Chapter 6

5.8K 147 10
                                    

+++++

Fear

Hanggang ngayon ay bumabagabag parin sa isipan ko—kung sino ang gustong pumatay sa'kin. Halos mabaliw na'ko sa kaiisip. Wala akong may maituro o may maisabing pangalan kasi wala naman akong alam na may galit sa akin ng ganito para lang patayin ako.

Gabi-gabi ay nag-iisip ako. Araw-araw ay nagtatanong ako sa sarili ko. May nagawan ba ako ng kasalanan? May nasaktan ba ako? Kasi sa totoo lang wala talaga akong ideya kung sino. I'm clueless. Damn clueless!

"Sunny girl."

"Hmmm?" I immediately response.

Umayos ito ng upo at taas kilay na nagtanong sa'kin. "Kilala mo ba si Silvia Sarosa?"

I got confused. Bakit nila tinatanong? Saan at paano nila nalaman ang pangalang iyon?

"Oo, kilala ko."

Sobrang kilala.

"Kaano-ano mo?" tanong ni Justine.

I was about to answer his question when someone knocks the door. Lahat ng atensiyon namin ay napunta roon. Nagkatinginan kaming apat kung sino ang magbubukas at napakibit-balikat nalang ako dahil mukhang wala naman silang balak na tumayo kaya ako na lamang ang nagkusang pumunta sa tapat ng pinto.

Pagkabukas ko ay nagulat ako ng mukha ni Kenneth, Ryan, Darryl at Zenberg ang bumungad sa'kin. Ryan was smiling at me, same with Kenneth; Darryl was poker face and lastly, Zenberg was seriously looking at me.

"What are you guys doing here?"

"Just passed by?" Ryan said to hisself kaya nakatanggap siya nang batok galing kay Darryl.

"Patambay," sabi ni Kenneth at akmang papasok na sana sa loob nang pinigilan ko.

"No."

Andiyan sa loob si Sabrina kaya baka mag-away lang silang dalawa at masaktan na naman 'yong kaibigan ko. I warned him already to stay away from her pero mukhang matigas yata ang ulo niya. Gustuhin ko mang hayaan sila ay nag-aalala lang ako kay Sabrina.

"I will not talk to her," he said, giving me assurance.

"Still," I said.

Kahit hindi niya man ito kausapin ganoon parin. Kapag nakita ni Sab ang pagmumukha niya ay masasaktan at masasaktan parin ito.

"Papasukin mo na kami!" ungot ni Ryan sa harapan ko.

"Bakit ba kayo nandito? Anong kailangan niyo?"

"Wala kaming kailangan, makikitambay lang," Kenneth answered.

Napailing ako. They should go now. Unless, gusto nilang itaboy ko sila? Pero parang ang sama ko naman kapag ginawa ko iyon.

Napatingin ako kay Zenberg ng magsalita ito. "Can we?" I could hear the menace of his voice. And I couldn't look at him straightly because of his oh so cold eyes. Every time I turn my gaze to him, his eyes says that I should be careful while looking at him because I might fall for his traps.

I cleared my throat.

"Fine! Pero huwag kayong magtatagal!" I said. Kung hindi ko lang utang ang buhay ko sa kanya ay hindi ko sila papapasukin. Swear, this will be the first and last. By any chance, kung pupunta sila ulit dito, they are not welcome here anymore.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon