Chapter 1

13K 263 11
                                    

+++++

Job

+++++

"Ms. dito!"

"50,000 be with me tonight!"

"One tequila!"

"Waiter!"

Kahit saan ka magpunta, kahit saan ka huminto; nakakabinging musika ang maririnig mo. Ang mga tao ay busy sa pag-iinuman at ang iba naman ay pasimpleng nagmamasid sa isang tabi. Hindi ko lubos maisip na kaya ko palang magtrabaho sa ganitong lugar. Napakaingay at higit sa lahat maraming manyak!

I sighed. Kung hindi ko lang kailangan ng pera, siguro, wala ako dito ngayon kasi nakakapagod ang ganitong trabaho. Nakakapagod kasi iikutin mo ang kasulok-sulukan ng club na ito at higit sa lahat nakakapagod makipaghalubilo sa mga taong makikitid ang utak at bastos.

Karamihan sa kanila, iniisip na isa akong maduming babae. Natatawa na lamang ako sa pagiging judgemental nila. Dahil hindi naman lahat nang nagtatrabaho sa club ay isa ng pokpok. Marahil sa iba ay ganoon nga pero sana huwag lahatin ng mga tao. We are judged by the people who doesn't really know us. Hindi porket nakasuot ng maiksing damit at nakikipagtable ay marumi na. Malay mo isa palang waitress na kagaya ko!

I shook my head. Sana lahat ng tao ay maisip iyon.

"Zizi out na po ako, anong oras na rin po kasi at saka may pasok pa ako bukas," sabi ko sa boss ko na ngayo'y busy sa paninigarilyo. She's always like that. Hinihigop ang yosi na parang isang masarap na sabaw.

Cigarettes is dangerous to our health. Hindi ba alam ni Zizi iyon? O wala man lang bang may nagsabi sa kanya no'n?

"Umm...wait last na to. Puntahan mo muna 'yong isang customer doon sa isang gilid. Makipagtable ka muna sa kanya, malaki-laki rin ang ibabayad niya sa'kin kapag nagkataon. Fifty thousand sayang din iyon!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi nga? Fifty thousand? Malaki-laki rin iyon kumpara sa kinikita ko gabi-gabi sa bar na ito!

"Hindi nga Zizi? Ang laki ah?" komento ko.

"Oo, kaya ano? Payag ka?"

Dahil sa malaki ang offer niya, syempre tumango ako. Sayang din naman kasi iyon kung tutuusin. Fifty thousand 'yon, sino ba namang hihindi? To think of na makikipagtable ka lang naman tapos makikipag-usap, then wala na. Iyon lang, tapos na.

Nagbihis ako bago pumunta sa kinaroroonan niya. A golden fitted dress. Kahit na sa malayo ay kitang-kita na ang kintab ng suot ko lalo pa at sobrang dilim. Maiksi at labas ang kaluluwa pero nasanay narin akong suotin ito tutal hanggang tingin lang naman sila at hinding-hindi nila ito mahahawakan o matitikman diba?

Habang papalapit sa kinaroroonan ng ititable ko ay naaaninag ko na 'yong makinis nitong mukha. Malayo palang alam ko ng gwapo ito. Pero ewan ko ba parang may something sa kanya na hindi ko alam. This gut feeling of mine. Basta may pakiramdam akong may mali sa lalaking ito. Hindi kaya—napailing ako. Imbes na pansinin iyon ay kinuha ko na lamang ang buong atensiyon nito nang sagano'y mapatingin siya sa'kin.

"Hi Sir, I'm Sunny. Ako nga pala 'yong makakatable mo," sabi ko habang full force ang ngiti.

Umupo ako sa tabi niya at tiningnan siya ng maigi. From his head down to his chest. Hmm. I really smell something fishy huh? My instinct was telling me that there's something wrong with this guy.

"Go out with me," seryosong saad niya sabay tungga ng iniinom.

Winagayway ko sa harapan nito 'yong dalawang kamay ko, nagpapahiwatig na ayaw ko.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon