Chapter 51

2.9K 91 1
                                    

++++++

"Buntisin mo ko."

Hindi na ako magtataka kung makatanggap man ako ng pitik sa noo galing sa kanya. Bumungisngis ako kasi ang priceless ng mukha niya. Gulat na gulat at nanlalaki yung mata na hindi makapaniwala.

"Huwag kang magbiro ng ganyan. Baka totohanin ko." he said kaya umayos ako.

Tumayo ako at bahagyang lumayo sa kanya, nakakatakot kasi siya parang gusto niyang totohanin yung sinabi ko.

"Joke lang. Ikaw kasi eh!"

Ngumuso ako kasi hindi parin nagbabago yung ekspresyon niya, seryoso parin itong nakatingin sa'kin.

"Hoy! Zenberg nagbibiro lang ako!" sabi ko pa. Tumayo siya kaya nanindig yung balahibo ko.

"Z-zenberg...Tu-tumigil ka dyan!"

Natatakot ako sa kanya. Swear! Nakainom pa naman siya kaya hindi imposibleng gawin niya yung biro ko. Pero marami namang tao. Oo tama! Sisigaw ako.

Panay lang ang atras ko habang siya lapit ng lapit sa'kin. Hindi na mapakali yung puso ko at sobrang bilis ng tibok nito.

"You gave me an idea para nga bumalik ka dito." He said, I gulped. Gusto kong pukpokin yung ulo ko, kung bakit kasi nagbiro pa ako ng ganoon.

"Babalik nga ako!" sigaw ko.

"Nah. Bubuntisin nalang kita ngayon." may bahid ng tukso na pagkasabi niya.

"Ba-babalik ako Zenberg. Swear!"

Ngumise siya at napatili ako ng hulihin niya yung kamay ko palapit sa kanya, niyakap niya ako patalikod.

"Kyaaah. Zenberg! Huwag mong gagawin. Swear! Sasapakin kita!"

"I was wondering kung gaano kaganda ang katawan mo if you are naked." he whispered into my ears na nakapagpanindig nang balahibo ko.

"Z-Zenberg maghunos---umm. Gago! Bitawan mo--ay. Pakshit!"

Hindi ko magawang magsalita ng maayos kasi dinidilaan niya yung balikat ko. My ghad! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Temptation please.

Sinusubukan kong kumawala pero ang higpit ng yakap niya, ni ayaw niyang bitawan yung kamay ko at pinagkrus pa niya ito sa harapan ko, sa aking tiyan.

"Z-Zenberg!" sigaw ko. Nagkandautal-utal na ko sa ginagawa ng lalaking ito. Juiceko! Ayaw tigilan yung balikat ko! Buti sana kung sa labi niya ako hinahalikan pero hindi eh!

"Ummm."

"Lets. Make. A. Baby." he said. Kinapos ako ng hininga sa sinabi niya at bigla nalang nanghina yung mga tuhod ko, buti nalang nasalo niya ko.

"Pffft."

Tawang tawa siya sa ginawa niya at ako naman gustong gusto ko siyang patayin dahil sa ginawa niya, muntik na akong maniwala! Peste talaga!

"I can't imagine na mamumutla ka ng ganyan? Are you that scared?" tukso niya kaya pinalo ko na.

"Gago ka talaga Zenberg! Gago ka!"

Tinalikuran ko na siya kasi hindi ko naman siya makausap ng matino. Tawa lang siya ng tawa na para bang may nakakatawa talaga! Wala naman eh. Kainis talaga.

"Ay anak ng tipaklong!" sigaw ko ng may humigit sakin, sisigaw na sana ako ng makilala ko kung sino yung humigit sakin.

"Problema mo?!" inis na sabi ko. Naiirita ako kasi parang natatawa parin siya.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon