Nanggigigil na napatayo ako sa sariling upuan at sumigaw nalang bigla. Galit ako, galit na galit!

"WALANG HIYA KANG JETH KA. AKO PA TALAGA ANG MANYAK HUH?! BWESIT KA! GAGO KA! HUMANDA KA TALAGA SA'KING HINAYUPAK KA!"

I just can't control myself anymore for what he did to me right now. That was totally absurd! Hindi ito makatarungan. I need justice for this!

"Miss Sarosa, anong kaguluhan ito?! Why are you shouting in front of your classmates?!"

Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Ma'am Isagan, iyong professor ko na dinaig pa si Hulk kung magalit. Umuusok ang ilong, namumula ang mukha, lumalabas ang ugat sa leeg, lumalaki ang mata at higit sa lahat nagkakaroon ng invisible na sungay.

I gulped when she looked at me while raising her left eyebrow. Pakshit, kinakabahan ako sa kanya.

"Lord, bakit siya pa ang nakarinig? Bakit siya pa Lord?" bulong ko sa sarili ko.

Sa dinadami ng teachers bakit siya pa? Anong ginawa kong mali at ang malas ko ngayong araw na ito? Una, ang shitzu na iyon tapos ngayon si Ma'am pa ang nakarinig ng sigaw ko. What else? Ano pang pweding mangyari sa'kin ngayon? Ang mahulog sa bangin, sa bubon, sa putikan at building?

Ghad, how lucky am I today? Tell me.

"Pinagsabihan na nga, hindi pa nahalata," bulong sa'kin ng demonyong Bakla.

Malay ko ba na ganito pala sila ka tusong maglaro? Kung alam ko lang edi sana nakapaghanda ako.

I'm doomed.

Nanginginig ang labi kong ngumite kay Ma'am. I really tried my very best not to get stuttered in front of her but hell, nakikita ko palang na nanlilisik ang mata nito ay nauutal na'ko.

"M-maam. Hehe. Nagpapraktis lang po para sa drama namin mamaya. A-ako po kasi si Padre Damaso kaya sumisigaw ako. Para may tense and feelings Ma'am," sabi ko sabay peace sign sa kanya. Mukha akong tanga ngayon sa ginagawa ko pero kung ito lang ang makakapagpagaan ng loob ni Ma'am ay gagawin ko.

But then, she just glared at me at saka lumakad papunta sa harapan naming lahat. Sinundan ko siya nang tingin habang nakatayo parin dito sa kinatatayuan ko, nanginginig at kinakabahan. I wish hindi ako palabasin ni Ma'am.

Just hoping Lord, please.

"All of you Stand up. And you Miss Sarosa, GET OUT OF THIS CLASSROOM NOW!" sigaw nito sabay turo ng kamay niya sa pinto at isa lang ang ibig sabihin no'n, lalabas ako.

I have no choice kundi ang kunin lahat ng gamit ko. Lumabas ako ng room nang nakayuko. Ang mga kaibigan ko hindi man lang ako tinulungan, ang sasama nila. Napanguso ako ng wala sa oras. I sighed.

Humanda talaga sa'kin ang lalaking iyon. Nang dahil sa kanya pinalabas ako at hindi makakakuha ng Quiz. Kainis. Bwesit!

****

Nandito ako ngayon sa library ng school namin at kasalukuyang nagbabasa ng history book. Kinausap kasi ako ni Ma'am kanina na kukuha daw ako ng special quiz mamaya pagkatapos ng klase niya sa isang section.

My friends help me out at hindi ko aakalain na gagawin nila iyon. Akala ko kasi kinalimutan na nila ako at wala na silang pakealam sa'kin. But then sila pa pala ang kumausap kay Maam Isagan para makakuha ako. I should thank them for that.

And while reading my book biglang nagvibrate 'yong cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng aking pants at tiningnan kung sino ang tumatawag. And no other than Reggie Navarro, the guy—I mean the gay who promised me to give me a decent job.

Lumabas ako ng library bago sinagot ang tawag. Isang baritonong boses ang bumungad sa'kin at hindi mo aakalain na bakla ito. He has this masculine voice na medyo may pagkahusky. At hindi ko lubos maisip na pareho lang ang gusto namin, lalaki din.

"Hello Sunny, busy ka ba ngayon?"

"Hindi naman masyado, bakit?"

Ngayon na ba ako magsastart sa trabaho ko? Kaso hindi pa ako nakakapagresign sa club na pinagtatrabahuhan ko. Kumukuha pa kasi ako ng tyempo dahil alam kong hindi agad-agad ako papayagan ni Zizi.

"I have something to tell you about your job. By the way nakaresign ka na ba sa Club?"

"I'm sorry hindi pa," I honestly said. I heard him sighed in the other line so I bit my lower lip. Nakakahiya. Ako na nga itong binibinigyan ng trabaho pero siya pa itong nag-a-adjust para sa'kin.

"Then mamaya mag resign ka na at pumunta ka kaagad sa Green Restaurant, lets have some talks. 7:30 p.m. Don't forget," he said before he hanged up.

Well, okay. Pagkatapos ng quiz ko ay dederitso nalang ako sa KyuZi at sasabihan si Zizi. I hope pumayag siya na umalis ako dahil sayang din naman ang iooffer ni Reggie.

.

.

.

#Ladymania

Don't forget to VOTE and COMMENT.

Thanks. Hoping you'll like the story. ☺☺

Book 1: When I Met This GangsterWhere stories live. Discover now