Chapter 25

3.4K 108 1
                                    

++++++

Sunny Pov

Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa likod ko. Bigla kasing umurong yung luha ko pagsalita niya. Nakakagulat kasi, akala ko ako lang ang mag-isa dito, iyon pala may kasama ako. Nakakahiya dahil nakita pa niya akong umiiyak.

Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko. Pagkatapos ay hinawakan niya yung puntod ni Munch at hinimas iyon. Ako, nakatingin lang sa kanya habang nakakunot ang noo. Para kasing kilala niya si Munch at base sa mukha niya parang nangungulila ito sa kanya. Nasasaktan siya at hindi ko alam kung ano pa yung nararamdaman niya.

"I missed her." He murmured.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. So? Magkakilala sila? Magkaano-ano sila? Kamag-anak? Kapatid? Kasintahan? Yeah! Pero impossible naman yata iyon kasi ang pagkakaalala ko hindi Jeth Arl Zenberg ang pangalan ng boyfriend nito. Kundi Phil!

"Umm..--" He interrupt me. "Why do you keep saying sorry?" Tanong niya. Parang may kung ano na namang nagbabadya na tumulo sa mga mata ko dahil sa sinabi niya. Naalala ko naman iyong nangyari dati.

"K-kasi ang duwag ko." Sabi ko ng nakayuko sabay pahid sa luha kong tumulo.

"It's not your fault. Kasi sa pagkakaalam ko. Tinulungan mo siya."

"No, I didn't."

"Yes, you are. But they didn't bother to believed you."

.
Pumunta ako sa presento para ipaalam sa kanila ang nangyari sa kaibigan ko. Umiiyak ako habang sinasabi sa kanila ang nangyari. "Yung-yung kaibigan ko tulungan niyo please. Tulungan niyo siya. Ginagahasa siya ngayon." Sabi ko habang umiiyak. Pero parang wala lang silang narinig. Parang invisible lang ako sa harapan nila. Parang hindi nila naririnig iyong sinasabi ko.

Sumigaw na ako't lahat lahat pero hindi nila ako pinapansin. Sinabunutan ko nalang yung buhok ko sa sobrang inis. Parang gusto ko silang pagbabatuhin ng bato dahil sa ginawa nilang pagbabalewala sakin.

"Mga wala kayong kwenta!!" Sigaw ko bago umalis ng presento. Narinig ko pa iyong tawanan nila.

Iniisip ba nila na nagbibiro lang ako? Na hindi ako nagsasabi ng totoo? Hindi ba ako kapani-paniwala? Aish. Porket ba isa lang akong bata hindi na nila ako papaniwalaan at papakinggan? Mga wala silang kwenta. Wala silang silbi sa lipunan. I cursed them very much.

.
"Pa-paano m-mo nalaman?"

"I was there that time. Kaya imbes na sila ang pumunta ako ang pumunta sa kaibigan mo para tulungan siya pero I was too late. Very late because she was killed already." Parang may kung anong galit ang nangingibabaw sa pagbibitaw niya ng mga salitang iyon. "She was killed and raped." Dugtong pa niya.

"Zenberg."

"They killed her. They killed my sister."

Nanlaki nalang yung mata ko. How come? Sister? Brother siya ni Jeami? Pero wala namang may sinasabi sakin si Munch na may kapatid siyang lalaki. Ang buong akala ko ay isa lang ang kapatid niya, pero babae ito.

"Pa-paanong." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na naman siyang nagsalita. Kainis! Hindi man lang ako hinahayaang makapagbuka ng bibig.

"And I killed them." Nanlaki iyong mata ko at bigla nalang akong kinabahan sa sinabi niya and at the same time hindi makapaniwala. Kasi siya? Mamamatay tao siya? I can't believe it!

Oh my god! Napatayo ako nang may maalala akong isang bagay dahil sa sinabi niya. At nakita kong napatingin siya sa ginawa ko. Nagtataka siya na ewan!

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon