad mo", mariin nitong sambit.

"Oo, hindi ka naging mabuting kasintahan noon kay Mika, but please be a good father to your own daughter. Ako na ang nagmamaka- awa na gawin mo yun sa kaniya", sambit nito sabay tuluyan akong tinalikuran.

Nanliit ako, nahusgahan ang pagiging ama ko kay Heaven at ang pagiging nobyo ko kay Mika noon. Wala siyang karapatan na sabihin iyon sa akin, pero may punto siya.

Nasuntok ko nang malakas ng poste malapit sa kotse ko dahilan para magdugo ang kamao ko.

"Babawi ako, ipapamukha ko sayo Shawn na karapat- dapat din ako kay Mika lalong- lalo na bilang ama kay Heaven"

CIHYA BOOK 2: Let Me Hold You [ON-GOING]Where stories live. Discover now