Chapter 11

4.6K 141 1
                                    

++++

HHWW

SUNNY

Maaga kaming nagising ngayong araw na ito dahil binulabog ng magaling na si Reggie ang bahay namin. Pumunta siya dito ala-cinco ng umaga kasama ang mga bodyguards niya para sabihin na kailangan na raw naming lumipat sa condominium niya.

Nakakainis dahil naputol ang masarap na pagtulog ko. Ang sarap ngang batukan ng baklang iyon. Naku! Kung hindi lang talaga ako pinigilan ni Tatay kanina ko pa siya nasapok.

"Sunny huwag niyo na itong dalhin," sabi niya sabay turo sa T.V naming mas matanda pa sa mga kapatid ko ng ilang taon, pero gumagana pa rin.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil bakit hindi pweding dalhin? Porket wala ng takip sa likod ay hindi na namin dadalhin? Wow ha. May sentemental value kaya sakin ang T.V na iyan.

"Dadalhin namin 'yan."

"Sira na eh oh. Tingnan mo," sabi niya sabay pokpok ng itaas nito. At sa lakas ng pagkakapokpok niya ay nabasag ito. Yeah! Nabasag dahil sa kagagawan ng baklang ito.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Reggie! Bakit mo sinira?!" sigaw ko at agad siyang hinabol dahil sa ginawa niya. Pero yung bruha biglang tumakbo palabas ng bahay at nakangising nakatingin sa akin.

Syempre hinabol ko siya hanggang sa makita niya si Tatay at ginawa niya itong pansangga. Paano ko pa siya ngayon babatukan? Sige nga.

"Mang Kiko oh!" pagsusumbong niya. Syempre si Tatay pinagtanggol siya. Ewan ko ba kung anong pinakain niya d'yan at magkasundong magkasundo sila ni Tatay!

"Nak."

Ngumite na lamang ako kay tatay sabay peace sign at tsaka tumalikod sa kanila. Naramdaman ko namang sumunod sa sakin si Reggie kaya ngumise ako. Nilingon ko siya. At nakita kong tumalikod siya. Akala niya hindi ko nakita iyong ginawa niya ha.

I smirked.

Agad ko siyang dinamba at sinabunutan. Bahala siya kung masaktan man siya. Kasalanan niya rin naman dahil sinira niya yung T.V na binili namin noon no'ng bata palang ako. Kasama ko pa noon si nanay at wala pa noon yung mga kapatid ko ako pa lamang mag isa ang anak nila. Kaya laking inis ko sa ginawa niya.

"Sunny. Bitaw masakit! Sunny! Aray ang anit ko!"

Pinipigilan niya rin naman ako pero hindi niya ko kaya. Lahat kaya ng force ko nilagay ko na. Hmp! Napatigil lang ako sa ginagawa kong pagsabunot sa kanya nang marinig ko yung boses ni Karlo at Yanyan.

"Ate!" At agad na pinigilan nila ako.

"Hala ate! Ang brutal mo. Tingnan mo ang ginawa mo."

Napatingin ako kay Reggie. Wala namang pinagbago sa kanya at parang hindi naman siya nasaktan sa ginawa ko. Except sa pamumula ng mukha niya. Iyon lang.

"Sadista ka Sunny," reklamo niya.

I glared at him.

"Kasalanan mo! Ayusin mo iyong T.V namin Reg!"

"Opo kamahalan!"

****

Kadadating lang namin ngayon at manghang mangha ako dahil sa ganda ng estilo ng condominium ni Reggie. The place was air-conditioned and has five rooms. Tamang-tama para sa aming apat. Kita ko ang saya sa mga mata ng mga kapatid ko at ni Tatay kaya hindi ko mapigilang yakapin si Reggie. Nagpapasalamat ako ng husto dahil ganito nga, may maganda na kaming tirahan.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon