Chapter 46

2.9K 92 0
                                    

+++++

Sunny Pov

Uuwi na sana ako ng pigilan ako ng tatlo kong kaibigan. Na blackmail pa nila ako! Na pag-umalis ako, hindi nila ako papansinin. Wala na akong nagawa at nagstay nalang. Sana hindi ko nalang sila hinanap edi sana nasa Manila na'ko ngayon. Hay.

"Okay guys. Pwedi bang magrequest?" sabi ni Ryan sa lahat. Nakangiti ang mga ito maliban kay Zenberg at sa akin. At ang creepy ng pagkakangiti nila dahil parang may binabalak silang masama. Hindi ko lang alam kung nag-iilusyon lang ba ako o ano pero parang may mali talaga eh. Ipinilig ko nalang yung ulo ko at hindi pinansin yung pagkakangiti nila. Tiningnan ko nalang si Ryan sa harapan.

"Ano yun?" ako na ang nagtanong kasi parang wala silang balak magtanong.

"Hmm. Pweding magpakalasing tayong lahat? Lasing na lasing na kahit isa sa atin ay hindi na makatayo?" sabi nito. Napanganga nalang ako sa request niya. Seriously?

"Payag ba kayo?" tanong nito.

"Oo ba!" sigaw nila in chorus except again sa amin ni Zenberg. Excited sila ah?

"Ikaw Sunny?" tanong ni Darryll adik.

"Sure!" mabilis na sagot ko.

"Great!" sigaw ni Bakla. At nangunang tumungga.

"Pahinge niyan Bakla." sabi ko.

"Nah. Yung isang bote sayo. Tig iisa tayo. Tingnan mo oh!" tiningnan ko naman yung lahat. May kanya kanya ngang mga hawak pero pare pareho lang naman ng brand. Sana nagbaso nalang hindi yung kanya kanya. Napapailing na kinuha ko yung isang bote. Mabilis na binuksan ko iyon at tinungga ng deritso.

"Ho!" sigaw ko ng maramdamang ang lakas ng tama nito. Akala ko ilang percentage lang pero gago ang taas.

"Okay ka lang Sunny?" tanong ng kung sino sa kanila. Nanlalabo na kasi yung paningin ko at hindi ko maaninag ng maayos yung mga mukha nila.

"Ako? Okay? Haha. Oo naman! Ako pa. Haha." sabi ko sabay tungga ulit ng inumin na nakakalasing. I giggled. Grabi ang sarap naman nito. Hindi ko mapigilang mapalabi.

"Hmmm."

"Lasing na." rinig kong sabi nila. Umiling ako.

"Shino lashing? Haha. Ako? No. No. No. Hindi. Hindi. Hindi!"

Lasing daw ako? Asanes. Okay pako. Nahihilo lang kasi ang lakas ng tama nito. Tumungga ulit ako at gaya kanina napalabi ako.

"Hihi. Ang sarap."

"Sige na Jeth!"

"No!" rinig kong sigawan nila. Napailing nalang ako at tsaka tumayo. At sa kasamaang palad natumba ako pero may nakasalo din naman hindi ko nga lang alam kung sino.

"Thanks." I said at tsaka hinalikan siya sa pisnge.

****

Jeth Pov

"Fuck!" Napamura ako ng makita kong hinalikan ni Sunny si Darryll. Agad ko itong inagaw at kinarga.

"Sino ka?" tanong nito. Tsk. Paglasing talaga, nagiging abnormal yung utak niya.

"Woah. Chill Pards. Hindi ako ang humalik." he said while raising his two hands in the air.

"Fuck you!" sabi ko at tsaka naglakad palayo sa kanila. Kasalanan nila to.

I want to punch them all especially Darryll. Ako lang dapat ang humahalik kay Sunny. No one else but me, only me not somebody else!

"Sino ka?" she asked again.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon