Huli na naprocess ng utak ko 'yong sinabi niya ng medyo malayo na siya. Napatiim bagang ako.

"What the heck?!" Napamura ako ng ilang beses. Hindi ako makapaniwala, he is really a pervert.

"Ang manyak mo talagang peste ka!" I shrieked.

Alam ko namang maririnig niya iyon eh. Sa lakas ba naman ng sigaw ko imposibleng hindi niya marinig iyon. At wala akong paki sa mga estudyante kung nakatingin man sila sa'kin. Basta ako naiinis ako! And sa sobrang pagkainis ko kumuha ako ng bato sa gilid at saka binato iyon sa kanya. And napanganga nalang ako ng hindi siya natamaan.

"Ang galing niyang umilag ha," sabi ko sa sarili ko at pumulot ulit ng bato. This time natamaan ko na talaga siya.

Bulls eye!

If looks could kill, kanina pa siguro ako nakahandusay dito sa kinatatayuan ko but lucky me because his looks or eyes can't kill a person. Nginitian ko siya ng napakatamis.

"Quits na tayo manyak!" sigaw ko sabay takbo paalis doon. Mahirap na baka gumanti pa.

*****

Tinginan lahat ng mga classmates ko sa akin including my friends, pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom. Nakakunot ang mga noo nila na hindi ko alam kung bakit sila nagkakaganyan.

"Problema nila?" I murmured to myself.

Nagagandahan ba sila sa'kin? Oh well, I'm flattered kung gano'n. Sexy ba ako masyado? Oh, come on, small things!

Umupo ako sa upuan ko at hindi ko mapigilang itaas ang kaliwang kilay ko.

Bakit ganito sila makatingin sakin? Seriously, what's their problem? Or should I say what's the problem?

Tinanong ko si Sabrina kung bakit sila nakatingin sa'kin ng gano'n at ang sagot lang nito ay, "makiramdam din paminsan minsan Sunny," she said.

"Huh?"

Anong pinagsasabi ni Sabrina na makiramdam din paminsan minsan? Kailangan ba talaga iyon? For what reason? I am not good at watching and listening nor noticing what is going on around me.

Well, minsan nagiging observant ako pero minsan hindi. Tumingin ako kay Justine na kasalukuyan ding nakatingin sa akin.

"Likod mo tingnan mo," sabi niya.

Nagtaka ako at nagulat din at the same time dahil may hinablot si Michael sa likod ko. Napatingin ako sa kanya at sa papel na hawak niya.

"Papel?" I said to myself pero hindi ko alam na maririnig pala ng baklang Michael.

"Hindi libro. Tingin mo didikit ang libro sa likod mo?"

Inirapan ko siya dahil sa pagiging pilosopo niya. Naiinis na kinuha ko sa kanya ang papel at binasa ang nakasulat do'n.

Beware of this Girl. She is a dangerous psychopath slash pervert who needed to be locked up.

Psychopath? Pervert? What the hell? Ano ako, isang taong baliw at walang ginawa kundi ang gumawa ng masama sa kanyang kapwa? Ito ang ibig sabihin ng sulat na ito diba? At kailan pa ako naging manyak? Kailan pa nasira ang utak ko? Kailan nangyari iyon?!

Wait, my mind needs to process everything. Breathe in, breathe out.

Pervert, psychopath.

"Bullshit!"

Kinusot ko ang papel na hawak ko nang maprocess ng utak ko ang nangyayari ngayon. I know he is the one who did this to me. That jerk! I want to punch his face right now and right here. I want to crumble his cock to break it down completely. Ang kapal ng mukha niyang gawin ito sa'kin? Seriously, I'm not crazy nor maniac. How dare him!

Book 1: When I Met This GangsterWhere stories live. Discover now