Chapter 44

3K 104 0
                                    

++++++

Awkward

Ito yung nangyayari ngayon sa pagitan ko at pagitan ni Zenberg. Okay naman kaming lahat maliban nalang sa lalaking ito sa harapan ko na panay ang tingin sa'kin, nakakainis dahil nakakailang.

Kumakain kaming lahat ngayon and I'm happy kasi welcome na'ko. Akala ko kasi kanina hindi eh.

"Pards si Mrie nga pala?" tanong ni Darryl.

Naghintay ako sa isasagot niya pero nakayuko lang ako dahil ayokong isipin niya na interesado ako sa sasabihin niya, na may pakialam pa ko sa kanya.

Wala na nga ba?

I sighed. Walanghiyang isip ito. Ang puso ko kumukontra na nga sakin pati ba naman siya kumukontra din.

"Sa bahay."

Sa bahay. Great! Siguro binabantayan ang anak nilang dalawa. Sa sobrang blanco ng isip ko ay imbes na coke ang inumin ko ay alak pa ang natungga ko sa tabi nito. Pakshit!

"Pwee"

Ang pait pala.

"Sunny girl, atat?" saway sakin ni Bakla.

"Sarrie." nasabi ko nalang at nagpeace sign sa kanya. Ibinalik ko ulit yung atensiyon ko sa pagkain ko at kumain nalang.

"So kamusta ka na Sunny?" biglang tanong ni Kenneth. Tiningnan ko siya at hindi ko mapigilang mapasulyap sa kanya, magkatabi kasi sila.

"O-okay naman. Nagluluksa." sabi ko pero hininaan ko lang ang panghuli para walang may makarinig.

"Nagluluksa Sunny girl? Saan?"

Parang gusto kong pumatay ng Bakla ngayon dahil sa sobrang inis. Hininaan ko na nga para walang may makarinig pero itong baklang ito ay narinig pa, seriously? Anong tenga meron ito?

Sa sobrang inis ko ay kinurot ko siya ng patago. Ang laking gaga kasi eh, tinanong pa talaga, sana tumahimik nalang siya at kumain nalang, edi sana hindi ako mahohotseat ngayon.

"Ouch!" reklamo nito. Tiningnan ko siya ng masama yung tipong kung patalim lang yung tingin ko ay nasaksak na siya. Huli niya nalang talaga narealize yung pinapahiwatig ko.

"Sarrie." bulong nito. I just rolled my eyes nalang.

"Nagluluksa saan?" ulit na tanong ni Ryan. I sighed and I bit my lower lip.

"Sa ano--sa aso ko sa Singapore kasi namatay. Oo tama." I said at nilagyan ng maraming pagkain yung bibig ko para hindi na sila makapagtanong pa. Muntik pa kong mabulunan sa kadahilanang nakita ko si Zenberg na nakangiti habang kumakain. Walang may nakakapansin sa kan'ya maliban sakin dahil lahat sila nakatingin sa gawi ko.

Anong nginingiti ng lalaking ito? Shitzu talaga! Bipolar pa!

Pagkatapos kumain, nagkayayaan ang lahat na magswimming. Buti nalang napagsabihan ako ni Philip na magdala ng damit kaya ito may pang overnight ako at pang swimming. Hindi naman one piece nor two piece ang dala kong damit, just an ordinary suit na I'm comfortable with. A sleeveless with cycling shorts, iyon lang dahil hindi ako mahilig magsuot ng swimsuit talaga, baka umitim pa ako, mahirap na.

"Sunny tara magbihis na tayo." yaya sakin ni Sab. Sumama naman ako sa kanya bitbit ang bag ko. Malapit lang naman yung room niya dito sa resort kaya hindi umabot ng sampong minuto ay nakarating din kami. Inalapag ko sa kama yung bag ko at tumingin sa kanya.

"By the way, saan ako matutulog mamaya?" I asked.

"Ikaw. Saan mo ba gusto? And teka--pinayagan ka ba ng asawa mo?" muntik na akong matumba dahil sa sinabi niya. Juiceko! Ako may asawa?! Saan nanggaling ang balitang iyon? Masyadong namang mali ang impormasyon na natanggap ni Sab.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon