Chapter 33

3.6K 107 1
                                    

+++++

Kagigising lang naming lahat at heto todo kantyaw yung natanggap ko pagkagising ko. Paano ba naman kasi ibinalita na ng lintik na ito na kami na daw!

Siya ngiting aso! Akalain mo yun marunong rin naman palang ngumite. Sa tuwing lumalapit siya sakin ay iniirapan ko siya. Hmp.

"Hoy! Sunny girl. Magpakagirlfriend ka naman. Irap ka nalang ng irap d'yan." singhal sakin ni Bakla. Binigyan ko naman siya ng nakakamatay na tingin.

"Okay. Sabi ko nga. Hehe."

Pakending kending siyang umalis at tsaka pumunta doon sa sala. Dito kasi kami sa Dining table. You know nagchichikahan.

"I'm glad at hindi nagpakatorpe tong baby ko sayo Sunny." sabi ni Nickleo sabay ngiti sakin. Nginitian ko naman siya at walang halong kaplastikan ha.

"Hindi nga nagpakatorpe. Namimilit naman." sabi ko. Nagtaka naman siya sa sinabi ko.

"Why?"

"Pards pinilit mo?"

Ngumite naman yung Baliw. "No. Pinapili ko."

Psh. At talagang nasisiyahan siya sa ginawa niya ha. Samantalang ako naiinis kasi hindi ko man lang naranasan maligawan niya. May nanligaw narin naman sakin pero iba parin pagmahal mo yung nanliligaw sayo diba?

"Baby ko usap tayo." mabilis na napatingin ako sa kanya. Tumango naman si Zenberg at umalis silang dalawa. Susundan ko na sana sila ng pigilan ako ni Darryll at Ryan.

"Saan ka pupunta?" tanong nila. Bumalik naman ako sa pagkakaupo. Okay! Sabi ko nga hindi ako susunod.

"Guys. Emergency." Nag-aalalang sabi ni Bakla sa lahat. Napakunot naman yung noo ko.

"Nagtext sakin si Louie may riot daw."

Agad naman silang nagsitayuan at lumapit kay bakla. Ako ito nakaupo kasi hindi naman ako kailangan doon. Hindi naman kasi ako marunong makipagbakbakan. Takot ko lang noh! Baka madeads lang ako ng wala sa oras.

"Ikaw magbantay kay Sunny dito Sab. Kailangan namin si Jeth ngayon. Pwedi ba yon?" rinig kong sabi ni Darryll. Agad naman akong kumontra.

"No. Okay lang ako dito. Isama niyo nalang siya." sabat ko. Pero hindi man lang nila pinansin. Alam niyo yung feeling na nadeadma ako. Ouch lang ha parang hindi ako nag-eexist dito. Tsk. Nakakasakit ng damdamin.

"Alis muna kami Sunny." paalam nila. Pero deadma lang din ako. Kunwari busy ako sa pagkain.

"Polkadots."

"Sige alis na kayo. Ingat!" sabi ko habang hindi lumilingon sa kanila. Narinig ko naman yung pagbuntong hininga niya at tsaka mabilis akong hinalikan sa pisnge.

"I love you Magirl." bulong pa nito bago sila umalis.

Naramdaman ko naman yung pag-upo ni Sab sa tabi ko at tsaka inagaw niya yung kinakain ko. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Galit ka na niyan?"

Tumayo nalang ako at hindi siya pinansin. Walang pansinan eh. Edi okay.

"Sunny." tawag niya.

Bahala ka. Umakyat ako sa taas at doon nagmukmok. Pati rin pala si Nickleo sumama sa kanila. Siguro ay gangster din siya.

Mga ilang oras din akong nakahiga dito at nag-iisip kung okay lang ba sila. Nag-aalala ako. Sana maging okay lang sila. Mukha kasing malaking away ang nagaganap ngayon.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon