Chapter 43

3K 97 1
                                    

+++++

"Saan ka pupunta babae?"

Napaigtad ako ng bigla nalang sumulpot sa harapan ko si Philip. Goodness! Nakakagulat naman tong baklang ito.

"Babalik ng Singapore ano pa ba?" sagot ko.

"At bakit ka aalis? Diba sabi ko sayo mananatili tayo dito hangga't gusto ko?" He said habang kumakain ng mangga.

"Kasi ayoko dito. Kaya aalis ako." I said at akmang maglalakad na sana ng harangan niya ako. Tiningnan ko siya ng masama.

"Umalis ka d'yan!" Pasigae na sabi ko pero ngumise lang ito.

"Nah. Aalis ka kasi nakita mo siya? Aalis ka kasi naiinis ka dahil mahal mo parin siya? What a lame thought SM." He said. Naiinis na ako sa Baklang ito ah.

"Eh ano naman ngayon? Tsk. Umalis ka nga d'yan!"

Tinulak ko siya dahilan para makaalis siya sa harapan ko pero napalingon ako sa sinabi niya.

"You can't go back to Singapore SM."

Napataas yung kilay ko.

"And why not?"

"Kasi wala kang passport?" patanong na sabi nito. Oo nga pala, I forgot! Siya pala ang may hawak ng lahat. Inilahad ko yung kamay ko sa harapan niya senyales na ibigay niya sakin yung passport ko pero anak lang yung nakakainis nilagyan ba naman ng asin yung kamay ko.

"Philip!" I shouted.

"Nah. I will not give it to you. You will stay here as long as I want. Kaya bleee." sabi nito na ikinainis ko.

"Isa Philip! Ibigay mo sakin yung passport ko! Dahil kung hindi---"

"Kung hindi ano?" putol nito sa sasabihin ko.

"Sasakalin kita." I said and he just smirked.

"As if kaya mo ko?"

Aba't talagang hinahamon ako ng baklang ito ah? Nagmartsang pumunta ako sa kanya at akmang babatukan siya pero hinawakan niya lang yung kamay ko at pinakatitigan ako.

"Hindi ka babalik don SM. Fix everything here bago ka bumalik. I am giving you a chance na makipag-ayos sa pamilya mo pati na rin sa Zenberg mo. So grab the opportunity SM." he seriously said bago niya binitawan yung kamay ko.

"No thanks. Hindi ko sila kayang makita. Kaya please ibigay mo na sakin iyong passport ko. So I could go back to Singapore."

"Sige magmatigas ka diyan para habang buhay kang bigo." sabi nito.

"I don't care! Basta ayoko!"

Nakita ko ang pagtitimping ginagawa nito. Naiinis na siya kasi ayokong sundin yung gusto niya. Pero basta ayoko talaga silang makita. I'm not yet ready and it will never be.

"Pag ikaw hindi pa nakipag-ayos sa kanila. Swear SM! Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko. Remember hawak ko lahat. At kaya kong gawin ang gusto ko. Hangga't hindi ka pa kasal wala kang panghahawakan. So don't try me." He said na nakapagpainis sa'kin.

Padabog kong tinalikuran siya at umupo sa kama ko. Napasabunot ako sa buhok ko. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa kanila ni Ba. Noon na gusto ko silang makita, ayaw nila akong payagan. Pero ngayon na ayaw ko silang makita, pipilitin nila akong makipag-ayos sa kanila. Urgh! Hindi ko sila maintindihan! Ang gulo gulo nila.

"SM habang may oras ka pa, be with them. Be with him. Ito lang ang kaya kong gawin para maging masaya ka. Parang kapatid na kita kaya ginagawa ko to sayo. Gumawa ka na ng paraan para hindi ka na niya ilayo sa kanila." He said and left me here clueless. Hindi ko gets yung ibig niyang sabihin.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon