Chapter 12

4.5K 124 0
                                    

+++++

"Ateee. Nakikita ko na yung dagat."

Nakakatuwa naman itong kapatid ko, ang sarap batukan. Akala mo ngayon lang nakakita ng dagat kung makapagsalita.

"Ate. Hihihi. Grabi kanina sugarcanes ngayon dagat naman."

Nakasakay kasi kami sa bus papuntang hotel at nasa bintana siya kaya kitang-kita niya iyong mga views. Medyo malayo layo din yung lugar. Pero keri lang.

Hinayaan ko nalang siyang magsisisigaw tutal nasa likod naman kaming dalawa. Hindi naman siguro kami nakakaistorbo sa ibang mga pasahero.

'Saan na kayo?'

Text ni Reggie. Kanina pa iyan tanong na tanong pero hindi ko mareplyan dahil nawawala iyong signal. Medyo mahina yata dito kumpara sa manila.

I texted him back. Hindi ko alam kung nasaan na kami.

Buti nalang at nasend naman. Panay lang sulyap ko sa labas. Mukhang malayo pa kami sa bayan dahil puro dagat pa ang nakikita namin. Ang bus na sinakyan namin ni Yanyan ay deritso naman sa hotel kaya hindi ako kinakabahan. Hindi naman kami mawawala. Pero tinawag ko parin ang conductor para alamin kung malapit na ba kami.

"Ano yun maam?"

"Ah. Malapit na po ba yung Westown hotel?" Tanong ko.

Nakita ko namang tumingin siya sa labas. Pagkatapos ay tumingin sa'kin.

"Mga tirty (thirty) minutes pa maam," sabi nito na may tono ng Bacolod.

Napangiti naman ako kay Kuya. Ang cute kasi. Parang hindi nagagalit.

"Salamat po!"

Bumalik naman siya doon sa lugar niya kanina at doon pumuwesto. Taray ni kuya ano? Tumingin lang sa labas alam na kung ilang oras pa ang babyahihin namin.

Tiningnam ko yung phone ko and I started texting Reggie. I just want to inform him na malapit na kami.

'Malapit na kami Reg. Ang layo pala ng lugar na sinasabi mo'

Reply ko sa kanya. It's almost 3 hours narin kasi kaming nagbabyahi and nangangalay na yung pwet ko sa kakaupo dito and ofcourse pagod na rin ako. Gustong gusto ko ng matulog.

'Kaya nga ikaw pinapunta ko eh. Hahaha'

Kaya pala. Pero okay nadin at least makakapagbonding din kami ni Yanyan. You know, minsan lang kami magbonding ng babaeng ito dahil busy palagi iyong schedule niya. Busy daw siya sa pag-aaral iyon ang sabi niya.

'hahaha. whatever. Txt kita maya pagnasa hotel na kami'

'K'

Wow nahiya naman ako sa reply niya. K? Kainis ng baklang iyon ha. Hindi ko nalang siya nireplyan bagkos ay tinago ko nalang iyong cellphone ko sa bag. And tinignan ko itong kapatid kong sobra makangiti.

"Mapupunit bibig mo" sabi ko. Bigla naman siyang sumimangot tapos nagpout. Anak ng. Seriously? Pinitik ko yung nguso niya. Kadiri kasi eh. Saan niya natutunan ang pagpout ng ganyan. Tsk. "Ate naman eh. Panira ka." Reklamo niya.

Napailing nalang ako sa inasta niya at napatingin nalang ako sa babaeng nasa tabi ko. Ang weird kasi niya. Panay ang tingin sakin, siguro ay naiinsecure ito sa beauty ko. Pero cheka lang iyon kasi mas maganda siya sakin kaya wala siyang dapat ika-insecure. Or baka naman type ako nito? Kasi naman parang mukhang tomboy. Alam mo iyon. Lalaki kung gumalaw eh katulad ni Sabrina.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon