CHAPTER 56

0 0 0
                                    

"ayos ka lang?"

Parang tumigil ang paghinga ko sa boses na narinig ko.

" Ha? Yeah I'm fine." sagot ko at bumitaw agad sa pagkakahawak niya.

"You look pale? May sakit ka ba?" Tanong niya at hahawakan na sana ang noo ko pero bigla kong hinawakan ang braso niya kaya naiwan sa ere ang mga kamay namin.

" Ayos lang ako----" Bigla akong naduwal. Tanginang amoy yan! Anong klaseng perfume yan! umiwas agad ako kay Kerosen. Kumunot naman ang noo niyang nakatingin saakin.

"Aalis na'ko" paalam ko at tumakbo palapit sa kotse ni kuya. Nakatingin lang saamin si kuya kaya pumasok agad ako sa kotse kita ko pang iiling na natawa si kuya kay Kerosen.

Nakatingin lang ako sa labas ng kotse habang nasa byahe kame.

"Kung may rason kapa para balikan siya, please give him another chance" -Valeria

Pinahid ko naman ang luha sa pisngi ko.

Alam mo bang buntis ako Kerosen? Akala ko pa naman matalino ka bat di mo mahulaan na junakis mo to!

Sino ba dapat murahin ko dito? Gusto kong magalit pero cancel na anger ko kay Valeria.

Lumipas ang isang linggo at lahat kame ay babalik sa resort ng mga Flores para  sa opening ng resort sa kabilang isla.

nauna na sila mom, dad, at si ate Gicelle. Sasakay na sana ako sa kotse pero nagulat ako ng makita si Josh na kasama si Maia.

"Hey gurl!" Bati ni Maia saakin.

"Josh?" Taka kong tanong.

"Hi! Congratulation you're pregnant? Wow!" Natatawang sabi ni Josh at yumakap saakin. Natawa naman ako at tumingin kay Maia. Tsk chismosa!

" Halata ba?" Nag aalala kong tanong.

" Hmm hinde nga halata ang tiyan mo eh pero parang tumaba ka" hinampas ko naman siya.

"Hahaha why are you looking at me like that?"  Tanong ni Josh.

"Come on Dorothy di ka pa ba nakakamove on saakin?" Hinampas ko siya ulit. kaya bigla syang umilag at nagtago sa likod ni Maia, Kapal.

"Hoy Maia bakit mo ba kasama to?!" Kunwaring inis kong sigaw.

" Ano ahh kase..." Sagot ni Maia.

" Come on babe, defend me" nanlaki naman ang mata ko.

"Babeee? Bakit babe!" Gulat kong tanong natawa naman sila.

"  Tsk you didn't tell her?" Iiling na sabi ni Josh at hinalikan sa pisngi si Maia. Napahawak nalang ako sa bibig ko sa sobrang gulat.

"Hehe ano kase Dorothy, lagi ko kaseng kasama to sa mga business chuchu ganyan kaya ayun nagkadebelopan!"  Malanding sabi ni Maia saakin.

" Juskoooo HAHAHA edi congratulation!"  Sabi ko at nagtawanan kame.

 
Nakarating na kame sa resort matapos ang ilang oras na biyahe. Sumabay si Josh at si Maia saamin ni kuya maaga pa naman 10 am palang ng makarating kame sa resort. Sumakay na kame ng yate papunta sa kabilang isla tanghali pa naman ang cutting of ribbon eh.

"Are you ready?" Taka naman akong napatingin kay kuya sa tanong niya.

" Tsk, OA mo ah" asar ko sakanya.

Pagbaba namin ng yate ang tahimik ng lugar. maling petsa ata?

"Nasaan ang mga tao dito? Hoy sure ba kayong ngayon ang opening ng resort?" Sigaw ko hindi naman sila sumagot at nagtuloy lang sa paglalakad.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now