Chapter 52

3K 95 1
                                    

+++++

If looks could kill siguro kanina pa kami nakahandusay ni Kennard dito sa kinatatayuan naming dalawa. Pinasama kasi siya sakin ng Ama ko to get to know each other with Zenberg. Aangal na sana ako kaso pinagbantaan niya ako na hindi daw ako makakalabas paghindi ko daw isinama si Kennard. Kainis lang diba?! Is just that I'm already 25 years old turning 26 pero controlado parin ng Ama ko ang buhay ko. Sa mga ganitong edad dapat may asawa na nga ako eh, dapat may mga anak na, pero anak lang ng tipaklong dinaig pako ng mga 13 years old d'yan sa tabi tabi na meron ng pamilya.

And now kasalukuyan kaming nasa harapan ng mga kaibigan ko at pati narin ni Zenberg na ngayo'y ang sakit ng pagkakatingin sakin. Hindi ko na ngalang siya tinatapunan ng tingin para hindi ako mailang kasi naman para niya akong kakainin tapos panay pa ang tsked nito sa tuwing magtatangka akong magsasalita sa harapan nila. Hindi ko naman masabisabi sa kanila ang totoo kasi nga andito si Kennard sa tabi ko, ayokong marinig niya yung mga negative na sasabihin ng mga kaibigan ko pagnagreact ang mga ito.

Hindi ko kasama si Philip kasi kasalukuyan siyang nagpapagaling ngayon. Ang magaling ko kasing Ama pinabugbog siya at ang baklang ito hindi naman pumatol. Nong time na iyon parang gusto kong umalsa sa Ama ko kasi sumusobra na siya pero sinabihan ako ni Philip na he deserves to be punched by my father. See? Ang gago noh?!

"Aham. So, magtitinginan na lamang ba tayo dito?" basag ni Kenneth sa katahimikan, nakita ko ang pagkurot ni Sab sa tagiliran niya. Binaliwala ko nalang iyon at napailing nalang.

"Bakit mo kami pinatawag Sunny?" tanong ni Bakla. Napataas yung kilay ko.

"Sa pagkakaalam ko hindi ko kayo pinatawag na lahat. " I said to them at agad na tumungo ang tingin nila kay Ryan na ngayo'y halos tumakbo na sa labas kasi ang sama ng tingin sa kanya ng mga kaibigan ko. Itong Kennard naman sa tabi ko ay hindi nagsasalita, napipi na siguro so hayaan na.

"Bang naman! Sinira mo yung date ko!" welga ni Bakla. Ow? So busy pala silang lahat at pinapunta ng magaling na Ryan dito sa tambayan sa School? Yeah. Nandito kami lahat even Mrie and Nick girl, yung pinsan ni Zenberg. Ewan ko ba at pati sila sinama.

"Eh pasensya naman! Akala ko kasi ano--"

"Oh shut up Bang, baka mapatay kita. I even postponed my rehearsals para lang makapunta dito tapos the hell hindi naman pala kami pinatawag?" sigaw narin ni Nick.

Nagmomodel parin pala siya. Busy pala ang mga tao ngayon, naguilty tuloy ako pero hindi naman ako ang may kasalanan kasi hindi ko naman sila pintawag. Ang gusto ko lang naman talagang makausap ay si Zenberg pati narin ang mga kaibigan niya.

"I better go Sunny girl baka patayin ako ni Carol." pagpapaalam ni Bakla pero bago siya makaalis ay pinigilan ko na siya.

"Wait. Better stay." I said na nakapagpataas ng kilay niya.

"Sige na. Tutal andito narin naman kayong lahat at para hindi masayang ang pagpunta niyo dito ay may sasabihin ako." I said to them na nakapagpatahimik sa kanila. Nang walang may nagsalita ay pinagpatuloy ko yung sasabihin ko.

"By the way this is Kennard Tan pala my---"

"His fiance." dugtong nito sa sasabihin ko. I was caught of guard sa sinabi niya at hindi agad nakapagsalita. I bit my lower lip to control my emotions. Okay Sunny. Relax!

"Is it true?" tanong ni Mrie, siya ang unang nakabalik sa wisyo. Lahat kasi sila ay napanganga sa sinabi ng gagong Kennard na ito! Minsan ang sarap ding bigwasan eh! Bago ako magsalita ay tiningnan ko muna si Zenberg at blanko lang ang mukha nito. Hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. I sighed. Kinurot ko sa tagiliran ang lalaking ito dahilan para mapangiwi siya.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon