Chapter 45

2.9K 94 2
                                    

Michael Pov

"What the hell?! Hindi nga? Mamamatay na ba siya?" hindi makapaniwalang saad ni Sab. Kahit ako nagtataka rin. What happened to the world? Magugunaw na ba? Una, si Tito Qu humingi ng tawad. Pangalawa, si Philip.

"Woah! Guys anong meron ba't bumait sila?" sabi ni Ryan.

"Dahil papatayin ka na nila." sabat ni Darryl

"Tumahimik ka d'yan Negro! Halikan kita eh." sabi nito. Napangiwi naman kaming lahat.

"Yuck Ryan Bang!" I commented.

"Pero hindi nga? Nagkasundo na ba ang tatlong angkan?" tanong ni Kenneth sa lahat. Nagkibit balikat si Jeth.

"We cannot tell guys. Si Daddy nagsorry it's because I told him na magbago na para kay Ren. Alam niyo naman yung matandang iyon masyadong mahal ang apo niya. Pero siya, I have no idea." sabi ni Mrie na ikinatango ng lahat. Kung sa bagay, nagkataon lang siguro na sabay sila bumait.

"Mabuti naman kung ganun. Ang problema nalang natin ang tatay ni Sunny baka  umalsa. Patay tayong lahat! Iba pa naman magalit iyon!" sabi ni Justine. Tama siya. Kailan kaya babait iyon? Hay.

"Ang gawin nalang natin ay kung paano mawala ang galit ni Sunny kay Pards para makapagkasal na silang dalawa. Wala rin namang magagawa si Tito Jamyel pag nangyari iyon." sabi ni Darryl. Napatingin kami kay Jeth. Ang lalim at ang layo ng tingin.

"Pards." tawag ni Darryl.

Tumingin ito sa amin pero wala kang makikitang emosyon sa mukha niya. Blanco lamang.

"Galit kaya siya?" tanong nito sa lahat. Hindi ko mapigilang matawa dahil sa tanong niya. Walangya! Akala ko kung ano na yung sasabihin niya iyon lang pala.

"Pfft. Yung totoo Jeth? Mula kanina iyon ang iniisip mo?" sabi ko habang tumatawa. Sila nagpipigil.

"Yeah. I'm just wondering baka kasi hindi na naman ako pansinin no'n." he said.

"Natural magagalit! Ano ba kasing pumasok sa isip mo at iyon ang naisip mo?" sabat ni Sab.

"I don't know."

"Gago!" sabay sabay naming sabi. Ginawa ang bagay na iyon ng hindi nag-iisip. Himala at hindi ginamit ang utak? Well, inlove eh.

"Tsk." he just said bago kami tinalikuran. Napailing nalang ako.

"Wala ng pag-asa ang lalaking iyon. Hindi makapag-isip ng maayos." sabi ni Mrie.

"Bigo eh." komento ni Ryan.

"So ano?" sabat ko.

"Help Jeth to get Sunny back." sabi ni Insan.

"Paano kung pumalag si Sunny?" Sabrina said. I sighed.

Hay. Kawawa naman si Papa Jeth. Kung noon bagay sa kanya ang maparusahan ng ganito ngayon masasabi kong hindi na kasi he deserves to be happy and be loved by Sunny girl. Konting lalaki nalang ang ganyan sa mundo, ang seryoso sa isang babae kaya hindi na dapat pang palampasin pa kasi para rin naman ito sa ikabubuti ng kaibigan namin.

Hmm..Ano ba ang pweding gawin?

"Edi takutin! Kung hindi makuha sa mabuting usapan, kunin sa santong paspasan!" sabi ni Ryan.

I smiled. Yeah! He is right! Lets see kung anong magagawa namin.

*****

Sunny Pov

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon