Chapter 19- SabNeth

3.8K 119 0
                                    

+++++

Sabrina Pov

"Insan palit tayo ng upuan." Sabi ko. Tumayo naman siya at ako din sana kaso may pumigil sakin at napaupo ulit ako.

"*Stare* Get your hands off." I said to this guy. Pero parang wala siyang narinig at hinigpitan ang paghawak nito.

"Insan makikipagpalit ka pa ba?"

Tumango ako sa kanya at tinabig yung kamay na nakahawak sakin. Umupo ako pero nagulat din at the same time kasi biglang tinawag yung pangalan ko sa harapan. Nandito kami ngayon para sa contest.

"Ms. Festino please go here in front and you also Mr. Walker"

Nagdadalawang isip pa ko kung pupunta ba ko sa harap o hindi kaso may biglang asungot na humigit sakin kaya napapunta ako sa harapan. Tiningnan ko siya ng masama. Tsk.

"Ok. Please look sideward Miss Festino"

Tumagilid naman ako tapos narinig kung nagsalita ulit siya. Parang kami yung magdedemo nang sasabihin niya. At alam kong hindi ko magugustuhan ang mangyayari dito.

"So, Mr. Walker come closer. Hold her waist"

Naramdaman ko naman yung paghawak niya sa bewang ko. Hindi ko alam kung tatanggalin ko ba ito o hahayaan nalang kasi nga dito kami sa harap at maraming participants ang nakatingin samin. Ayoko namang maging bastos. Pero pag hindi ako nakapagtimpi babalibagin ko siya.

"Ok guys, Pag ganito ang nangyari sa inyo. How can you express your feelings. Paano niyo isusulat ito sa isang kanta."

Narinig ko namang nagbubulungan yung mga tao sa hall na nagbibigayan ng opinyon.

"Next, turn around miss Festino. Look at each others eyes"

Humarap ako. Napatingin ako sa mga mata niya. Namiss ko siya sobra. Parang gusto ko siyang yakapin pero sa tuwing naiisip ko yung ginawa niyang pagsisinungaling sakin parang gusto ko siyang suntukin at balibagin. Alam ko naman yung rason niya eh. Ang akin lang sana sinabi niya at hindi na nagsinungaling pa, para kasing pinapalabas niya na hindi ako pweding pagkatiwalaan. Ang tanga niya kasi eh.

"Sorry"-siya

Mahina man yung pagkakasabi niya pero alam ko kung ano ang gusto niyang sabihin. Gago! Anong sorry? Psh.

"Eh ito paano niyo to magagawan ng kanta. Na parang sasabihin mo kunyari sa harap niya ang gusto mong sabihin pero may tono guys ha."-nagtawanan naman yung lahat. At sinusubukang kantahin yung mga sinasabi nila habang nakikipagkwentuhan sa isa't isa.

Pagkatapos ng pagdedemo namin sa harap pinaupo narin kaming dalawa. Aalalayan niya sana ako pero tinabig ko yung kamay niya.

"Kaya ko ang sarili ko hindi ako lampa" sabi ko.

Hindi naman siya umimik hanggang sa pag upo namin.

"Insan usap nga kayo"

Wala na kaming dapat pang pag-usapan. Pàra ano pa? Tsk. Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya at tumingin nalang sa harap. Doon nalang ako makikinig kesa sa katabi ko ditong sinungaling.

.

*****

"Moo pwedi ba tayong mag-usap" sabi niya habang nililigpit ko yung mga gamit ko.

"For what?"

Kami nalang ring dalawa ang natira dito kasi umalis na silang lahat. Iniwan ako ni insan dito dahil sabi niya 'mag-usap kayo'. Oh. Kaya ayan wala dito, iniwan nga ako.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon