Chapter 9

1 0 0
                                    

" Dorothy! " bigla akong napalingon sa tinig na nanggagaling sa likuran ng nilalang na hawak hawak ang braso ko ngayon.

Nay Josepina...

"Wag mo siyang gagalawin pakiusap, iwan mo na k-kame"nagmamakaawang pakiusap ni nay Josepina. May dala siyang lampara kasama ang asawa niya na si mang Alejandro.

" pakiusap... W-wag mokong sa-saktan" pamgamamakaawa ko 

Lumingon naman siya saakin at pinagaaralan ang pananalita ko. Patuloy parin ang pagtulo ng luha ko habang nagmamakaawa sa kanya. Hindi ko na masikmura ang kamay niyang nakahawak sa braso ko feeling ko hindi niya pa man ako nasasaktan pero sa paraan ng pagkakahawak niya sa braso ko ay para bang bumabaon na ang kuko niya sa laman ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng bigla niya akong hilain at bitawan at ilang sandali pa tumalikod na siya akin at tumakbo paalis napaupo ako sa lupa dahil sa kaba  nilapitan naman ako agad nila mang Alejandro at nay Josepina mas lalo akong napaiyak ng yakapin ako ni nay Josepina.

sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba at takot. Natatakot ako sa presensya niya pero hindi ko maintindihan sa oras na pinigilan niya ko sa pagtalon at ng tumitig siya sa mata ko naghalo halo ang pakiramdam ko tao man ang wangis niya nakakatakot pa rin ang presensya niya.

Nakarating naman kame agad sa rest house at ngayon nasa kusina kame ni nay Josepina tulog na ang lahat ng kaibigan ko hindi man lang nila alam ang mga nangyari saakin!

" iha, alam kong takot ka pa rin, ngunit na sisiguro ko sayo na ang nilalang na iyon ay hindi na gagambala pa saatin. " Paliwanag niya bigla naman akong nainis sa sinabi niya.

"Nay, alam niyo ba to? " tanong ko na ikinabigla niya.

" nay paano kayo nakakasiguro na hindi na siya babalik? Aswang yun! Kumakain ng laman, pero hindi niyo man lang kame binalaan na may ganito sa lugar na to! " bwelta ko.

" hindi mo naiintindihan iha---" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil nagsalita ako  ulit.

" naiintindihan ko po, pangalawang beses ko na siyang nakita nay" natigilan naman siya sa sinabi ko.

" nakita ko siya nung nakaraang araw sa taas ng puno... Binalewala ko lang yun kase iniisip ko na baka nga pinagloloko lang ako ng mga tao dito" Diniinan ko talaga yung huli kong sinabi.

"Nakita mo siya? Bakit hindi mo sinabi" nagulat ako sa reaksyon niya.

"Pakiusap iha, ilihim nalang natin lahat ng ito ng sa ganun ay hindi na magalala ang iyong mga kasama" pakikiusap niya.

" bakit?" Diretso kong tanong.

"Dahil hindi mo gugustuhin ang mangyayari pag may iba pang makaalam ito..."

Tumigil ang mundo ko sa sinabi ni nay Josepina. Napailing ako sa sinabi niya hindi ko siya maintindihan, ano aswang rin ba siya? O baka naman kase anak niya yun at gusto niya kameng ipakain sa anak niya p*tangina!

"Sige, mananahimik ako  pero sa oras na may mangyaring masama sa mga kasama ko ilalabas ko ang baho ng resort na to at idadamay ko kayong lahat"

pagkatapos kong sabihin yun ay tumayo nako at dumeretso sa kwarto ko 11pm na pala tumingin naman ako sa salamin at talagang namamaga pa ang mata ko sa paiyak kanina. Napatitig naman ako sa braso ko kung saan ako hinawakan ng nakakatakot at nakakadiring aswang na yun! Nagmarka ang kamay niya sa braso ko at sa segundong naiisip ko ang itsura ng kuko niya gusto kong masuka pakshet!

Ngayon... Napatunayan ko nang may tinatago nga sila dito. bigla namang pumasok sa isip ko yung lumang rest house na pinuntahan ni nay Josepina hila hila ang puting sako shet! Baka doon nila tinatago ang aswang na yun! Una ayaw niya kameng pumunta doon tapos nakita ko siyang ipinasok ang sako doon! O my goshhhhh! Bat ang talino ko talaga shet! Ano kaya kung magpasaway na naman ako at ituloy na talaga ang plano ko?

*oplan hulihin ang aswang operation*

natawa ako sa iniisip ko pakshet nakakabaliw tong nagyayari saakin. Total pagnamatay ako dito magiiwan ako ng palatandaan na aswang ang pumatay saakin hehe. Napahawak ako sa ulo ko, nababaliw na ba ako? ngayon parang tuwang tuwa pa ko na nameet ko in person yung aswang na yun pero deep down takot ako, hindi naman ako pwede umuwi kase magtataka ang mga kasama ko kahit gustuhin ko man sabihin iisipin nilang nababaliw na talaga ako huhu. Sino namang  maniniwala sa akin nasa modern world na tayo may aswang pa rin? at syempre sesermonan na naman ako ng magaling kong ina!

Napabuntong hininga nalang ako. ako at si nay Josepina at ang asawa niya lang ang makakaalam ng nangyari.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now