chapter 16

2 0 0
                                    

6:30pm...

Nasa terrace ako ngayon at pinagmamasdan ang lumang rest house sa di kalayuan gusto kong malaman kung anong meron sa loob nun bakit nakapadlock talaga ang pinto anong tinatago nila?
Oo alam kong doon nagtatago si kerosen pag gabi, pero sadyang curious lang talaga ako kaya nakabuo nanaman ako ng plano.

" tara na't kumain" napalingon naman ako sa sigaw ni nay Josepina ilang sandali pa pumunta na sila Maia sa kusina at sumunod naman ako. habang kumakain kame binubuo ko na ang mga plano sa isip ko hehe syempre uuwi na kame after two weeks kailangan kong humanap ng ebidensya mahirap ng  ireport ang ganitong mga happenings kung wala tayong matibay na evidences. Pagkatapos naming kumain kanya kanyang pwesto na naman sila Maia sa sala syempre makikijoin ako para di halata. Makalipas ang ilang oras napagdesisyunan na nilang pumasok sa kwarto at ako? Eto nagreready na para tumakas sa rest house syempre full charge yung phone ko para mamaya makakuha ako ng shots and all.

Tahimik na ang buong paligid kaya lumabas nako ng kwarto at dahan dahang lumabas ng rest house  Hindi ako nadadala ganun ako ka pasaway. Madilim ang paligid tanging ang repleksyon lang ng mga ilaw sa kalayuan ang nagbibgay liwanag sa nilalakaran ko malapit lapit na rin ako sa lumang rest hose ng bigla kong nakita si nay Josepina na naglalakad papunta sa direksyon ko dala niya ang lampara na nagsisilbing ilaw niya at may hila hila siyang puting sako kaya nagtago muna ako sa nakatambak na mga kahoy sa gilid ng bintana ng rest house. nanlaki ang mata ko ng makita ko ng malapitan ang puting sakong hila niya, puno ng dugo at gusto kong masuka sa sobrang lansa o my gosh!

Binuksan na ni nay  Josepina ang pinto ng rest house at pinasok ang  puting sako hindi naman  ako gumawa ng kahit na  anong ingay shet mahirap ng mahuli! Pagkatapos  niyang pinasok ang puting  sako ay kinandado na niya  ulet ang pinto lumingon  lingon naman si nay  Josepina sa paligid  sumiksik naman ako lalo  sa mga nakatambak na  kahoy ilang sandali pa  naglakad na siya palayo  sinilip ko naman kung  talagang nakaalis na si nay Josepina ng biglang may  malakas na tunog sa loob  ng rest house.
napasilip agad ako sa  butas ng bintana may maliit na lamparang nakasabit sa dulo ng kwarto kung saan ako nakadungaw ngayon nagulat ako ng makitang  naka kadena si Kerosen sa  loob my gosh! Mas lalo ako  nagulat ng bigla niyang  buksan ang puting sako at  dumukot doon napahawak ako sa bibig ko ng makita ko kung paano kainin ni  Kerosen ang lamang loob  na nasa loob ng puting  sako habang nakakabit  ang kadena sa magkabila  niyang kamay. Nanginginig  ang kamay ko ng  mapahawak ako sa dibdib  ko hindi ko maintindihan  pero nasasaktan ako  habang nakikita ang  sitwasyon ni Kerosen sa  loob. sobra sobra ang  takot ko ngayon pero  nangingibabaw pa rin ang  awa ko sakanya habang  pinagmamasdan siyang  sarap na sarap sa kinakain niyang lamang loob na  puno ng dugo. Unti unti  namang tumutulo ang  luha ko. Sa pagkakataong  ito hindi ko alam saang  anggulo ko mahahanap  ang Kerosen na nakilala ko hindi na siya si Kerosen.... Isa na siyang halimaw.

 Halimaw na dapat  nilalayuan ko para sa  ikakaligtas ng buhay ko.   Hindi ko alam paano  babaguhin ang buhay na  meron siya ngayon abot  langit man ang takot ko  sakanya sa mga oras na to hindi ko parin  maintindihan ang sarili  ko  kung bakit hindi ko siya kayang iwasan. Pakiramdam ko kailangan  niya ko. Ng taong  tatanggapin siya ng buo  pero sa tingin ko masyado akong mahina para doon.

Patawarin moko Kerosen i can't do this anymore, ang hina ko hindi ko kaya to I can't longer see you the way I knew you.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now