Chapter 10

4.7K 125 2
                                    

++++++

Weird

REGGIE

"Anong hinahanap mo Louie?" I asked when I entered the office. I just noticed that he was busy searching for something.

"Nawawala I.D ko Reg. Hindi ko makita."

"Saan mo ba last nilagay?"

I helped him to find his I.D but we really can't find it. Saan niya ba nilagay?

"I forgot," he said.

"Tsk. Magpasa ka nalang ng Affidavit of Lost so that they can replace your I.D," I said to him.

Dahil kung dito lang iyon sa opisina nawala, agad na mahahanap namin. Tingin ko ay naiwala niya sa labas.

"Nah. I will just find it."

"If you say so," I said at umupo sa swivel chair ko. Napabuntong hininga ako ng makita ang sandamakmak na papel sa harapan ko. Kailan kaya ito mauubos?

"Hey, yow, guys!"

Napatingin ako sa pinto ng bigla nalang pumasok ang asawa ko. Yeah. Kahit nakakasukang sabihin ay talagang iyon ang totoo. My freaking wife is here!

"What are you doing here?" I coldly said.

"Masama bang bisitahin ang husband ko?"

I scoffed. Husband?

"I want to puke. Urgh!" I murmured to myself.

I saw how my wife rolled her eyes on me. Lumapit ito at umupo sa upuang nasa tapat ko.

"Psh. I'm here to inform you that- Bastard."

"What about him?" mabilis na tanong ko. I know who's that bastard is.

"Marami na siyang inutusan ngayon. And sa party, I need to go there para mabantayan ang anak ni S."

"Gusto mo bang icancel--" She interrupt me.

"No. Tuloy ang pagpunta niya do'n. Ako ng bahalang magbantay sa kanya."

Iyon naman pala. Siya na ang bahala. Bakit nandito pa siya? Iyon lang ba ang sasabihin niya? I know she can handle that situation. So bakit niya sinasabi ito sa'kin ngayon?

"Why are you reporting this to me?"

She shrugged. "I'm not reporting this to you. Lumabas lang sa bibig ko. At nandito ako kasi namiss kita!"

Ngumise ito sabay kindat sa'kin. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. What the f-ck? Miss her ass!

Damn. I want to puke.

*****

SUNNY

Katatapos lang ng klase ko ngayong araw at kasalukuyan ako ngayong naglalakad palabas ng school. Wala akong kasama, ako lang mag-isa. Iniwan kasi nila ako. Ang sama nila noh? Ni hindi man lang ako hinintay. Psh. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng klase ay nagmadali na silang tatlo na lumabas nang classroom. Hindi ko nga rin alam sa kanila. I just found myself walking alone. Pati sina Kenneth at yung mga kaibigan niya ganun din, parang nagmamadali rin silang umalis.

And napansin ko lang kanina habang naglelecture si Maam ay lumilinga linga silang pito, magkakatabi kasi kami ng inuupuan. Pero base lang sa peripheral vision ko ha. Kasi sa tuwing titingnan ko sila ay nasa harap naman ang atensiyon nilang lahat. Ewan ko ba kung nag iillusiyon lang ba ako o ano.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon