chapter 18

1 0 0
                                    


Lumipas ang isang linggo. Isang linggong pagpapanggap na okay lang kameng tatlo ni Nay Josepina at Victoria, at isang linggong pampaplastik kay Kerosen. Isang linggo nalang ang natitira at aalis na kame dito, sa wakas babalik nako sa home town namin hays ang gulo ng mga tao dito may kanya kanyang sikretong tinatago this is my very first time na pumunta ng vacation without my parents at ito pa ang nangyari. And before anything else kapalit ng pagalis namin ng ligtas dito ay itatago ko lahat ng nalaman ko.

what I knew, what I see, what I heard. I will leave it here.

Nakadungaw ako sa bintana ngayon at   nakasalpak ang earphone  ko sa magkabilang tenga  with matching full volume yung tinutugtog kong music. Ito na yung parati kong tinutugtog ng magbakasyon ako dito ewan ko ba feel ko kase yung kanta. Napatingin naman ako sa sanga ng puno at nandito na naman si Kerosen sa taas... Parati nalang ganito ang eksena niya. Sarap hagisan ng asin eh.

"Nandito ka na naman." usal ko at tinanggal ang isang earphone sa tenga.   Nanlaki ang mata ko ng lumipat siya ng posisyon at pumunta sa pinakadulong sanga malapit sa bintana ko WTF! Hindi ko masyadong maaninag ang itsura niya dahil madilim ang paligid tanging mga emergency light lang sa kanya kanyang rest house ang nagbibigay liwanag dahil nagdown kanina ang electricity sa resort bukas pa maaayos ang poste. naistatwa ako sa kinatatayuan ko habang nanlalaki ang matang nakatingin sakanya medyo nakaangat ang paningin ko kase mataas kaunti yung sanga sa bintana ko pero kung tatalon man siya siguradong deretso sa loob ng bintana ko shet!  

Nakikita ko naman ang kabuoan niya maliban sa mukha dahil natatamaan lamang ang katawan niya ng konting liwanag galing sa loob ng kwarto ko. ng hindi na siya gumagalaw sa posisyon niya huminga  ako ng malalim at  sinandig ang braso ko sa gilid ng bintana. 

"Aalis nako--- I mean kame sa susunod na linggomatatahimik na ulit ang buhay mo... " sa pagkakataong ito hindi kung sino mang aswang ang kinakausap ko kase feeling ko presensya ni Kerosen ang kaharap ko ngayon siguro nasanay nakong makita siya gabi gabi sa taas ng puno kaya eto nakuha ko ng makichismis sakanya.  dahan dahan naman siyang napahawak sa  sanga pakshet! Ano to nagreready siyang tumalon? Papunta saan? sa kwarto ko? No!

Maigi ko siyang tinignan  pero matapos niyang ibaba  ang kamay niya ay wala ng  sumunod na galaw  nakahinga naman ako ng  maluwag at nagpatuloy sa  pananalita

Pero for sure malulungkot ako..." Patuloy ko at namuo naman ang luha ko.

"Mamimiss ko yung taong pinaramdam saakin na  may kaibigan ako." Alam  kong iniisip niya na ibang  tao ang tinutukoy ko kase  wala naman siyang alam  na kilalang kilala ko na  siya at sa totoo lang siya  ang tinutukoy ko sa mga  binitawan kong salita  ngayon.

Never in my life na may  taong nagparamdam  saakin na mahalaga ako  katulad ng ipinaramdam  saakin ni Kerosen  pagkasama ko siya kaya  nalulungkot ako na  talagang ganito nalang ang  kapalaran ni Kerosen  mamamatay nalang siyang  gabi gabing nagtatago sa  dilim.

Napahawak naman ako sa  mukha ko ng bigla akong  humagulgol ng iyak. Sa  paglipas ng mga araw na nandito ako ngayon ko lang narealized na espesyal siya saakin. Kaya ba masyado akong nag aalala pagdating sakanya? Kaya ba parang nawawala sa paningin ko ang mga taong nasa paligid kapag nakatingin ako sakanya? pero ano ba ang magagawa ng isang tulad ko na hamak na tao lang? Talagang mapaglaro ang tadhana makakahanap na lang ako ng taong magugustuhan no chances of winning pa.

Nalulungkot akong isipin na paglabas dito ay hindi nako makakabalik pa. Hindi kona ulit makikita pa si Kerosen at si Nay Josepina.

Napabalikwas ako sa pag iyak ng bigla akong  makaramdam na may humawak sa kamay ko ang  lamig ng kamay niya ayokong tanggalin ang  kamay ko na nakatakip  sa  mukha ko baka mahimatay  ako sa itsura niya!

"Hindi moko iiwan." Nagulat ako ng bigla siyang  magsalita yung boses niya sobrang paos at ang lamig pakinggan napamulat naman agad ako putchaaaa nakaupo si Kerosen sa bintana ko habang hawak hawak ang kamay ko magkarap kame ngayon naloko na! Sunod sunod lang tumulo ang luha ko hindi ko alam kung bakit ako naiiyak tears of joy? Kase finally nasa harapan ko na  ng malapitan ang aswang? Whaaa!

Gusto kong mahimatay parang mamatay nako sa sobrang kaba! Hindi ako makagalaw gustong gusto kong hawakan si Kerosen pero natatakot talaga ako. Malagkit ang mga dugong  nakakapit sa kanya ang lansa din ng amoy niya pero wala nakong  pakealam. Hindi ko parin tinatanggal ang kamay kong nakapatong sa mukha ko.

" bakit iiwan moko?"
at ito ang kaunaunahang pagkakataong naramdaman ko ang lungkot ng boses niya. Hindi ako makasagot nawawalan ako ng salita at boses nanghihina ako.

Bumaba naman ang tingin  ko sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko.  Nanlaki ang mata ko ng  makita ko ang mga pasa sa wrist niya siguro eto yung  pasang nakuha niya sa  kadenang nakakabit sa  kanya ng makita ko siya. madalas siyang naka long sleeve kapag kasama niya kame kung mag topless naman siya hindi ko napansin ang wrist niya! 

"Hahaha! Tangina nababaliw nako sabihin mong nananaginip lang ako mamamatay naba ako?" nababaliw kong sabi.

Alam kong wala siyang  kaalam alam na alam ko  ang totoong pagkatao niya  alam kong iniisip niya rin na ang isang Dorothy ay iba ang pananaw sa aswang na katauhan niya at si Kerosen na kilala ko Natatawa nalang ako ng  marealized kong iniisip niya ngayon na siya si Kerosen nakalimutan niya ata anong itsura niya at anong klaseng nilalang siya. Nagulat ako ng nag iba ang aura niya nakakatakot na siya kaya napaatras ako

Pakshet ka Kerosen! mura ko sa isip. 

"Dorothy?" Narinig ko sa labas ng pinto ang tinig ni nay Josepina.

Omygad!!! Hindi ako makahinga ng maayos---

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now