Chapter 53

2.9K 96 4
                                    

+++++

(Can I see you?) text ni Zenberg sa akin.

Hindi ko alam kung papayagan ako ni Ba na lumabas ng bahay na ito. Tatlong araw na kasi akong nakakulong dito sa kwarto, ayaw akong palabasin. Ayaw ko namang tumakas kasi tiyak na hindi ako makakalabas ng tuluyan. Bantay sarado kasi yung gate at ang iba pang pwedi kong labasan, mautak kasi masyado si Ba. Sa tuwing bibigyan ko siya ng kape ay nirereject niya baka daw kasi nilagyan ko ng pampatulog gaya ng ginawa ni Philip. Pati mga tauhan niya ay ayaw ng tumanggap ng pagkain mula sa akin. It's just that wala naman akong poison na nilagay pero iyon ngalang may pampatulog. Hindi niyo ako masisisi kasi gustong gusto ko na talagang lumabas ng bahay na ito. Gusto kong makita si Zenberg, miss na miss ko na siya. We texted each other pero hindi parin sapat iyon, gusto ko siyang makita. Hay. Buhay inlove nga naman talaga.

(Magirl...)

Napabuntong hininga ako habang binabasa yung text niya ng paulit ulit. Sorry Zenberg pero wala akong load eh, hanggang basa lang ako ngayon sa text mo. Hindi pa kasi dumadating yung pinaload ko kanina, ewan ko ba kung ba't ang tagal.

Maboy calling...

"Hello?"

Hindi halatang excited akong makausap siya. Ghad! I missed him already.

[You're not replying to my messages.]

"Hehe. Wala akong load. Censya naman."

"Tsk. Sana nagsmart alert ka."

Smart alert? Paano ko magagawa iyon?

"Baka nakakalimutan mo globe ako at globe ka din?" I said to him. I heard him laughed in the other line.

[Yeah. Yeah. I forgot. Can you go out?]

"Hindi Zenberg. Ayaw akong payagan ni Ba."

Ilang minuto siyang hindi nagsalita sa kabila. Ako hindi rin nagsalita at hinihintay lang yung sasabihin niya.

[Can I go there? I miss you.]

Hindi naman masamang kiligin diba? Eh kasi eh! Ang gago namimiss daw ako, akala mo naman ako hindi.

"Baka katayin ka." iyon nalang nasabi ko.

[Don't care. Ibababa ko na. See you later.]

Huling narinig ko bago siya nawala sa linya. Napakurap kurap ako ng ilang beses. Tama ba iyong narinig ko? Pupunta siya dito? Kinabahan ako sa maaaring mangyari mamaya, baka magkagulo pagpumunta siya dito.

I was about to text him when I realized that I don't have a load. Pakshit! Ngayon pa talaga ako nawalan ng load! Naku naman!

(By the way. I love you.) He texted me. I smiled of what he said. Kung may load lang talaga ako ay nareplyan ko na siya kanina pa kaso wala eh. So I decided to say it in the air.

"I love you too."

****

Ilang minuto din akong nagpagulong gulong sa hinihigaan ko ng bigla akong nakaramdam ng uhaw. I decided to go downstairs para uminom ng malamig na tubig, ang init kasi eh.

Paglabas ko sa kwarto ay nakasalubong ko si Philip, gusto kong maawa sa sitwasyon niya pero hindi ko pinahalata.

"May kailangan ka?" I asked.

"Nah. Wala, gusto ko lang maggala." he said at nilampasan ako. Napailing nalang ako at tsaka nag-umpisang maglakad ulit.

Habang pababa ako ng hagdan ay nakasalubong ko si Ba, kalalabas lang ng office niya at nagulat ako sa sumunod na lumabas, si Zenberg. Napataas yung kilay ko sa nakita ko dahil para silang nagahasa na dalawa. Magulo ang buhok at ang damit hindi maintindihan. Napatakip ako ng bibig ng may marealize ako.

Book 1: When I Met This GangsterWhere stories live. Discover now