Chapter 28

3.5K 116 12
                                    

+++++

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad sa hallway, mag-isa. At ang mga schoolmates ko naman panay ang bati sakin.

"Congrats Girl!!"

"Sunny. Ang galing niyo. Congrats!!"

"Thank you" iyon nalang ang sinasabi ko. Ngiti lang ako ng ngiti sa kanila. Nabalitaan na pala nila ang pagkapanalo namin. Hindi ko aakalain na mangyayari iyon. Alam niyo na mintik na akong madeads noong araw na iyon. Buti nalang talaga dumating iyong mga gangsters na iyon. At nakaabot kami sa contest proper. Madidisqualified na sana kami kung natagalan kami. Buti nalang at niyaya ko kaagad yung mga gangsters na iyon. Kung hindi naku ewan ko nalang kung mananalo kami.

Ang daya nga lang kasi hindi nila ako tinuruan ng mga moves nila. You know naman I'm fun with action hindi lang halata. Para syempre maipagtanggol ko rin iyong sarili ko. Kaya ko gustong matuto. Eh kaso ayaw nila akong turuan. Delikado daw. Tsk. Mas dedelikado pag hindi nila ako tinulungan kasi hindi ko maipagtatanggol yung sarili ko, hindo ako makakapaglaban sa oras na may manghunting sakin. Hay, ang labo talaga nila hindi nila maintindihan yung point ko

Sawa narin kasi ako na palagi nalang pinagtatanggol. Gusto ko ako naman eh. Para astig diba? Palagi nalang kasi akong pinapagalitan. Na kesyo kung saan saan daw ako pumupunta. Eh kasalanan ko bang bantay sarado sila sakin? Ni sa labas lang nga siguro nang bahay and'yan sila para salubungin ako at patayin. Buha--

"Baby ko!! Congratss. Kyaaah. Ang galing galing mo talaga!!" rinig kong sigaw dito mula sa tambayan. Napakunot yung noo ko at napatanong sa sarili ko.

"Baby ko? Sino yun? At parang narinig ko na yun ah." parang siya iyong narinig ko nung Battle of the Bands na hahalikan niya daw si Zenberg. Psh. Whatever!

"Niks Move on din." Rinig kong sabi ni Kenneth I think?

Kaya dahan-dahan kong binuksan yung pinto para malaman kung anong nangyayari sa loob at nakita ko silang lahat and the Niks girl na nakayakap kay Zenberg. I knew it! Siya nga iyon. Sinasabi ko na nga ba eh.

Narinig kong binati ako ni Ryan at Bakla. Pero hindi ko sila pinansin dahil nakapako lang yung tingin ko sa girl na to. Naiinis kasi ako sa kanya para siyang linta kung makalingkis kay Zenberg.

Tiningnan ko si Sab ng "Sino siya?" look. Pero nagkibit balikat lang siya na sinasabing hindi niya alam. So sinong Pokemon ito?

"Baby ko. Kain tayo sa labas." sabi niya sabay haplos sa dibdib ng Zenberg na to. Tsk. Ang landi. Itong isa naman nagpapalandi. Akala mo naman bagay sa kanya. Hmmp. Padabog akong umupo sa tabi ni Sab.

"Problema mo?" Tanong niya.

"Sino ba kasi yang Niks na yan? May pababy baby pang nalalaman. Ang baduy ha." bulong ko sa kanya.

"Tara." sabi naman ni Zenberg.

Nakita kong lumabas silang dalawa habang nagyayakapan. Psh. akala mo naman mawawala yung isa't isa. Siya ba yung message na tinutukoy niya.? Bagay sila. Parehong malandi.

"Bakit selos ka? *smirk"

Tinuro ko naman yung sarili ko.

" Ame? A-ako? Nagseselos? H-hindi ah. Asa!"

Nagseselos ba ko? Hindi naman ah. Bakit ko naman pagseselosan yung babaeng yun. Eh mas maganda naman ako sa kanya. Maganda naman yung katawan ko. Eh bakit siya pa?

"Eh bakit defensive ka?"

Ako defensive? Goodness.

"Hoy. Sabrina maghunos dili ka nga sa mga sinasabi mo!" ako habang nakapamewang sa harapan niya. Napatayo na ko sa sinabi niya. Makapagsabi kasi eh.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon