#4

1.7K 52 3
                                    

+++++

Hurt... Cheat...

+++++

Nandito kami ngayon sa Mall dahil niyaya ko si Zenberg na maglaro sa Arcade. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakapaglaro at nakakamiss masyado. Pagpasok naming dalawa sa loob ay napataas ang kilay ko ng maraming nakatingin sa'min.

What's with them? Mapababae man o lalaki ay nakatingin sa'min. Tiningnan ko si Zenberg at parang naguguluhan din ito. Nakakunot kasi ang noo niya habang nakatingin sa kanila.

"Problema nila?" Bulong ko dito. He just shrugged at hinigit nalang ako papunta sa basketball.

"Lets play." He said.

"Okay. Pero bili lang ako ng token." I said at saka umalis sa harapan niya.

Pumunta ako sa cashier at pumila. Hindi naman gaano kahaba, sadyang mabagal lang talaga kumilos yung nagbebenta. Alam mo yun. No offense pero para siyang pagong kung gumalaw. Kainis.

Nang time ko na binigay ko sa kahera ang pero ko tapos binigyan niya ako ng labing dalawang token worth 50 pesos. Limang peso isa pero may free na dalawa. Pagkakuha ko sa kamay niya ng token ay may tinanong ito sa'kin.

"Kaano-anu niyo po Maam ang lalaking pumasok?" She asked. Nagtataka man pero sinagot ko nalang.

"Fiance ko." I said at akmang aalis na sana pero may follow up question pa pala siya.

Nakakapeste ha, gusto ko nang maglaro eh.

"Kailan pa?"

"Matagal na." Yamot na sagot ko. Sabihan niyo na ako ng bastos pero kasi marami ng naiinis sa'kin sapagkat hindi sila pinapansin ng babaemg kahera. Akala siguro ng mga ito ay ako ang unang chumika.

"Alis na'ko." I said and I faked a smile. Ngumite din naman ito pero alam kung fake din iyon. I rolled my eyes pagkatalikod ko pero bago ako umalis ay may narinig pa akong sinabi niya.

"Two timer pala siya." She said.
Ipinilig ko nalang yung ulo ko at hindi pinansin ang sinabi niya. Baka mainis lang ako buong araw, pag-inalala ko iyon.

Pagkarating ko sa lugar na pinag-iwanan ko kay Zenberg ay wala siya doon. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita.

Saan na naman kaya pumunta ang lalaking iyon?

Nagsimula akong maglakad at hinanap siya kung saan-saan. Maliit lang naman ang espasyo ng Arcade na ito kaya hindi siya mahirap hanapin pag dito siya naglibot. Pero anak lang ng tipaklong hindi ko talaga siya makita dito sa loob. Siguro ay lumabas ang shitzu na iyon nang hindi man lang nagpapaalam sa'kin.

Napagpasyahan ko nalang na lumabas at hinanap siya. Kung saan-saan na ako naglibot pero wala talaga. I even go to Comfort Room, nagbabakasakali na umihi siya.

"Saan kaya nagpunta iyon?" I muttered to myself. Pag hindi pa talaga siya nagpakita, swear, iiwan ko siya dito. Uuwi nalang ako kung iniwan lang rin naman niya ako dito.

I already texted him, I called pero out of coverage ang phone niya. I started to get annoyed with him.

"Sunny!" Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko. And I saw Nick and a guy na hindi ko kilala. Nilapitan ko siya at nakipagbeso.

"Sino siya?" Agad na tanong ko sa kanya. Curious lang kasi ako.

"Si Geoff, friend ko." She said pero hindi ako naniwala at binigyan ko siya ng kakaibang ngiti.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon