#5

1.6K 49 3
                                    

++++

Trust... Broken...

++++

"Anong problema at nag-aya kang magbar huh?" Tanong ni Sab sa'kin. I just shrugged at tumungga.

Inaya ko sila kasi gusto kong makaalis sa bahay. Andoon kasi palaging namamalagi ang bwesit na Zenberg. Nagfefeeling close sa Ama ko na kadadating lang galing Singapore. Hindi ko sinabi ang nangyari kaya malaya siyang nakakapunta doon. Akala kasi ni Ba ay okay kami but the hell, hindi!

Alam niyang andito ako at malamang ay sinundan niya ako. Pero bahala siya sa buhay niya, ayoko siyang pansinin. Kung kaya niyang mambabae, kaya ko rin manlalaki. Hindi lang siya ang ma-appeal noh!

Hindi naman siya lumalapit sa'kin. Subukan lang niya at hiwalayan ang hantungan naming dalawa. Hanggang tingin lang siya sa akin sa malayo. Kasama niya naman ang mga kaibigan niyang mga manloloko din. Andoon sila sa kabilang table samantalang kami ay nasa kabila din.

"Away kayo ate?" Tanong ni Yanyan sa'kin. Sinama ko narin dito para naman makapagbonding kami and at the same makapag-enjoy din siya.

"Obviously." Sagot ko. Nagsitanguan lang silang lahat. Lahat kami ngayon dito sa table ay mga bigo at niloko ng mga jowa namin. Saklap noh? Nagsabay-sabay pa kaming lahat.

"Lintik na baby ko. Pati pala siya manloloko. Psh." Nick said. Kasama niya ngayon si Geoff kaya si Justine ayon todo bantay naman.

Take that asshole!

"Sinabi mo pa. Muntik ko na ngang hiwalayan. Ang gago nahuli kong may kalandian. Tsk." Pags-share ko sa kanila. At ang mga mukha nila ay lumukot at parang handa ng manuntok.

"Sige lang hayaan niyo sila." Carol said. Tumango kaming lahat.

She's right.

(Party music...Dance again.)

Nagsimulang pumunta sa gitna si Nick kasama si Geoff at sumayaw. Sumunod din itong si Yanyan at Carol, maghahanap daw kasi sila ng boylet. Kami naman ni Mrie at Sab ang naiwan dito sa table. Mukhang mga problemado din katulad ko. Well, sino ba namang hindi eh pare-pareho lang naman ang sitwasyon namin ngayon.

"Mga bwesit noh? Magtataksil tapos magsosorry din pala." Sabi ni Mrie sa amin ni Sab. Napailing nalang ako.

"Tsk. Iyan ang problema sa kanila. Gagawa ng mali tapos pagsisihan naman pala. Kung makaasta akala mo hindi sila ang nanakit sa'yo. Mga gago! Hindi man lang iniisip ang feelings ng sinasaktan nila. Tsk. Ang sakit eh! Alam mo 'yon." I said to them at tumungga na naman. Umiinom din naman sila katulad ko pero hindi hard drinks ang iniinom namin, mahirap na baka malasing.

"Hanap muna ako lalaki. Pagseselosin ko lang ang Walker na iyon." Sabi ni Sab bago umalis sa harapan namin. At ang gaga humanap nga talaga. Foreigner pa ang nabingwit. Echousera!

"Ikaw? Hindi ka maghahanap?" I asked her.

"Maghahanap. Wait lang--puntahan ko lang ang chinito na iyon. Panay ang kindat sa'kin eh." Sabi nito. Napailing nalang ako nang umalis siya at pumunta doon sa chinito.

Siya pa talaga ang pumunta. Naku naman!

And now, ako nalang ang mag-isa. Mamaya na'ko hahanap ng lalaki. Uubusin ko muna itong iniinom ko, sayang kasi eh. Alam mo iyon.

Habang umiinom ay napapasulyap din ako sa gawi nila Zenberg. Hindi ko kasi maiwasan ang hindi mapatingin sa kanila. Nahuli ko lang naman siyang nakatingin sa'kin habang may hawak na baso. Mukhang umiinom din yata.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon