CHAPTER 52

0 0 0
                                    

DOROTHY'S POV

Nandito ako ulit sa resort dahil maraming papeles ang kailangan kong ipapirma kay kuya tinawagan ko na siya at ang lagi niyang sagot hindi siya makakapunta dahil may importante siyang inaasikaso dito. Siguraduhin niya lang na sobrang importante kaysa saakin. Hindi na ako pumasok pa sa loob ng rest house dito ko nalang hinintay si ate sa terrace.

"Dorothy..." Tawag niya saakin nginitian ko lang si ate at bumeso sa kanya naka sunglass pa rin ako dahil ang laki ng eye bugs ko dahi nagpupuyat ako kakaasikaso sa kompanya dahil out of town silang lahat. And to make my self busy din ofcourse.

Nireport kona sakanya lahat at mahigit 30 minutes din ang tinagal nun mag aalas dos na kaya tumayo nako para magpaalam magmamaneho pa ako pabalik maaabutan na ako ng gabi nito sa daan. Sana may barko pa.

" Dito kana magpalipas ng gabi" suggest ni ate nginitian ko lang siya.

"Hindi na uuwi ako, busy rin ako eh. Pakibilisan naman na yang ginagawa niyo para makaalis na rin kayo dito" sabi ko umiling naman si ate at natawa sa sinabi ko. 

"Dorothy may sasabihin ako sayo..." Taka naman akong tumingin sakanya.

"Hmm ano yon?" Malamya kong tanong.

"Alam na nila mom." Tumango naman ako.

"Anong sabi nila?" Tanong ko naman.

"I don't know, wala eh" kumunot naman ang noo ko wala? Wow lalo akong nabadtrip.

"Nagkagulo ba dito?"

"Sa isla inamin ni Kerosen. And," putol niya.

"And?" Ulit ko.

"Wala. Mabuti na munang wag ka na muna bumalik dito, I guess that will help you a lot tatapusin lang nila ang trabaho sa isla at uuwi na kame pabalik." Tumango ako ulit. Tama naman siya.

" Dorothy..."  Biglang sulpot ni Martin.

" Martin" naiusal ko nalang.

"Hi, ah I just accompanied Valeria way back here" hindi naman ako sumagot.

WALA AKONG PAKEALAM!

napalingon ako sa sala si Anthonia.

"Martin hey" bati sakanya ni Anthonia.

"Hi there, napadaan lang ako" tumango naman si Anthonia at tumuloy ng bumaba si Martin sa hagdan paalis.

"Dorothy, kamusta?" Nag aalala niyang tanong at hinawakan ang kamay ko.

"May inasikaso lang importante, sa negosyo" nakangiti kong kay Anthonia.

"Are you, are you okay?" Tanong niya ulit umihip naman ang hangin sa paligid. Namasa ang mata ko kaya tumungo ako saglit bago ngumiti.

"Oo naman" nakangiti kong sagot. god I'm not!




LEWIS POV:

Naaawa ako sa kapatid ko pero kailangan kong maging matigas. Wala kang dapat malaman sa ngayon Dorothy. Kung kailangan mong masaktan tititigan kita habang umiiyak, wag ka lang mawala. Alam kong nahihirapan din si Kerosen sa pagpapanggap niya imposibleng hindi niya naiisip ang kapatid ko ilang beses ko siyang nakikitang nakatitig sa selpon niya habang nakatingin sa pangalan ni Dorothy sa contact. 

Everyone went crazy sa isla ng biglang umamin si Kerosen sa parents namin na wala na sila ni Dorothy. But I didn't expect what happened my parents are the one who has the right to be hysterical and all but they were so professional they didn't make a scene. Tuloy pa rin ang pagiging bussiness partner ng pamilya namin. I know my sister will feel bad about it probably she will think our parents doesn't care again. Pero ang hindi ko iniexpect sa lahat ang ginawa ni tito. Sinuntok niya ng malutong si Kerosen matapos ang usapan. Pinamukha niya ng todo kay Kerosen na wala itong utang na loob kay Dorothy and everybody went silent. Ofcourse not everyone knew about what tito is pertaining to.

I KNEW YOUR SECRET (Complete)Where stories live. Discover now