Chapter 54

2.9K 87 2
                                    

++++

Hindi ko alam kung tatayo ba ako o uupo. Kung sasayaw o kakanta, magtatumbling o magbabackdive. Sa sobrang kaba na niraranasan ko ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako kasi ngayon na yung araw nang laban nila, laban na hindi ko masisilayan kasi hindi ako pinayagan ni Ba. Ayaw niya akong paalisin sa kwarto ko at talagang nilock pa ako dito sa loob. Ang sama niya ano? Secured talaga ang kaboringan ko dito sa kwarto ko.

Sa secret room sila ng bahay na ito maglalaban, kung saan nag-eensayo si Philip noong siya lang mag-isa dito sa Pilipinas. Ang bakla, dito pala siya nagsstay kapag hindi ko siya makita noon. Nagfefeeling senyorito dito samantalang ako hinahabol ng kamatayan. Hmmp.

Ilang oras na akong nakakulong dito at ilang oras na din sila doon sa loob, hindi parin natatapos hanggang ngayon. Andoon lahat ng mga kaibigan ko even Mrie na hindi kasama si Baby Ren kasi delikado, Louie na himalang sumama at ngayon ko lang ulit nakita at si Nick na talagang pinostponed yung schedule niya ngayong araw para lang makanuod ng laban ng dalawa. Pinayagan naman silang lahat ni Ba na pumasok basta wala lang daw gulo kung sakaling matalo si Zenberg, as if naman magpapatalo iyon diba? He promised me to win this fight. He promised me na hindi niya hahayaang magpakasal ako sa gagong Kennard na iyon. At subukan niya lang talagang magpatalo, swear, hinding hindi ako magpapakita sa kanya ng ilang araw. Pagdudusahin ko talaga siya. Kung bakit kasi hindi ako pinayagang manuod eh!

Paano ko malalaman kung nandaya si Ba o wala? Tuso pa naman yung Ama kong iyon, tutol iyon sa road to forever ko. Hay. Sana lang talaga manalo si Zenberg.

"Lord please...alam ko na and'yan ka sa tabi nilang dalawa pero sana Lord si Zenbeg lang muna ang bantayan mo. Please...huwag muna si Kennard, sa susunod na araw mo nalang muna siya bantayan. Please Lord. Bawi ka nalang sa kanya next time...please Lord maawa ka. Salamat po." dasal ko, kahit wala man akong bitbit na rosaryo basta ang maghalaga ay nakapagdasal ako. Sana lang talaga dinggin ni Lord ang panalangin ko.

"Tiwala lang Sunny. Tiwala lang."

*****

Michael Pov

Chinicheer namin ngayon si Jeth na kasalukuyang nasa gitna kasama si Kennard. Naglalaban ang dalawa at ang masasabi ko lang mas malakas si Jeth kahit na gangster lang ito. Sa pagkakaalam ko kasi myembro ng Mafia si Kennard. Magaling din naman itong makipaglaban pero mas magaling si Jeth, I think? Kung sa barilan siguro lamang si Kennard pero sa fight na ganito, lamang si Jeth.

"Go baby ko!" Sigaw ni Nick. Nakisigaw narin ako dahil lahat sila sumisigaw na.

Muntik na kasing matumba si Kennard dahil sinikmuraan ito ni Jeth pagkatapos ay pinatid. Maswerte siya kasi nakahawak siya sa lubid na ginawang boundery. Lumaban din ito pabalik and this time muntik na niyang mapuruhan si Jeth. Kalerke! Nakakastress sila!

"Laban pa Jeth!" Sigaw ni Mrie. Pero nagulat kami ng bigla nalang itong napahawak sa tiyan niya at natumba.

Anong nangyari? Nagkatinginan kaming lahat.

"Mukhang ginutom." Sabi ni Ryan Bang. Binatukan ko nga. Gago kasi eh.

"Bangon!" Sigaw ko pero ayaw tumayo. Sumigaw na kaming lahat even S pero gumulong lang si Jeth habang nakahawak sa tiyan niya. Napatulala lang kaming lahat ng makarinig kami ng bell galing kay Philip.

"What the heck!?"

******

Lumipas na ang dalawang oras hindi parin binubuksan ang pinto ng kwarto ko hudyat na hindi pa natatapos ang laban ng dalawa. Nababagot na ako sa kahihintay dito ng resulta pero wala parin talaga. Naiinis na ako kasi alas-otso sila ng umaga nag-umpisa pero hanggang ngayon na alas-tres na ng hapon ay hindi parin tapos. Seriously? 8 hours silang andoon sa loob? Anong klaseng laban ang meron sila at inabot sila ng ganoon katagal? Masyado ba silang magaling na dalawa at walang may natutumba? My ghad! Nasstress ako sa kanila! Hindi naman masyadong kagandahan ang pinag-aawayan nila pero kung makapaglaban sila para sa akin ay ang tindi! Umabot pa talaga ng walong oras, walang tanghalian baka mamaya matumba silang dalawa sa gutom at walang tinanghal na nanalo. Edi baka maulit ang laro at kabahan na naman ako ng paulit-ulit.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon