Chapter 22

3.8K 124 7
                                    

+++++

Ryan's Pov:

Seryoso kaming nag uusap ni Darryll ng biglang pumasok si Arl sa Tambayan. Napatingin kami sa kanya. Nakangiti siya.

"Pards?" Tawag ni Darryll

Nagtataka din siguro kung bakit nakangiti yung kaibigan naming ito. Himala eh. Once in blue moon mo lang ito makitang ngumite at himala dahil halos araw-araw ay nakangiti na siya. Nagtataka na ko kung sino yung dahilan nang pagngiti niya. Ang galing makahawa kay Jeth eh oh.

"What?!" Balik na sagot niya.

"Anong nakain mo? Bakit ka nakangiti?" Tanong ko na. I'm just curious you know. This is not him.

Umiling naman siya pero nakangiti parin. Parang may naalala na ewan. Lagot na! Nakasinghot yata. Binulungan ko si Montenegro.

"Nakasinghot yata kaibigan natin negro." Sabi niya at bigla akong binatukan. Ang brutal.

"Maliligo lang ako. Alis agad tayo"

"Saan pupunta Pards?"

Oo nga saan pupunta? Sa pagkakaalam ko ay wala namang pasok ngayon. Sabado kasi ngayon.

"Practice" ikling sagot niya. Napatango ako.

"Ay oo nga pala. Buti nalang nakaligo na ako." I said.

Tamang tama lang pala yung ginawa ko na maaga maligo. Yung isa dito nakaligo narin eh pagkadating niya dito.

"Ah. Pards Tumawag pala si Tito. Ngayon na yung alis niya papuntang California. Hindi ka kasi niya macontact."

Tumingin naman si Arl kay Darryll pero sumama naman iyong timpla ng mukha niya. Alam na. Masama ang loob sa Step Father niya. Yeah! Step Father! His real Father is already dead kaya ang tumayong ama amahan niya ngayon ay ang pangalawang asawa ng Mother niya, which is Tito Qu.

"Don't care." Sabi lang niya. Tumango naman kami. At pagpasok niya ng bathroom ay tiningnan naman ako ng masama ni Negro. Psh.

Kasalanan ko na naman sa bitter na to. Ang sama palagi ng tingin sakin.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"Wala. Trip ko lang masama?" He said.Ang galing naman ng trip niya. Masubukan nga minsan baka tumalab at maging suplado din ako tignan. Palagi nalang kasi akong napagkakamalan na mayabang. Eh hindi naman ako mayabang. Talagang nagsasabi lang ako ng totoo noh.

Im just Honest you know. Honest!

******

*AU(tambayan)

"Nakakabwesit naman ng babaeng to. Ayaw akong tigilan. Ghaaadd. Sinasabing hindi kami talo eh. Babae ako. Ba.Ba.e.. Urrrrgggghhh."

Pagpasok namin sa tambayan ganito agad yung narinig namin. At nadatnan namin si Mikaela na hinahampas-hampas yung cellphone niya sa sofa. Sino ba kasi yang katext niya?

"Hoy! Mikaela. Ikaw palang dito?"

"Natural! May nakikita ka pa bang hindi ko nakikita Huh?!" Singhal niya. Therefore I conclude mainit nga yung ulo niya. Tumahimik nalang ako at hindi na nagsalita pa. Baka kalbuhin pa ko ng Mikaela na to eh. Mahirap na. Kahit gangster ako ay natatakot parin ako, takot masabunutan dahil baka masira ang hairdo ko. Ang hirap kaya mag ayos ng buhok kung alam niyo lang. Kasing hirap magpaamo ng Tigre!

"Anong oras dadating yung Polkadots?" Tanong ni Jeth. Hmm. Bakit niya kaya hinahanap si Sunny. I smell something Fishy sa Jeth na to ah.

"Mamaya pa siguro. Siguradong tulog pa yung babaeng yun."

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon