#6

2.2K 51 1
                                    

+++++

Kissed... Drunk...

++++

Maganda ang araw na ito sapagkat inaya ako ni Charles na gumala. Ewan ko ba sa lalaking iyon at ako pa ang ginambala. Tinadtad niya kasi ako ng calls at texts. Kinuha niya lang naman ang number ko sa magaling na Sabrina! Ang babaeng iyon talaga, hindi man lang nagpaalam sa'kin na ibibigay niya. Well, okay lang kasi mabait naman ito. Hindi naman siguro masama kung makikipagkaibigan ako sa kanya diba? Hindi naman mababago no'n ang nararamdaman ko kay Zenberg. Ngayon pa ba mawawala ang feelings ko kung kailan matagal na kami? Hindi naman suguro iyon mangyayari. Marami na kaming pinagdaanan at alam kong siya lang ang para sa'kin.

And now, pababa na ako ng hagdan kasi andoon si Charles sa baba naghihintay. Buti nga at pinapasok pa ni Ba. At first, tinutukan pa ito ng baril kung hindi pa ako lumabas ay siguro nabaril na siya. At si Sabrina lang naman ang nagturo sa kanya nang address ko.

Ang gaga noh? Tsk.

"Wow!" Mungkahi nito ng makarating na'ko sa tapat niya. Binatukan ko siya kasi hindi naman maganda ang suot ko. Nakapantalon tapos naka-t-shirt. Saan ang nakaka-wow doon? Wala akong makitang rason para mamangha siya sa'kin ng ganyan.

"Ouch."

"Gago!" Singhal ko dito na ikinatawa lang niya.

"Lets go," sabi niya sabay hawak sa kamay ko at lumaas ng bahay.

Napatingin ako sa kamay naming dalawa. Holding hands while walking ang peg. Sa hindi malamang kadahilanan ay napangiti nalang ako. Ewan ko ba. May part sa akin na gustong bawiin ang kamay ko pero ayaw ko kasi ang gaan lang sa pakiramdam? Basta!

Hindi naman ako ganito kay Zenberg noong una kaming magkita. Itong lalaking ito nakuha agad ang loob ko na parang ang tagal na naming magkakilala.

"Sunny...hoy!"

Napatingin ako sa kanya.

"Huh?"

Gusto kong pokpukin ang ulo ko kasi hindi ko namalayan na sa harap na pala kami ng sasakyan niya. Nakatingin kasi ako sa kamay naming dalawa.

"Sabi ko sakay na." He said sabay bukas ng pinto. Tumango ako at dali-daling pumasok.

Pagkasara niya ay agad akong napahawak sa dibdib ko. What the hell is happening to me? Ipinilig ko ang ulo ko at napatingin na lang sa kanya na ngayo'y kakapasok lang.

"Saan tayo pupunta?" I asked pero ngiti lang ang ginawad nito sa'kin. Gusto kong magmura dahil sa ginawa niya.

Gago! Ang gwapo! At parang pamilyar ang ngiti nito.

"Basta. Malalaman mo mamaya." Nakangising sabi nito. Napangiti ako pero agad ding nawala ng may marealize ako.

Bakit pala ako ngumite? Pakingtape!

Ilang minuto ang nakalipas ay huminto ang sasakyan namin sa tapat ng isang eskwelahan. Nagtatakang tiningnan ko siya pero nakangiti lang ito.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Hindi mo ba naaalala?" tanong nito.

Tumingin ulit ako sa labas. Naalala ko kasi dito ako grumaduate ng elementary. Ano palang meron dito? Tiningnan ko siya at nakasimangot ang gwapo nitong mukha. Para siyang disappointed sa naging reaksiyon ko.

Ano bang meron dito?

"Tsk. Hindi mo ba talaga naaalala? Nakalimutan mo na nga ako pati ba naman kung saan tayo unang nagkakilala?" Naiinis na sabi nito. Bigla nalang nanlaki ang mata ko ng may pumasok na imahe sa utak ko.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon