#2

2.6K 75 1
                                    

Creepy....

----

"Zenberg, may halloween party daw bukas. Punta kayo, sabihan mo mga bestfriend mo."

"Okay," he just said. Napataas iyong kilay ko ng umiba ang boses nito. Napailing nalang ako at iniwan siya doon sa loob ng kwarto ko.

Pagkapasok ko kasi kanina ay nakatayo na ito sa tapat nang nakabukas kong closet. Hindi na ako nag-abala pang lapitan siya kasi nagmamadali narin ako dahil may kailangan pa akong ibigay kay Ba.

Nakasalubong ko si Philip sa daan at hindi maipinta ang mukha nito. Nagtatakang nilapitan ko siya.

"Problema mo?"

"Wala! Ang Zenberg mo kanina pa naghihintay sa baba!" sigaw nito. Napakunot iyong noo ko. Akmang aalis na sana ito ng higitin ko siya pabalik.

"Anong sa baba si Zenberg? Nasa kwarto ko kaya!" I shouted.

"Baliw. Kakagaling ko lang do'n. Baka multo iyang nakita mo," he said. At biglang nagsitaasan ang balahibo ko sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam ko rin ay kinapos ako ng hininga.

"H-hindi nga? E-e sino iyong nakita ko sa kwarto?"

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako. Inilagay niya ang kamay niya sa noo ko.

"Wala ka namang lagnat," he uttered. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Hoy babae. Ba't ang lamig ng kamay mo? Okay ka lang?"

Wala sa loob na umiling ako. Napalunok ako ng laway.

"P-philip may tao sa kwarto ko. Nakatalikod ito, sumagot pa nga siya. Akala ko si Zenberg kaya hindi na ako nag-abala pang puntahan siya," paliwanag ko dito. Sumeryoso ang mukha nito at walang pagdadalawang isip na kinuha ang baril sa likod niya. Kinasa niya ito at pumunta kaming dalawa sa kwarto ko.

Dahan-dahan ang paglalakad naming dalawa. Medyo nanginginig pa ang katawan ko dahil natatakot ako. Minsan na akong nakaramdam ng multo pero kahit kailan ay hindi pa ako nakakakita. Pagpasok namin ay walang tao sa loob. Nilibot ko ang paningin ko. Wala. Kinilabutan ako sa isiping multo nga talaga iyong nakita ko.

"Philip...," I muttered.

"Hindi kaya nagmamalik mata ka lang?" he questioned. Umiling ako.

"N-No. I saw a man standing in front of my closet without seeing his face because the door of my closet was covering the whole face of him," mabilis na lintanya ko. Napailing ito at itinago ang kanyang baril.

"I am telling the truth!" I shouted.

"Nakadrugs--"

Nagkatinginan kami ni Philip ng may marinig kaming kumakanta. It's creepy because the way he sing it looks like he was teasing us. Niyakap ko si Philip sa sobrang takot.

"Philip."

Paatras kaming lumabas na dalawa sa kwarto ko. At sa tuwing hinahakbang namin ang mga paa namin ay lalong lumalakas ang kanta. Malakas na malakas na iyong tipong nakakabinge na at nakakakilabot. Napatakip ako sa tenga ko.

"S-Sunny." Kulang nalang ay sakalin ako ni Philip sa sobrang higpit nang pagkakahawak nito sa kamay ko.

Maalala mo kaya...

Ang sumpa mo sa'kin.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng may mabangga kaming dalawa ni Philip. Alam kong puting-puti na ang mukha ko sa sobrang takot. Nanunuyo narin ang lalamunan ko at ang puso ko sobrang lakas na ng tibok nito.

Sabay kaming humarap ni Philip at halos liparin naming dalawa ang hagdan dahil sa nakita namin. Isang lalaking nakaitim at sobrang puti pa ng mukha nito. Nanlilisik ang mga mata na halos lumuwa na ito.

"Kyaaaahhh. Nanay ko po!" sigaw ko habang tumakbo ng mabilis pababa ng hagdan.

"Sunny! Hintay!" rinig kong sigaw ni Bakla pero hindi ko siya nilingon. Bahala siga sa buhay niya. Masama na kung masamang kaibigan pero natatakot ako.

"Zenberg!"

Agad kong niyakap ang lalaking nakatalikod sa'kin sa pag-aakalang si Zenberg ito. Pero ganoon na lamang nanlamig ang mata ko ng makita ang lalaking nakita namin kanina sa taas.

"Kyaaaahhhh!" I shouted. Sa sobrang takot ko ay sinuntok ko ito, narinig ko nalang ang pagdaing nito.

"Ouch."

Doon ako natauhan ng makilala ko ang boses na iyon. Walang pagdadalawang isip na sinakal ko si Michael dahil alam kong siya iyon.

"Walanghiya ka! Mapapatay kita!" Nanggigil na sabi ko.

"Aacckk--S-Sunny. B--bitaw."

Ubo ito ng ubo at halos malagutan na ng hininga. Buti nalang at may umawat sa'kin. Doon ko lang naramdaman ang mga bisig ni Zenberg na yumapos sa bewang ko. Sa sobrang inis ko ay sinikmuraan ko rin ito.

"The fuck!" I heard him uttered habang hawak ang tiyan niya.

Napatingin ako sa paligid ko at gusto kong magmura ng todo. All this time pinagtitripan lang pala kami.

"My ghad!"

Iyong isa, si Philip, nasa hagdan habang nakaupo at walang lakas na nakatingin sa aming lahat. Namumutla ang mukha nito na iyong tipong naubusan na ng dugo. Ako nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang takot dahil aakalain mong totoo talaga ang nakita ko. Kung may heart failure lang ako ay malamang kanina pa ako naheart attack dito.

"Sunny girl..."

Tiningnan ko sila ng masama. Lahat sila even Zenberg. Nandito silang lahat except the girls.

"Hindi nakakatawa ang ginawa ninyo," I prankly said. Napahilamos ako ng mukha.

"Polkadots--"

"Shut up!" sigaw ko.

"We didn't mean to scare yo--"

"Pakingtape! Hindi sadya? E halos tumawa na nga kayo dahil sa mga epic na reaksiyon namin ni Philip!" I shouted. Natahimik naman si Ryan sa sinabi ko.

"Okay. Sorry. Katuwaan lang naman ito sana. Hindi naman namin alam na ma-o-offend kayo," Kenneth said.

Napaface palm ako.

"The hell all of you!" I shouted.

Padabog kong nilampasan sila at tinungo ang kwarto ko kasama si Philip. Agad kaming nahiga sa kama at sunod-sunod na huminga.

"Mga walanghiya iyon. Napagtripan ako," Philip uttered.

Akala ko totoo ng minumulto ako iyon pala ang mga gagong iyon ang may pasimuno. Naiinis talaga ako ng sobra. Sa sobramg takot ko hindi ko man lang napansin iyong mga pa-sound effects nila kanina. Pakingtape sila.

"Ghad! Ang sarap pumatay ng tao."

"Iyon pala ang gusto nila? Lets see. I can make my own horror revenge," Philip said pero tama lang na ako ang makakarinig. I smirked.

"Lintik lang ang walang ganti," I whispered.

.

.

.

.

Ladymania.

Hehe. Wala lang trip ko lang ulit ipost. Sana magustuhan ninyo.

#Vomment po!!

Xiexie.

Sorry sa typos....

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon