Chapter 38

3.1K 94 3
                                    

*****

Another day today at impyerno na naman 'yong araw ko ngayon. Alam niyo kung bakit? Dahil magkasama lang naman silang dalawa. Sana hindi nalang ako pumasok kung ganito lang rin naman ang madadatnan ko.

Alam niyo yung feeling na pinipiga yung puso mo kasi ang saya nilang dalawa? Hindi tumatawa ng ganyan si Zenberg sa'kin eh. Hindi ganyan. Hindi. Naiinis ako sa kanya. Inis na inis dahil hindi ganyan ang trato niya sakin. Oo. Sweet siya pero hindi kasing sweet pareho sa ginagawa niya kay Mrie. Ibang iba.

Tulad nalang ngayon, sa harap ng maraming tao. Nakaluhod siya sa harapan ni Mrie habang binibigyan ito ng bulaklak. Grabi! Nakakatawa. Kahit ligaw nga hindi niya nagawa sa'kin. Pagbibigay ng bulaklak hindi rin, pero kay Mrie? Wow lang kayang kaya niyang gawin.

"Happy Valentines Day guys!" rinig kong bati ng isang schoolmate ko sa mga friends niya. Nagtawanan lang ang mga ito at nang mapunta yung paningin nila sa'kin ay agad na tumahimik din ang mga ito. Siguro ay alam nilang hindi nakakatawa ang tinatawanan nila.

Ibinalik ko yung paningin ko sa dalawa na nasa gitna ng field habang yung mga kaklase ko ay todo kantyaw sa kanila at kinikilig pa. Psh. I just rolled my eyes.

Pasalamat kang Mrie ka dahil kapatid ko yang taong nakaluhod sa harapan mo. Pero kung hindi? Asahan mong aagawin ko siya sayo. Kahit hindi niya na ako mahal. Swear! Pipilitin ko siyang mahalin ako.

Ginulo ko nalang yung buhok ko sa sobrang inis. Kung ano-anu na kasi yung iniisip ko. Nagmumukhang desperada tuloy ako. Nakita kong napunta yung paningin ni Zenberg sa gawi ko. At alam mo yung nakakainis? Wala man lang itong reaksiyon. So ganun? Walang paki sa aking nararamdaman? Wow lang. Ang laking gago talaga kahit kailan. Urgh. Ang sarap sabunutan.

Tumayo ako at pumunta nalang sa Classroom para mag-review para sa Quiz mamaya. Major subject pa naman namin. Accounting. Dahil kung dito ako mag-aaral nadidistract lang ako sa mga nakikita ko. Masyado silang PDA. Hindi na nahiya. Dito pa talaga sipa sa field!

Habang papunta ako sa classroom ay napansin kong parang may sumusunod sakin. Lumingon ako at nakita ko lang naman yung mga bodyguards ko. I forgot may mga Zombie pala akong kasama. Actually tatlo lang naman sila. Pero ang pinagtataka ko lang ay kung bakit sila nakasunod sakin. Sa pagkakaalam ko kasi wala ng may nagtatangka sa buhay ko. Swear! Payapa na yung life ko. Nawala na yata ako sa Death List nila. Salamat naman kung ganoon diba? Hindi na ako tatakbo at hindi narin ako magtatago pa.

"Miss dito po yung room niyo." Napatapal ako sa noo ko ng marealize kong lumampas na pala ako sa kwarto namin. Napabuntong hininga nalang ako. Signs of broken hearted. Nagiging tanga! Hay.

"Thank you." I mouthed to him bago pumasok. Wala pa yung mga kaibigan ko at konti palang yung mga classmate ko na nandito. Alam niyo na andoon sa field at nakikichika.

Pagpasok ko napangiti ako kasi mayroong bulaklak sa chair ko. Dali dali kong kinuha yung bulaklak at binasa yung letter.

-Just to make you smile, my girl.

Kahit naiinis ako kanina ay napalitan naman ito ng kilig. Eh! Kasi may secret admirer ako. Luminga linga ako at tiningnan yung mga lalaki kong classmates. Lahat sila busy maliban nalang sa isa na nakatingin sa'kin habang nakangiti. Napangiwi ako sa naiisip ko. Impossible namang siya ang nagbigay nito. Nilapitan ko siya at ganun nalang kalapad ang pagngiti nito.

"I-ikaw ba nagbigay nito?" may alinlangang tanong ko. Sana naman hindi siya.

Napakamot ito sa batok niya bago magsalita, kita pa talaga yung malaking ipin niya sa harapan with matching braces pa. Hindi siya pangit, ano lang hindi lang pinagpala. Iyon!

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon