CHAPTER 51

0 0 0
                                    

"tita, nasaan si tito? Si mom and dad?" Baling ko kay tita.

"Ah, nasa kabilang isla yung pagbubukas ng resort kase don ang pinagkakaabalahan namin umuwi lang ako ngayon kase I want to take a rest bukas babalik na rin ako dun why?" Bumuntong hininga naman ako.

Lahat naman kame napalingon ng bumukas ang main door. Si Kerosen.

Itinaas niya pa muna haggang siko ang long sleeves polo niya at takang napatingin sa sala.

"Why did you call? I told you I'm bus---"

"You're busy? this late? Bakit naman, busy drinking? Busy being wasted? Or busy on cheating on me? O my gosh no. Busy ka palang magpapanggap at mang gamit ng tao! you know Valeria you should keep an eye to this guy baka ipalit kapa sa iba" nakangisi kong sabi.

"Tss you think so?" Sagot din ni Valeria. Kaya tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

" Oo naman, ako nga pinagpalit at ginamit ikaw pa kaya? Natatawa kong sabi.

"Aba'y ano bang mga pinagsasabi niyo?" Tanong ni nay Josepina saamin.

"Dorothy tama na..." Seryosong sabi ni Kerosen.

"Buti naman at nakuha mo ng magsalita? Konti nalang mapagkakamalan kitang pipi ka" inis na sabi ko sakanya.

"wala talagang may gustong magsalita? okay ako nalang." Sabi ko

"Dorothy---"

"Kerosen!" Sigaw ni Valeria ng aktong hahawakan ako ni Kerosen.

"Gusto kong ipaalam sainyong lahat wala na kame ni Kerosen." Usal ko.

Ilang segundong katahimikan.

"Nakakatawa lang na matagal na pala akong ginagago nito" turo ko kay Kerosen.

"Tita you're son is just using me." Galit kong sabi.
Gulat na gulat naman si nay Josepina, tita at ate Gicelle na nakatingin saamin.

"At ikaw Valeria, wala ka bang gustong sabihin?" Baling ko sakanya. Gulat siyang napatingin saakin.

"Buntis ako..."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa buong katawan ko ng marinig ang sinabi niya.

Napapikit ako sa galit ng umulit ulit sa utak ko ang sinabi niya.

"He's the father." Dagdag niya at sumulyap kay Kerosen. Napahawak ako sa bibig ko.

" O my god no..." Halos himatayin si tita sa narinig niya.

"Ano to Kerosen!" Galit na sigaw ni Anthonia.

Malakas kong nasampal si Valeria na ikinagulat nilang lahat.

"Simula ngayon ayoko ng magkaroon ng ugnayan sayo" walang emosyon kong sabi kay Kerosen. 

" Dyan kalang Kerosen!" Galit na sigaw ni ate kay Kerosen ng akmang hahabulin niya ako.

"At ikaw? Ang kapal talaga ng mukha mo Valeria!" Akmang kakaladkarin ni ate si Valeria pero pinigilan siya ni kuya Lewis.

"Dorothy iha! Jusko naman ano ba ito!" Reklamo ni nay. Napaupo naman si tita sa sofa.

" Lewis sundan mo si Dorothy Baka saan magpunta yun!" Rinig kong sigaw ni Anthonia habang paalis ako.

Dali dali akong sumakay sa kotse at walang ano ano'y pinaandar ko ito paalis. Nagsisimula ng tumulo ang luha ko this is it. We're over...

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now