Chapter 14

4.1K 128 1
                                    

+++++

Makita ko palang dito sa labas ng hall kung gaano kalaki at kung gaano kaengrande ang party na ito ay kinakabahan na ako. Gosh! Nagdadalawang isip pa ko kung papasok ba ako o hindi eh kasi namam parang hindi naman ako nababagay sa lugar na ito. Pero kailangan ko talagang pumasok eh. Hay. Keri ko to. Tiwala lang.

Dahan-dahan kong hinakbang yung mga paa ko papasok ng Hall. Hinarangan pa ko ng guard. Kainis akala siguro nito hindi ako invited. Gano'n na ba ka halatang mahirap lang ako? Tsk. Pinakita ko sa kanya yung invitation card ko. Kinuha niya naman iyon sa akin kaya nakapasok ako.

Wow!!

Yun lang ang masasabi ko, Maganda kasi kahit saan ka tumingin. Hindi masakit sa mata yung mga lights at magaan lang sa pakiramdam. Nilibot ko yung mga mata ko, Siguro lahat sila dito ay mga tagapagpana. Makikita mo naman kasi sa mga galaw at pagsasalita nila. At ang bongga pa ng mga damit nila. Maganda din naman yung damit ko kaso ngalang sa kanila bagay, sa akin hindi. Alam mo yun.

"Hi, I am the daughter of Mr. & Mrs. Lopez. Nice to meet you all guys."-Rinig ko pang sabi ng isang babae na parang ipinapamukha sa mga kausap niya na mayaman siya.

"Psh. Hindi naman siya yung mayaman kundi yung mga magulang niya."-sabi ko habang nakatingin dun sa babae. Pero mahina lang mahirap na baka marinig niya.

Umupo ako sa pinakagilid. Ganito pala magpaparty ang mga mayayaman. Masyado namang pormal. tsk. Nakapunta na naman ako sa mga party pero iba ito masyadong bongga.

May dumaan namang waiter sa harap ko kaya kumuha ako ng wine. Pagkainom ko parang pinagsisihan ko na. "Pwee" Ang pait naman. Matapang pa na inumin yung nakuha ko. Ano ba yan. Wala man lang bang pang ladies drink dito. Yung hindi ka malalasing.

"Hi"

Napatingin ako sa lalaking umupo sa tabi ko. Gwapo siya pero may nasesense akong mali sa lalaking to. I'm not comfortable with him kaya umusog ako palayo sa kanya. Nagtaka naman siya pero nagbago rin agad iyong ekspresyon niya at ngumite sa akin.

"Hi din."-Bati ko sa kanya.

Nginitian niya ko pero ang ikinagulat ko ay ang bigla niyang paghawak sa hita ko kaya napatayo naman ako. "Bastos!" Sabi ko sabay tapon ng natitirang wine na hawak ko sa mukha niya. Nakita ko namang pinunasan niya iyon.

"What the heck! Alam mo ba kung sino ako Miss ha?!" sabi niya sabay hawak ng mahigpit sa kaliwang braso ko. Napangiwi naman ako sa ginawa niya. Ang sakit ha! Shit! Hindi naman kami nakaagaw ng attensyon ng iba kasi nga nandito kami sa pinakagilid. At hindi masyadong napapansin dito kasi medyo madilim.

"Wala akong paki kung sino kaman o anak kaman ng pangulo. Binastos mo ko kaya bagay lang yun sayo!!" sabay sampal sa mukha niya. Diniinan niya naman yung pagkakahawak sa braso ko. At nanlilisik na yung mata niya. Gosh.

"Bitawan mo ko! Ano ba!"-sabi ko habang pilit na tinatanggal yung kamay niya.

"No. I want to kill you"-pabulong na sabi niya.

Kinaladkad niya ko palabas ng party hall. Magsisigaw na sana ako pero naisip ko na wala pala ako sa club. Kundi dito sa isang walang kwentang party. Party ng mga mayayaman! kaya ang ginagawa ko ay pilit ko nalang tinatanggal iyong kamay niya. Pero anak lang iyong nakakainis ay masyado siyang malakas.

Dinala niya ko dito sa lugar kung saan walang katao tao. Sa tingin ko, sa likod ito ng hall na to. Tinulak niya ko ng napakalakas sa dingding.

"Aray!! Ano bang problema mong lalaki ka huh?! Manyak ka na nga wala ka pang respeto sa mga babae." Sigaw ko sa kanya. Ang sakit ng likod ko. Ghad.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon