Chapter 4

6.4K 178 5
                                    

+++++

His Revenge

+++++

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad sa hallway ng school, mag-isa at walang kasama. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid at iyong mga estudyante as usual, chismis dito, chismis doon.

Ano pa bang bago? Iyan naman palagi ang routine nila sa araw araw dito sa school. Sanay na'ko at saka wala na akong magagawa sa kanila.

"Aham."

Napahinto ako sa paglalakad ng may tumikhim sa harapan ko. Nakita ko 'yong kaibigan ni Kenneth, na manyak, na mahilig sa black. Iyong mukhang panda na adik dahil sa sobrang laki ng eye bags. And if I am not mistaken, Darryl is his name.

"Excuse me?" I said kasi hinaharangan niya ang dinadaanan ko, na kung pupunta ako sa kaliwa sumusunod siya at kung kakanan naman ako ganoon din. Hindi ko alam kung anong trip nito sa buhay at kung bakit pati ako ay dinamay niya. Ang sarap ding hambalusin dahil kung kailan nagmamadali ako doon pa talaga siya nambwesit.

"Hoy, lalaking mukhang adik. May gana ka pa bang paraanin ako ha?!" sigaw ko sa pagmumukha niya. Wala akong paki kung tumalsik man 'yong laway ko, basta naiinis ako.

"Well, I just want to warn you," sabi niya at nilampasan ako. I raised my left eyebrow.

Kailangan ko na bang matakot sa sinabi niya o kailangan kong maging handa para sa mangyayari sa akin mamaya? Well, whatever it is. I am ready kasi binigyan na ako ng tips ni Michael. Kinausap niya na ako tungkol dito na baka gantihan daw ako nang apat na dumuho dahil sa ginawa ko sa kanila kahapon.

Lumingon muna ako saglit sa kanya bago magsimulang maglakad ulit. Napahinto na naman ako ng may humarang ulit sa dinadaanan ko and this time yung Jeth na. Ang sakit nang pagkakatingin niya sa'kin na parang anytime gusto niya na akong kainin. At ito na naman iyong mga titig niya, nakakalusaw ng kalamnan talaga. Shit lang!

"Excuse me, dadaan ako," sabi ko nang malumanay pero hindi ito nakinig bagkos ay nakipagpatintero pa sa'kin. Naiinis na binalingan ko siya ng tingin.

"Uso padaan Mister!" sigaw ko na sa kanya sa sobrang inis.

Nakakaagaw na kami ng eksena dahil sa kakagawan niya. Ano bang trip nilang magkaibigan? Gusto ba nilang maglaro? Aba, wala akong time sa kanila. At hindi ko alam kung baliw ba siya o ano. Basta ang gusto ko lang gawin ngayon ay ang sapakin siya nang todong todo na iyong tipong mabura ang ngisi sa pagmumukha niya. Nakakainis, para siyang shitzu sa paningin ko.

"Doon ka sa kabila dumaan," he said.

Aba at? Sa kanya 'yong daan, sa kanya? Siya ang nagpagawa, siya? Makautos akala mo naman kung sino.

"Heh! Tabi diyan, dadaan ako. Hindi sayo 'yong hallway na'to kaya wala kang karapatan na padaanin ako sa kabila!" sigaw ko sabay tulak sa kanya. Napaatras ito onti pero hindi parin umaalis ang kabuuan niya sa harapan ko.

"What if I don't?" nanghahamong saad nito.

Napailing nalang ako sa sinabi niya. I have no time to argue with him! I have a class and he's just a waste of time na hindi ko kailangang pagtuunan ng pansin. Pakiramdam ko ay wala naman siyang gagawing masama sa'kin. Michael said to me that if there's something strange about him, it means may balak siyang masama. Pero sa aura niya ngayon? Nah. Parang wala naman kaya I don't mind nalang.

"Whatever," I said while rolling my eyes to him. Akmang lalampasan ko na sana siya nang bigla itong may sinabi.

"Polkadots noon, hello kitty ngayon. Good taste huh?" sabi niya sabay tapik sa likod ko at saka nilampasan ako.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon